JUNJI
We didn't get there on time. Dumating kami sa shop at naabutan na iyong sarado. Kahit hindi sabihin ni Jessie, alam kong dismayado siya. Her eyes are sad, scanning the place outside through the glass window.
Sinabayan ko siya sa paglalakad habang nakahawak sa manibela ng bike. We passed through a lot of shops. Tahimik lang siyang nakatingin diretso sa daan, her eyes watching the sunset that we now barely see dahil bahagyang natatakpan ng mga building.
"Let's have some ice cream, libre ko." basag ko sa katahimikang bumabalot sa amin. Her face lit up.
"Usual place?" tanong niya.
"Usual place." sagot ko and I couldn't help but smile at her.
Pumasok kami sa Clovers, isang ice cream shop na itinayo pa mula noong panahong 80s. Makikita ang medyo makalumang interior ng shop mula sa glass door. Binuksan ko iyon para kay Jessie, the bells clinked when we entered.
Napatingin sa amin si tita Martha, siya ang nagmamanage ng shop na dating pagmamay-ari ng lolo ko. Nagmano kami sa kanya ni Jessie bago umupo malapit sa counter. The theme of the shop is retro, mayroon ding jukebox malapit sa counter. May mga nakadesign na discs sa pader at posters ng mga banda noong panahon nila. Para kaming dinala ulit sa panahon dati.
Nilapitan kami ni tita Martha matapos niyang kunin ang order ng iba pang costumers. She greeted us with a warm smile before asking what's our order.
"Butter Pecan." sagot ko habang nakatingin sa menu. Sumulyap ako kay Jessie na focused sa pagpili ng flavor ng ice cream. Cute.
"Yun na rin po ang flavor ng akin." she replied. Tinanong kami kung maglalagay kami ng toppings, Jessie looked at me with a grin.
"Can I add some?" tanong niya. Me being enchanted by her smile, unconsciously nodded. Iniwas ko na lang ulit ang tingin ko sa kanya tumingin na lang sa menu. I guess I'll just add some hot fudge and cookie dough.
Sinabi sa amin ni tita na kahit ilang toppings pa ang idagdag namin, so we decided to add some fruits and oreos. Tinanong niya rin kami kung anong ipapangalan sa ice cream na inorder namin, since minsan lang daw kami pumunta sa shop nila and they missed us dearly, she decided to add the ice cream we ordered on her 'must try menu'. Nagkatinginan kami ni Jessie.
"Ikaw magpangalan," wika ko. Umiling siya, looking shy because of the oppurtunity I offered.
"Ikaw na lang!" she exclaimed, covering her face with her hands. Inalis ko ang kamay niyang nakatakip sa mukha niya, exposing her flustered face.
"Sige na, naghihintay si tita." I said, grinning while looking at her. Tumingin rin siya kay tita na nasa counter at abalang ginagawa ang ice cream namin.
"Oh gusto mo pangalanan ko na lang na by Jessie?" I laughed when her eyes widened.
"Hoy wag, I'll name it! Ako na magpapangalan!" natataranta niyang sabi. Mas lalo akong tumawa. She jokingly glared at me and threw a tissue at my direction. Hindi yon umabot sa akin and landed on the table even though we were facing each other. Nakaupo kasi kami sa pangdalawahang upuan lang at magkatapat.
Kinuha niya ang papel na hawak ko, also grabbing the pen my auntie left in the table. Hindi niya pinakita sa akin ang sinusulat niya. I attempted to take a look pero tinakpan niya iyon ng kamay niya.
BINABASA MO ANG
The Paradise of Junji Alperes
Teen FictionJunji Alperes is a high school student living his normal monotonous life. Having hidden feelings for her childhood bestfriend Jessie, he became utterly devastated to know that she began dating someone else without even telling him. His life is dull...