Suddenly its Love

9 6 0
                                    

.

💟 KABANATA 8  💟

.

Nagulat ang dalawa sa biglaang pagbuhos ng malakas na ulan, kaya pala malamig ang simoy ng hangin malamang ay papaulan na hindi lang pansin dahil sa dilim ng paligid.

Inalalayan siya muli ni Vince pa akyat ng silid matapos nitong iligpit ang kanilang pinagkainan gusto pa nga sanang hugasan ng binata ang mga ito pero sinaway na niya ito at sinabing bukas na lamang kapag maliwanag na.

Pagdating sa kuwarto muli siyang pinagpahinga ng binata, pinahiga sa kamat at kinumutan, malamig na daw sabi nito.

"lumamig nga ang hangin dahil sa lakas ng ulan at naaawa si Samantha kay Vince na walang pang itaas nakita niya itong nakahalukip na nakaupo sa upuan katabi niya. sa laki nito ay hindi ito komportable sa stool na kinauupuan nito.

"Vince" may jacket nga pala dyan sa likod ng pinto panlalaki iyon pwede mo iyon suotin pansantala para hindi ka din ginawin.

"Kinuha naman ni Vince ang itinuro ng dalaga at natawa pa siya, Jacket iyon ni Andrei, nakalimutan na niya na isinuot nga pala nito iyon sa dalaga noong nadaan niyang basa ng ulan. Nakapuntos nga pala ang loko nang oras na yun.

Sinuot ni Vince ang jacket "0k lang bang suotin ko ito baka magalit ang may ari baka sa boyfriend mo ito" panghuhuli ni Vince sa dalaga oo ang jacket nga ay malabong sa bf na dalaga pero malay mo nga kung may boyfriend ang dalaga , hindi pa nga pala niya iyon naitatanong.

Sasagot sana ang dalaga ng mapahiyaw ito sa lakas ng kulog at parang nakapasok ang talas ng kidlat sa loob ng kuwarto nila.

Napatakbo si Vince sa dalaga? "okey ka lang?" natawa si Samantha sa Oa na reaksiyon ni Vince.

Oo okey lang ako nagulat lang talaga ako lakas kase ng kulog, ganun ako kapag nagugulat napapasigaw.

"Vince paki sara mo na lang ng maigi ung bintana at paki unat ng kurtina feeling ko kase papasok ung kidlat..Dun ako takot sa kidlat, nung bata pa kase ako nung mamatay si Mama may bagyo din yun at madaming kidlat sunod sunod since bata pa ako akala ko noon kapag kumikidlat may mamatay sa malapit sa akin.

Naging truma sa akin ang kidlat pero okey na ako ngayon, nang magdalaga na ako ako na din mismo ang natatawa sa sarili ko kapag naiisip ko ang paniniwala ko sa kidlat pero ung takot ko ay nandun pa din.

"Sabi nila kapag may kahawak kamay ka daw ay malalabanan mo ang takot, Umupo ang binata sa tabi ng kama ni Samantha at hinawakan ang isang kamay nito pinaloob sa dalawang malapad na palad nito.

Siya namang pagdating muli nang mas malakas na kulog at kidlat ang dalaga na mismo ang napahawak ng kamay sa binata hindi nga lang kamay eh halos yakap na niya ang braso ni Vince wala na siyang pakialam kahit anong isipin nito. bahala na si batman.Sa kasamaang palad nalowbat ang celpon ni Samantha, tanging celpon na lang ni vince ang may battery pa.

" Sam gusto mo ba ng music para kahit papaano hindi mo marinig ang kulog."tango lang ang isinagot ni Samantha bakit ba parang napakalambing nito kung kausapin siya dios ko naman malamig na wag mo nang painitin ang pakiramdam ko.

Binuksan ng binata ang celpon nito at nagpatogtog ng isang klasikal music. tunog ng piano ang nariring niya, tama ito kahit papaano ay nalilibang siya pakinggan ito , gusto niya din ang mga ganitong instrumental music.

Kung ganun ay may pagkakapareho pala sila ng binata, Effective angusika bagamat malakas pa din ang kulog at kidlat di na aiya masyadong nagugulat mas pinakilinggan kase niya ang tunog ng musika.

Mga 20 minuto pa ang lumipas ng tuluyan ng sumuko ang buhay ng kanilang kandilang tanglaw, kayat kadiliman ang muling namayani sa silid , tanging ang paminsan minsang liwanag ng kidlat ang tumatangkaw sa kanila at ang liwanag ng celpon ni Vince na kasalukuyang tomotogtog ang tanging ilaw nila sa magdamag.

My Mysterious Neighbor (Complete )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon