Grade 12 nako ngayon pasukan na nakapag handa nako para pumasok nagmamadali nako dahil mukhang malalate nako nakarating nako sa harap ng isang napaka laking gate.
"Ava!" Sigaw ni maddison habang papalapit sakin.
"Maddi wow naman nag pa blonde sya!".
"Syempre naman ano lalo ba ako na gumanda?" Sabi nya habang tinitwist ang buhok nya.
"Lakas ng hangin oh!" Tinitigan naman nya ako ng masama.
"Ano room number mo?"
Habang nag uusap kami ni maddi bigla nalang may bumangga sakin dahilan upang matumba ako sa lapag.
"Harang harang kasi sa daan tss!"
"Ikaw nanga itong naka bangga ikaw pa itong galit" first day ko dito may gantong eksena na kaagad.
"I don't care" sabay alis.
Hindi manlang sya nag sorry kapal ng mukha.
"Ava okay kalang ba?" Sabay alalay sakin sa pag tayo ko.
"Oo maddi" sa totoo lang medyo masakit talaga eh.
"Ano ba room number mo?" Tanong ko kay maddi.
"A1 ako eh ikaw ba?" Tinignan ko na ang nakalagay sa maliit na papel.
"C3 ako pano yan hindi tayo mag classmates?" Saad ko nalungkot ako bigla dahil mukhang wala muna akong makakausap.
"Sa recess nalang tayo magusap palagi" nakakalungkot talaga.
*Cring*cring*cring
"Sige na Ava mamaya nalang recess" umalis na sya hinanap ko Naman agad ang room c3 at nakita ko naman ito kaagad 4th floor ang room ko agad na akong pumasok.
Pag di kanga naman minamalas oh! Classmate ko kase yung lalaki na nakabangga sakin at mukhang lilima lang kaming babae dito at baka may lumipat pa ng room.
"Ok class meet our new student" tumayo naman ako agad sa harap
"Hi im Ava miller" nginitian ako ng lahat maliban sa masungit na lalaki
"Class president ilibot mo si ava ngayon para naman hindi sya maligaw dahil may pag kalaki din itong school natin" Saad ni mr Gonzales