Capitulo Cuatro

2 0 0
                                    


Gray’s POV

“Here, sit Dad.” Sabi ko at saka kinuha ang upuan na katabi ng lamesa at tsaka ipinuwesto ito sa gilid ng kama ni Ashley.

“Thank you, Anak.” Sagot nya naman at tsaka umupo na. Ibinaba ko ang mga gamit na dala-dala ko sa lamesa dito at umupo na sa isa pang bakanteng upuan sa tabi ng Dad.

“She looks so peaceful like an angel when she sleeps, yet such a loud kid when awake.” Sambit ko at nakita kong ngumiti naman si Dad.

“Yes, yes she is. I just hope na hindi na nya kailanganin pang matulog ng matagal from time to time. Ang sakit na makitang nahihirapan sya. At ikaw din Gray, salamat sa lahat ng sakripisyong ginagawa mo para sa amin. Pero please, I don’t want to see you na nahihirapan din. Ayokong makita kang nagiging malungkot at left out dahil sa pag-aalaga sa aming dalawa. Do what you want too, from time to time. Take your ‘me time’ din pag minsan. Okay? You know I love you and your sister.” Mahabang litanya ni Dad sa akin. Ngumiti lang din ako sa kanya and hugged him.

“What happened Kuya? Dad? Nasa hospital na naman po ba tayo?” kumalas kami sa yakap ni Dad dahil narinig namin ang boses ni Ash.

“You know what happened Princess. Ingat na ulit sa susunod ha?” sabi ko at hinaplos ang ulo nya.

“Dad, Ash, dito muna kayo ha? Naggrgrowl na itong tummy ni Kuya, tingnan ko baka nandyan na si Manong Felipe dala yung niluto ko kanina. Pakabait ha, abo?” paalam ko sa kanila habang kinukuha ang cellphone sa emergency bag namin.

As usual kasi, naiwanan ko na naman ang cellphone ko sa bahay sa sobrang pagmamadali.

“Opo, Kuya. Will be.” Sagot ni Ashley sa akin.

“Mag-iingat ha Gray.” Paalala naman sa akin ni Dad.

“Yes, pa. Dyan lang naman ako eh. Will get going na.” sabi ko naman sa kanila.

---

Andito ako ngayon sa lobby ng hospital at hinintay si Manong Felipe. Natawagan ko na sya kanina at natraffic lang daw siya saglit. Umiinom ako ng tubig at naalala ko naman ang dalawang lalaki na lagi kong kasama.

“Matawagan nga sila. Pati na din si Sally.” At tsaka ko i-dinial ang number ni Xcill.

“Hello? Babae ka ba? Tara soc.” Bungad sa akin ng bwisit na manyakis na bubwit sa kabilang linya. Akala mow walang girlfriend. Tsk.

“Gago ka? Isumbong kita kay Grace sige. Nakarecord ‘to gago.” Banta ko sa kanya at nagulat yata ang gago, suminghap sya nang makilala ang boses ko.

“Eh pota ka pala Gray eh. Bakit ibang number gamit mo? Hindi nakaregister number na to sa cellphone ko.” sumbat nya sa akin.

“Yang kagaguhan mo ha, hindi mo pa din naiisave number na to? Gamit ko to tuwing tumatawag pag nasa hospital kami nila Ashley. Emergency number. Isave mo nga, pota
nakakadiri ka sa pabungad mo kanina.” Sabi ko sa kanya. Natawa ang gago.

“Oo na, wait ano? Nasa hospital na naman kayo? Sino?” tanong nya sa akin.

“Si Ashley. Nagluluto lang ako kanina bigla sumigaw si Dad. Ayon.” Sagot ko naman.

“Hayy nako. Dalaw kami bukas, panigurado 3 days na naman kayo dyan diba? Natawagan mo na ba yung beanpole?” sabi pa nya.

“Oo eh. Usual days daw sabi ng doctor. Ah, yung tukmol, hindi pa eh. Nauna kitang tawagan.” Sagot ko ulit sa kanya.

“Ah, sige sige, tawagan mo na, ako na bahala magdahilan kay Pilapil kung bakit ka absent bukas. Kain na daw kami eh. Bye, send my kisses to Ashley. At please, don’t sumbong.” Paalam nya sa akin at ibinaba na ang tawag. Natawa na lang ako.

Saktong baba ng tawag ay natanaw ko si Manong Felipe na papasok sa pinto ng lobby ng hospital. Kinawayan ko sya at nakita nya naman ako agad.

“Oh, Gray andyan ka pala. Pasensya na traffic eh. Kumusta si Ashley? Ayy, andito na pala itong pagkain ninyo, dinagdagan na din ng Manang Ester mo.” Bati at tanong nya sa akin.

“Ayos naman na po si Ashley. Usual na naman daw po kaso na araw na magsstay kami dito. Pakihatid na lang po sa room 254 sa second floor yung pagkain, sumabay na din po kayo
na kumain doon kila Dad, may tatawagan pa po ako eh.” Sabi ko naman at tinapik sya.

Mabilis ko namang dinial ang number ni Sean. Wala pang dalawang ring ay sumagot na ito.

“Hello, Gray? Kumusta?” oh, buti naman naka save number na to sa tukmol na to.

“Si Ashley eh. Bigla na lang inatake kaninang pakain na kami. Andito kami sa hospital nya.” Sagot ko.

“Hays. Pero okay naman na sya diba? Natawagan mo na yung funduck?” sunod sunod nyang tanong.

“Oo, ayos naman na sya. Oo, ang gagong yon, di pala nakasave tong number na to sa cellphone nya. Bungad ba naman sa akin, ‘Uy, babae ka ba? Tara soc.’ Tangina diba?” sabi ko at natawa.

“Haha, di ka pa nasanay don, parang walang girlfriend umasta eh.” Sabi nya pa at tumawa.

“Gago eh, biniro ko ngang isusumbong ko kay Grace, ayon kala mo mabait na tupa. Haha.” Sabi ko pa.

“Haha. Hahay. Hoy, dalaw na lang kami dyan bukas. Tinatawag na ako sa baba eh. Sabihin mo kay Ashley andyan bukas ang pinakagwapong poste nya. At kay Tito na din. Haha. Bye.” Paalam nya at tsaka binaba ang tawag.

“Mga baliw talaga. Yung isa manyakis, yung isa GGSS. Saan ko ba kayo napulot? Tsk.” Sabi ko at tsaka napatawa na lang at idinial ang number ni mata.

“Hello? Sino ito?” tanong nya.

“Gray. Gray Guevarra. Wala ako bukas, pakisulatan ako ng notes. Nasa iyo naman binder ko diba? Sige, yun lang. Thank you. Good night.” Sabi ko at saka mabilis na ibinaba ang tawag.

“Ano yon Gray Guevarra? Thank you? Good night? Tangina, naabno na ako.” Sabi ko sa sarili ko at tsaka ibinulsa ang cellphone at tumayo na, handa nang pumunta sa kwarto ni Ashley.

Pero parang kahapon lang, pag-angat ko ng tingin at nakita ko na naman ang mukha ng lalaking yon. Bakit ba parang sinusundan nya ako?

Lalapitan ko na sana sya kaso narinig kong tinawag na ako ni Mang Felipe na mukhang paalis na din.

---

Hihi. May napansin ba kayo? Hehe. Tune in. Comment please :))

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 12, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

UNO por UNOWhere stories live. Discover now