SHE DOES NOT WANT TO RIDE A FERRIS WHEEL WITH ME

3 0 0
                                    


Nanonood kami ng movies ni Sydney, ang girlfriend ko, dahil wala sina mama at papa sa bahay. Legal na rin kami both sides, kaya ayos lang sa amin ang gan'on at sa pamilya namin, besides, may tiwala rin sila.

Matagal ko na talagang gustong makasakay sa ferris wheel. Hindi ko kasi iyon naranasan noong bata ako, dahil ayaw rin nila mama. Ayaw rin ni Sydney, dahilan niya na takot siya sa matataas na lugar.

"Babe, please, kahit isang beses lang?" pagmamakaawa ko rito.

Kumuha siya ng fries at patuloy lang sa panonood.

"Ba--"

"Alam mong takot ako sa heights," saad nito.

"Pero nakaraan lang, sumama ka sa mag-mountain hiking kila tito." Kinuha ko ang soda sa lamesa at saka uminom.

Tumingin ito sa akin at kita ang sungit sa mata. "Alam mo namang family gathering iyon, 'di ba?" saad niya. "Kinakailangan ko talaga iyon gawin kahit ayoko," dagdag pa nito.

Huminga na lamang ako ng malalim at nanonood na lamang.

Kanina pa rin siya kakadutdot sa cellphone niya, kahit magkatabi lang naman kami.

"Sino 'yan?" tanong ko.

"Ah, si Bea," maligalig niyang wika. "Bestfriend ko, aalis daw kami mamaya," aniya.

"Gan'on ba?" Napatango na lamang ako at saka muling binaling ang tingin sa tv.

Ngayon ko lang din narinig ang pangalang Bea, at never ko lang na-meet ito in person.

Dahil sa curiousity, sinubukan kong pilitin ito na ipakilala ako, ngunit nagalit siya.

"Bakit? Ipagpapalit mo ako rito?" tanong niya. "Hindi mo na ako mahal?!"

"Hindi sa ga--"

Naputol ang pagsasalita ko nang sumigaw siya, "Sumagot ka?!"

"B-Babe..."

"Aalis na 'ko." Tumayo siya at kinuha ang bag niya saka umalis.

"Sanda--"

Hindi ko pa man din natatapos ang salita ay sinarado niya na ng malakas ang pinto.

Wala akong magawa, kung 'di ay intindihin siya.

Halos 30 minutes na rin ang nakakalipas, simula nang umalis siya. Sinubukan ko rin itong i-text, pero hindi naman nag-re-reply. Napagdesisyonan ko na lamang na pumunta sa pinakamalapit na perya sa amin. Para kahit papaano naman, e maranasan kong makita o matanaw ang ganda ng ferris wheel.

'Di kalayuan ito, kaya mga 20 minutes ay naroon kana. Bumili ako ng 1 ticket--'yung puwede na rin sa all rides; for one person lang din, since ako lang naman ang mag-isa.

Lumibot-libot muna ako sa perya at bumili ng ice cream. Mukha ngang masaya rito.

Nakakaaliw...

Binaling ko ang aking tingin sa ferris wheel na malapit sa may tabi ng isang malaking tent. May pamilyar na babae ang aking namutawi, dahil sa dala-dala nito. Nakailang bukas-sara na ako sa 'king mata, ngunit gan'on pa rin.

May kasama itong lalaki na katangkaran ko lamang at mukha silang masaya. Nang lumapit ako nang paunti-unti rito ay roon ko na lamang na kumpirma na si Sydney ito.

Kasama si Kuya Jay.

"Sydney?" usal ko.

Marahang silang lumingon sa 'king kinatatayuan. "A-Alfred?"

"A-Akala k-ko b-ba..." panimula ko ulit. "takot ka sa heights?"

Sa mga oras na iyon ay nararamdaman ko na ang luhang nangingilid sa aking mata. Hindi ko ma-describe ang kirot na aking nararamdaman, pero hirap na hirap akong huminga.

"Alf--"

"Sagutin mo ako?!" sigaw ko. "Bakit kayo magkasama?!"

Nagsitinginan na ang mga tao sa amin at nagsisibulungan na.

"Bro, alam mo. Umuwi ka na," si Kuya Jay.

"I-Ikaw... kailan pa 'to?" Tumulo na ang luha na kanina pa nagbabadya. "Tang ina naman, oh! Sa lahat pa talaga, si Kuya Jay pa."

"A-Alfred... let me explain." Sinubukan niya akong yakapin, ngunit tinabig ko na lamang siya.

"S-Sige na." Inayos ko ang aking sarili at pinupunasan ang luha. "Ingat na lang kayo," huli kong saad.

Akala ko, takot siya sa matataas na lugar. Pero hindi siya takot na mahulog sa matatas na lugar, kung 'di ako kasama niya.

Ang masaklap si Kuya Jay pa...

--

-Ken Roldan

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 21, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A HUNDRED TALESWhere stories live. Discover now