tamara
I was busy reading some paper works when my phone suddenly rang. I answered the phone without looking at the caller's ID. Nilagay ko sa balikat ko yung phone then I tilted my head para di malaglag and continued reading.
"Hello, who's this?"
(Finally sinagot mo din. Kahapon pa kita tinatawagan pero di mo sinasagot. Grabe ka Tamara ha pati nanay mo iniiwasan mo.) Binaba ko yung mga papeles na binabasa ko tapos ay hinawakan ko ang aking phone ng makilala ko kung sino yung tumawag.
"Mom? Yeah sorry, I've been super busy this past few weeks. Why? Did something happened?"
(Heh! Nagtatampo pa din ako sayo, pero para mawala yung tampo ko pumunta ka dito sa Pilipinas.) Kumunot ang noo ko sa sinabi nito.
"Lagi ka namang nagtatampo sakin Mom pero never mo ako pinauwi ng Pinas. Why?" Narinig ko siyang umismid bago sagutin ang tanong ko.
(K, sige eto na nga... YOUR SISTER IS GETTING MARRIED.) Mabilis kong nilayo sa tenga ko yung phone nung sumigaw si mommy. Pero teka wait what?
"Who's getting what?!" Naguguluhan kong tanong.
(Ay sumigaw na ako't lahat lahat pero di mo pa din ako narinig? Pacheck up ka na anak baka nabibingi ka na. Ang sabi ko kako ikakasal na si Yara.)
"H-how? Ni wala nga siyang pinapakilalang boyfriend sakin nung last na video call namin."
(Well, parang di mo naman kilala yang kapatid mo. Pamysterious effect. Last week lang din namin nakilala yung lalaki pumunta siya sa bahay para hingin samin yung kamay ni Yara. Ang gwapo anak! Jackpot yung ate mo!) Kinikilig na kwento nito.
"Gaano na daw sila katagal? Ininterview mo ba yung lalaki mom? Last week niyo lang nakilala tas pumayag kayo? Baka mamaya pinilit lang non si ate Yara. Anong pangalan? Ipapa background check ko." Sunod sunod na tanong ko rito.
(2 years na daw sila, atsaka ano ka ba halata namang mahal na mahal ng ate mo yung lalaki. The way they look at each other makikita mo kung gaano nila kamahal yung isa't isa.)
"Baka napilitan lang si ate? O kaya ginayuma siya? Mom anong name nung guy? Ipapa background check ko baka mamaya serial killer pala yan!"
(Ano ba yan Tamara! Ang bitter bitter mo! The reason I called you is kailangan mong umuwi ng Pilipinas as soon as possible in short ASAP.)
"Mom I'm busy, sobrang dami kong meetings at paper works. Andami ko ring nakapila na shooting. You know I can't." Paliwanag ko rito.
(Edi I-cancel mo. Two months from now gaganapin yung kasal ng ate mo kaya kailangan mo talagang umuwi. Ikaw ang maid of honor at ring bearer naman si Xenon. Namimiss ko na rin yang apo ko. Basta I'll give you one week to settle things out at pagtapos non dapat nasa Pilipinas na kayo. Naiintindihan mo ba?) Nagulat naman ako sa narinig ko.
"2 months?! Aren't they rushing things? Buntis ba si ate Yara at minamadali nila yung kasal? And mom hindi ganon kadali na ipacancel yung mga shooting ko. May mga kontrata akong pinirmahan pwede nila akong kasuhan."
(Hindi buntis ang ate Yara mo ok? Ganoon lang talaga siguro kapag mahal mo yung isang tao. And doon sa mga shooting mo gagawan na lang natin yan ng paraan. Basta by next week dapat nandito na kayo kasi next week na ang sukatan ng mga gowns. I have to hang up na, bye sweetheart love you take care always. Ikamusta mo na din ako sa apo ko.) She said and hung up.
I sighed. Alam kong hindi ko na mahihindi-an si mommy. Lalo na't may magandang rason siya upang pauwiin ako ng Pilipinas.
Last last year niya pa ako sinasabihan na magbakasyon sa Pilipinas. Pero dahil alam niyang busy ako at wala naman siyang maayos na rason para pauwiin ako ay hinahayaan niya na lang.
Mabilis kong inayos ang mga papeles sa table ko ng mapagdesisyonan kong mag half day.
"Syd, wala naman akong meeting mamaya diba?" I asked my filipina assistant nang makalabas ako sa aking opisina.
"Wala po ma'am. Aalis na po kayo?" Tanong nito.
"Yeah, mag half day ka na din wala ka na namang gagawin dito sa opisina." Ngumiti ito at mabilis na tumango.
Pumunta ako sa parking at agad na pinaandar ang kotse ko. Edi sige na, ako na ang kating kati umuwi.
Ngayon na lang ulit ako naghalfday mula sa trabaho. Madalas kasi nag oover time ako dahil sa sobrang daming gawain. Simula ng magretired kasi si daddy ako na ang nagtake over sa company namin.
Let me introduce myself first, I am Tamara Roustov. 25 years old, CEO of Roustov Manufacturing Model, Hollywood actress and model.
Hindi din nagtagal at nakarating na ako sa bahay ko. Eto ang maganda sa America, hindi malala ang traffic hindi gaya sa Pilipinas na daig mo pa ang pumunta sa probinsiya sa sobrang tagal ng byahe.
"Oh, napaaga ka ata ngayon Tamara?" Salubong saakin ni manang pagkapasok ko sa bahay.
6 years ago simula ng umalis ako ng Pilipinas, pero pinasunod din agad nila mommy si manang Ezra kasi masiyado pa daw ako bata para mabuhay mag isa. I was 19 that time.
"Ngayon lang 'to manang, baka sa susunod na araw hindi na ako makauwi sa sobrang dami kong kailangan tapusin. Ang dami kong kailangang i-rush na meeting kasi pinapauwi ako ni mommy sa Pilipinas." Kuwento ko rito, hindi lang kasi basta kasambahay si manang Ezra para saakin kundi siya na din ang tumayong pangalawang ina ko tuwing wala si mommy.
"Aba'y magbabakasyon ka ba don o ano?" Tanong nito.
"Ikakasal na si ate Yara manang." Sagot ko.
"Totoo ba yan? Parang dati lang maliit pa yang si Yara, ngayon ikakasal na siya. Parang ikaw, dati baby ka lang ng mommy mo, ngayon ikaw mismo may baby na." Nakangiting sabi nito habang binabalikan ang nakaraan.
Magsasalita na sana ako ng may matinis na boses akong narinig.
"Mommy! Mommy! Is is true? We're going to the Philippines?" Excited na tanong nito habang mabilis na bumaba ng hagdan at yumakap saakin.
"Who told you that?" I frowned trying to hide my smile.
"Ehh mommy! I heard you tell Nana kaya. Finally mommy. I always wanted to visit Philippines, especially lolo dad and lola mom. You're the best mommy." Hindi ko na napigilan ang ngiti ko ng halikan niya ako ng marami sa pisngi.
"I know you do baby, are you excited?" I asked him cheerfully.
"Super mommy! Super duper excited!" I laughed when he spread his arms trying to show me how excited he is.
"Really? Really really really?" Then I started tickling him, and the room was filled with our laughter.
————————————————————
A/N - okay medyo butaw yung chapter one huhu sorry!! babawi ako promise, enjoy.