EPILOUGE 2

10 2 0
                                    

"Dito ba talaga yung daan? Kanina pa kamo tayo paikot ikot, napapagod na ako"  halos mag iisang oras na kaming nag lalakad dito sa lugar na puro damo lang ang nakikita ko

"Pwede ba wag ka nalang mag reklamo? kung ikaw napapagod, mas napapagod ako"

"Eh bakit ba kasi hindi nalang tayo nag punta sa mga pulis? baka mamatay ako nang di oras dito" pangarap ko kaya ang makapunta sa Los Angeles

"Hestriae hindi nga sabi ganoon yon kadali" bwct ka

"Kung buhay pa sila mom and dad, hindi ako sasali sa kumpanyang iyon. Kaso kailangan kitang buhayin, kailangan ko ng pera. Sorry kung pati ikaw nadadamay dito"  napatingin ako sa kanya

"Ate ipangako mo, hindi tayo mag hihiwalay ha? walang iwanan?" inilahad ko sa kanya ang aking hinliit

"Ayokong mangako pero sige, hindi kita iiwanan"

"Mahal na mahal kita ate"

"Mahal ka din ni ate, bunso" umiiyak sya

Nag lakad lakad pa kami at nang mapagod ay nag pahinga kami sa isang malaking puno ng mangga at doon muna kami nag palipas ng gabi. Hindi ako makatulog kaya tumingala na lamang ako sa kalangitan. Madilim at tanging ang buwan lamang ang nag bibigay liwanag dito sa lugar na ito

Ate alam kong malapit mo na din akong iwan, kaya kapag nawala ka ay ipapangako ko sa iyo na ipaghihiganti kita. Ngunit sana ay hindi ka mawala sa akin dahil ikaw ang nag bigay daan sa buhay ko na sobrang gulo na. Kahit nasaktan mo na ako nang ilang beses ay mahal pa din kita, mahal pa din kita dahil kapatid kita. At sa ganoon ay nakatulog na ako



Nagising nalamang ako sa isang malakas na putok ng baril. Nataranta ako hindi ko alam ang gagawin ko, nag didilim ang paningin ko, masakit sa tenga, nakakamatay.

"Ate! Ate gising! May nakasunod ata sa atin!"

Agad syang napabalikwas at sinuot ang leather jacket nya. Tumakbo kami papalayo sa puno na iyon. Alam namin na hindi na kami makaka-alis sa lugar na ito nang buhay, mamatay kami at wala na kaming choice kundi ang sumuksok sa dyame (sorry idk kung tama spelling nung dyame)

Panibagong putok nanaman ng baril ang aming narinig. Nakipagpalitan na rin si ate ng bala sa mga humahabol sa amin. May tama na sya sa kaliwang braso at kanang binti. Kung sana ay marunong lang ako gumamit nitong baril ay sana pareho naming kinakalaban ang mga taong 'to

"Ate hindi natin sila kakayanin!" puto tama na sya sa ibat ibang parte ng kanyang katawan

Tinanggal nya ang kanyang kwintas at isinuot nya ito sa akin. Ang kwintas na ito ay ang susi para makapasok ka sa Mon'ami. Oo alam ko ang tungkol a kumpanyang iyon.

"Hestriae, mawawala ako pero hindi ang pagmamahal ko para sayo"

"Ate wag kang mag salita nang ganyan! Ikaw na lang ang meron ako please!"

Sunod sunod pang putok ng baril ang aking narinig at kasabay nito ang pagbagsak nya sa lupa. May tama sa ulo, kanang braso, kaliwang binti, tiyan at daplis sa kanyang tainga. Hindi ko kaya na mamatay sya sa harap ko.

"Riae, alam mo naman ang tungkol sa Mon'ami, umalis ka na at pumunta sa kanila. Hindi ka nila pababayaan, ang kwintas na suot mo ay ang susi sa aking vault. Lahat ng pamana nila mommy at daddy ay nandoon. Sige na umalis kana!" Ayoko, ayokong iwan ang kapatid ko. Ayokong maiwan syang nakahandusay dito sa lugar na walang kahit na sino ang nakatira.

"Hindi! Hindi kita iiwan! Sabay tayong aalis dito! Halika na!" tumayo ako at luminga-linga sa kapaligiran. Ngunit hindi sya sumunod sa pagtayo ko

"Ate tara na. Ate tumayo kana dyan, hindi magandandang biro 'to" pero hindi pa din sya bumabangon

"Hestriann hindi ako nakikipag biruan!" nag sisimula nang tumulo ang aking luha

"Ate naman eh nakakainis ka! Nangako ka sakin kanina na walang iwanan eh!"

Nilapitan ko sya at tinaas ko ang kanyang ulo. Ang dami nyang sugat, puro dugo na ang damit nya. Tinignan ko ang kanyang pulso ngunit...hindi..... hindi pwede! Hindi ako pwedeng iwan ni ate!

"Ate gising!" inalog-alog ko sya ngunit wala na syang buhay

Pinapaputukan pa rin nila kami. Hindi talaga sila titigil hanggat hindi nila nasisiguradong patay na si ate. Tumayo ako at kinuha ang baril nya, kahit hindi ako masyadong maalam ay tinutok ko sa kanila ang hawak kong baril at kinalabit ang gangtsilyo

Hindi ako tumigil sa pagbaril hanggang sa naubos na ang bala nito. Lumuhod ako at niyakap ang katawan ng aking kapatid

"Tumigil na kayo!" umaagos pa din ang aking luha "Hindi nyo ba nakikita na patay na sya?! Patay na ang kapatid ko!" mas lalo akong napaiyak "At pinatay nyo sya! Pinatay nyo ang nag iisang tao na  natira sa buhay ko!"

Galit at sakit ang nasa puso ko. Gustong ko silang patayin ngayon na, gusto kong mag hirap sila gamit ang sarili kong mga kamay. Gusto kong matikman nila ang sakit na binigay nila sa amin

"Isinusumpa ko! Lahat kayo ay mamamatay sa kamay ko!" niyakap ko ang katawan nya

"Matitikman nyo ang sakit na binigay nyo sa akin at sa buong pamilya ko! Hinding hindi ko ito palalampasin!"

Mag hintay ka ate, dadating ang tamang panahon at ipaghihiganti kita. Hindi ko hahayaan na mauwi sa wala ang pagkamatay mo. Walang kahit na sino ang pwedeng pumigil sa akin. Kahit pa ang taong mamahalin ko. Hindi ako mapapalagay hanggat hindi sila namamatay.










You'll regret this Obry







Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 21, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

CANDY SERIES #1:  MON'AMITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon