OUTING (Day 1)

228 4 0
                                    

Leiyah's Pov.








         Guysss etooo paaaa! Sigaw ni Anna, at hinagis ang isang bag na hindi naman sigiro ganon kabigat ano? Hindi ko na sila pinansin at sumandal nalang ulit, nasa loob na ako ng Van at hinihintay nalang sila.

Oh? You okay? Si Charles pala at inabutan ako ng tumbler na may lamang tubig.

Hmm. Thanks! Nakangiti kong sabi sakanya






Nakabukas ang pinto ng Van kaya naman nakatayo siya sa gilid at nakasandal, pinag masdan ko siya habang umiinom ng tubig. Natatawa siyang nakatingin kila Anna at Cha na nakatayo sa labas ng bahay dahil nag aayos pa sila ng gamit.

Why? Natatawa kong tanong sakanya.

Ang ingay ng mga kaibigan mo! HAHA sabi niya lang at nag lakad na papunta sakanila



Napailing nalang ako dahil don. Wala ako sa mood hindi ko din maintindihan ang sarili ko kung bakit! Huminga nalang ako ng malalim ang tagal naman ng mga to.










Maya maya lang ay nag sisisakayan na sila. Nasa Passengers Seat ako since si Charles ang driver. Nakaayos na lahat nasa gitna sila Anna katabi niya si Cha kasunod niya ay si Ariel. Sa likod naman ay ang love birds na si Dawn at Chard. Yes, kasama si Chard hindi papayag si Dawn na maiiwan yan HAHAHAHA

Okay na guys? Pag checheck ulit ni Charles sakanila at nakita naman na okay na at ready na ang lahat para sa biyahe.




Ini start na ni Charles ang Van at paalis na kami. Ilang minuto na ang lumilipas at umiingay na ang dadaldal nag tatawanan din sila minsan ay nakikisagot ako at nang aalaska pampaganda lang ng mood.







Sino nga ba diyan Third Wheel! HAHA! hirit ni Cha kaya naman mula sa harapan ay nag lingunan kaming lahat kay Anna!

HAHAHAHAHAHA!!! tawanan naming lahat at natatawa din siya! Pero alam namin na naaasar na yan wala kasing Jowa although wala nga din akong Jowa but I have Charles on my side! E siya? Dalawang lalaki palang yata ang naipapakilala niyan samin amp.




Napansin ko si Cha na nakahawak sa braso ni Ariel dahil don ay dahan dahan na akong humarap sa daan.

Inaantok ka? Tanong sakin ni Charles kaya naman napalingon ako sakanya at sumusulyap sulyap naman siya sakin.

Hindi. Nakangiti kong sabi sakanya.

Hindi na siya umimik pag katapos non kaya naman hindi na din ako umimik. Ang mga tao naman sa likod ay nag uusap usap pa din pinapakinggan ko lang sila nagulat ako nung tanungin ni Anna si Cha.

Ang sweet sweet niyo diyan! What if Cha magulat ka? Meron na palang iba yan si Ariel? Tanong ni Anna kay Cha





Kaya naman mula sa salamin na nasa gitna ng loob ng Van ay tinanaw ko sila don natatawa si Anna. Pero ako? Kinabahan, hindi ko din alam!

Hmm. Syempre magagalit ako! Hindi ko sila mapapatawad nakatingin na sabi ni Cha kay Ariel at hindi ko mabasa ang expression ni Ariel!

Pero syempre, alam kung hindi gagawin ni Ariel yon diba by? Tanong ni Cha kay Ariel at isiniksik lalo ang sarili niya kay Ariel. Nakita ko naman na nilingon siya ni Ariel at hinaplos siya sa muka.

Psh! Siring naman ni Anna kaya iniwas ko nalang ang paningin ko. Naramdaman ko naman na hinawakan ni Charles ang kamay ko sumulyap ako sakanya pero sa Daan siya nakatingin.









Secret Love AffairWhere stories live. Discover now