1.
Simula ng makita kita
merong kakaiba sa aking nadarama .
Pilit na kinukwesyon ang aking nadarama.
at naitatanong, tama paba ito?
2.
Sa paglipas ng panahon nagbabago ang aking pagtingin sa'yo.
Tila gusto ko ng gumawa ng istorya na kasama ako.
Na umaabot nadin sa puntong, gusto kona din na mapasaakin ka.
Ngunit ,pilit kong pinipigilan dahil alam kong mali ang aking nadarama.
3.
Sa tuwing kasama kita, tila ako'y sumasaya
sa tuwing kasama kita, para bang ayoko ng lumisan ka.
Pero, pinipigilan ko padin ang aking nadarama.
Dahil ayokong masaktan dahil sa maling nadarama.
4.
Ngunit, sa patuloy na paglipas ng panahon.
diko na kaya ang nadarama na sa aking dibdib ay naiipon.
Kaya't sinabi kona sa'yo ang aking nadarama.
kahit na alam kong walang kasiguraduhan itong kung ikaw ba ay ganito rin ang nadarama
5.
Isinaad ko na mahal kita
isinaad ko din sa'yo kung gaano ako kasaya kapag kapiling ka.
Isinaad ko din na hindi lang kaibigan ang turing ko sa'yo.
Dahil, kahit pareho tayong lalaki. Mahal kita higit pa sa sarili ko.
6.
Ngunit nagulat din ako na tanging ako nalang pala ang hinihintay mo.
Nagulat ako na isinaad mo na mahal modin ako.
nagulat ako na hindi rin pala kaibigan ang tingin mo.
Mas nagulat ako, na tulad ko mahal mo din ako .
7.
Iba ang saya ng aking nadarama
Na hindi ko akalain na mamahalin kita.
Na kahit mali,ipinagpatuloy padin nating itong pag-iibigan.
hindi ko akalain na sa susunod kong mamahalin ay tulad ko na lalaki din