CHAPTER 4

56 3 0
                                    

Maagang gumising si Irish, ihahatid pa siya ng mama niya bago ito tumuloy sa trabaho nito, kaya mas pinili niyang maagang pumasok para na din hindi mahuli ang mama niya sa trabaho.

"Irish, hintayin mo ako mamaya, susunduin kita." usal ng kanyang ina pagkababa niya ng kotse

Pagpasok niya sa silid ay may ilan ilan na din siyang mga kaklase, magugulo ang mga ito, kaya mas pinili na lamang niyang maupo sa silya nya at pagmasdan ang mga ito.

"Hi Irish' bati sa kanya ni Cheska

"Hello' ganti naman niya

Ilang minuto pa ang lumipas at nagsimula narin ang klase nila. tahimik ang buong klase dahil kai Mrs Torres, ito ang History teacher nila, kilala itong napaka istriktong guro, ang iba nga niyang mga kaklase ay Mrs. Hitler ang tawag dito kasi daig pa nga daw nito si Hitler kung magalit, perfectionist kasi ito.

"Okey class, get your history books and open it to page 110." Maawtorisadong sabi nito, nang may biglang kumatok sa pinto.

"Yes, what is it?" tanung nito sa isang estudyante

"Maam, the principal want's to see you in his office." sagot nito

"Okey class, read page 110 and I will just go to the principals office." pagkasabi nito ay agad naman itong umalis.

Agad namang kinuha ng mga estudyante ang kanya kanya nitong mga aklat, at nagsimulang magbasa, maliban nalang kai Irish na patuloy parin sa pag halungtkat ng mga gamit niya.

"girl, anung problema?" tanong ni cheska na nasa harapan lang niya

"naiwan ko ata ang aklat ko sa bahay." sagot niya habang patuloy parin sa paghalungkat sa gamit niya.

"Naku lagot, ayaw pa naman ni Mrs Hitler na naiiwan ang book, maiwan mo na ang lahat huwag lang ang libro mo sa klase niya." sagot namn ng kaklase niyang katabi ni cheska na si Marylle.

 " Ha! , naku panu yan, anung gagawin ko?" natatarantang sabi nya sa dalawa.

Nang biglang nagsalita sa Andrei

"Ah, girls excuse me ha,anu bang problema ninyo at para kayong mga pusang hindi mapa anak anak?" tanong nito

" Eh panu naman kasi itong si irish sa dami daming pwedeng maiwan sa bahay nila ang aklat pa nya ang naiwan niya.' paliwanag ni cheska

" Iyon lang pala eh, huwag niyo ng problemahin iyon, oh eto, sayo naq lang muna ang aklat ko." sabi nito sabay bigay sa kanya ng aklat.

"Paanu ka, baka ikaw namn ang mapagalitan?" tanong ni Marylle

"Akong bahala, trust me." sabi nito habang nakatingin kai Irish

Nagulat siya sa inasal ni Andrei, Seryoso ba ito? ba't parang bigla yata itong bumait sa kanya.

Nang biglang bumalik si Mrs. Torres, agad na din itong nagsimula ng leksyon, naglilibot ito para tingnan kong sinu ang walang aklat, nag bigla itong huminto sa harap ni Andrei.

"Mr. Avery , where is your history book?" tanong nito habang nakapamaywang.

" Ah, eh, maam, nawala ko kasi ang aklat ko." palusot nito

" Well, why didn't you buy a new one." sarkastikong sagot nito

"Maam naman, 3 months nalang at magtatapos na ang klase, pabibilhin niyo pa ulit ako ng bagong aklat, sayang naman po ang pera ko." sagot nito sa guro

CHAIN BRACELETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon