Chapter 18

89 11 5
                                    


"Bakit napakaliit ng mundo para sa'min?" tanong ni Genesis kay Kyline nung puntahan niya ito sa condo unit nito. Nakasalampak siya sa sofa at may nachos na nasa center table. "Anong gagawin ko Montesa? Ako kasi, kaya kong tanggapin eh, painful pero wala eh, ganun talaga. Kaso si Win, i know na ang akala niya, ang perfect ng family niya. Baka kapag nalaman niya-- lumayo na siya sa'kin."

"Hurt him with the truth Falcon!" sabi pa ni Kyline sabay hawak sa balikat ng lalaki. "Mas malala ang sakit kapag pinatagal mo pa 'to. Tell her the truth!"

"Kaya ko siguro na hindi niya na 'ko pansinin habang buhay-- pero hindi ko kakayanin na masira ang pamilya nila dahil don."

"Ang hirap nga niyan.." napapailing nalang na sabi ni Kyline. "Then-- just pretend nalang na wala kang alam. Hayaan mo nalang na ang panahon at ang pagkakataon ang magsabi sa kanila non."

Napatango nalang si Genesis at agad kumuha ng nachos at kumain non...

•••

Kanina pa 'ko nakatingin sa cellphone ko habang nakahiga sa kama at nakapatong sa dibdib ko ang English book...

Bakit wala pang chat from Genesis? Strange...

Mula pa kanina.. Wala pa talaga!

Bakit kaya?

Wala pa kaya siya sa bahay nila?

Huminga ako ng malalim at hindi ko na matiis, ako na ang mauuna mag message sa kanya. Hindi naman purke babae e' lagi nalang maghihintay na mauna mag chat ang mga boyfriends nila. It's a give and take sa isang relationship, kung tingin mo na kailangan mo na maunang mag approach, just go!

Win: Nakauwi ka na ba sa bahay niyo?

Pagkasend non ay nilapag ko muna sa kama ang phone ko at kinuha ko muna ang libro para makapagbasa muna while waiting sa reply niya.

Pero..

It's almost 1 hour, wala pa ding reply mula sa kanya! Anyare ba? May nangyari na bang masama sa kanya? Okay lang ba siya?

Napabuntong hininga ako at muli kong kinuha ang phone ko at agad ko nalang siyang tinawagan!

Nung mag ring ito ay tumibok ng mabilis ang puso ko, na eexcite na akong marinig ang boses niya..

Genesis: (girl's voice) Hello? Nakatulog kasi si Falcon, maybe you can call him later.

Win: Ah- sino 'to?

Girl?

Bakit girl ang sumagot sa tawag ko? Ang kasama lang naman niyang babae sa bahay ay ang Tita Kate niya, at-- bakit Falcon ang tawag kay Genesis?

Ah!

I remember! Siya yung girl na sumundo kay Genesis noon! Bakit sila magkasama? Bakit siya ang sumagot sa tawag ko? Bakit alam niya 'yung password ni Genesis? Bakit ito tulog?

Nanginginig ko at this moment..

Anong nangyayari?

Kaya ba kanina pa hindi nagpaparamdam si Genesis ay magkasama sila?

Genesis: (girl's voice) It's me, Kyline, friend ni Genesis.

Win: Tulog siya? Ah-- saan?

Kyline: Dito sa condo unit ko...

Sa condo unit niya??

Shete!

Bakit ang bigat yata sa dibdib?

WIN HER HEART  ( LizQuen )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon