I was 16 when I met Reneil. Naging magkaklase kami noong first year High school. We were like cat and dog, palagi kaming nag aaway.
"Hoy Claire! Ang pangit mo hahaha." Pang aasar nito sa akin.
"Eh ikaw nga may buni sa leeg sinabi ko ba?!" Pikon na sagot ko.
Walang araw na 'di kami nag aaway ni Reneil, siya naman kasi ang palaging nauuna. Palahi niya akong pinipikon and I hate him because of that.
"Hala Claire bakit ka nandito? Bawal tabachoy dito ah! Hahaha. " Pang aasar niya sa akin na dahilan ng pagkainit ng ulo ko.
Nireregla kasi ako kaya medyo mainit talaga ang ulo ko. Nilapitan ko siya at sinipa ang pagkalalaki niya. "Ayan napapala mo. Mangaaway ka na nga, maling tao pa inaway mo... Eh ano naman kung tabachoy?! Atlis malinis sa katawan. Eh ikaw?! Hmp... Nevermind!!" Pasigaw na sumbat ko sa kaniya bago nag walk out.
Simula no'n ay hindi na niya ako kinukulit. Naging mabait ang pakikigungo niya sa akin, hanggang sa naging magkaibigan kaming dalawa.
"Claire halika, tulungan na kita sa projects mo... Total wala din naman akong pair." Paanyaya niya sa akin na may mga naiilang na ngite sa kaniyang labi.
"O sige ba, basta tulungan mo'ko ah... Nahihirapan kasi ako sa project na 'to eh." Pumayag naman ako sa gusto ni Reneil.
Makalipas ang ilang taon ay mas lalo na kaming napapalapit sa isa't isa. Naging mag bestfriend kaming dalawa. Palagi na kaming nagtutulungan sa mga assignments sa school at mga projects. Napapadalas na ang pag labas labas namin at pag-gala.
"Claire halika selfie tayo, ganda ng sunset oh. " Sabik na paanyaya niya sa akin.
"Claire do'n ka nga picturan kita." Utos niya sa akin at agad naman ko itong sinunod.
"Bakit ba palagi kang kumukuha ng pictures? " Pagtatakang tanong ko sa kaniya.
"Ah basta 'wag na maraming tanong hahaha." Pagbaliwala niya sa tanong ko. Halika picture tayo do'n. " Paanyaya niya sa akin habang hawak ang aking kamay.
Palagi siyang kumukuha ng pictures naming dalawa, hindi ko alam bakit pero sinasabayan ko na lamang ito.
Tumagal ang friendship namin for almost 4 years. Hanggang sa 'di ko namalayan ang sarili na mahulog sa kaniya. September 6 nung inamin ko ang aking tunay na nararamdaman sa kaniya.Nasa park kami ng mga oras na 'yon. Nakaupo sa isang bench habang umiinom ng Milk Tea.
"Umm... Reneil? " Tawag ko sa kaniyang pangalan sabay kalabit sa kaniyang braso.
Agad naman siyang lumingon sa akin. "Oh? Ano 'yon?" Tanong niya sabay ngite.
"May sasabihin sana ako. " Nahihiya kong sabi.
"Ano ba 'yon? May problema ba? " Tanong niya sabay tapik sa'king balikat na dahilan ng kaunting kilig na aking naramdaman.
"G-g.. Gusto... K-kasi kita Reneil. " Nauutal na amin ko sa kaniya na nanginginig ang boses.
Nagulat ako sa sunod na ginawa ni Reneil sa akin. Niyakap niya ako bigla at pagkatapos ay hinawakan niya ang pagkabilang pisnge ko.
"Claire, tumingin ka sa akin. Gusto din kita." Sabi niya sa akin na naging dahilan ng pamumula ko. "Nahihiya din ako kasi baka sabihin mong hanggang magkaibigan lang tayo.... Pero ito ka ngayon, inaamin ang nararamdaman mo sa akin." Sabi niya na ikinabusangot ko. "Claire, sana payagan mo'ko na ligawan ka. Kung okay lang? " Tanong niya na ikinakilig ko na ng husto, di ko napigilan ang sarili ko na ngumiti.
"Oo Reneil, pwede mo'kong ligawan, magsimula ka bukas kung gusto mo hahaha. " Sagot ko sabay pagbibiro pa pero naiilang pa din ako sa nangyayari.
"Oh picture muna ganda ng view eh. " Pagbaling ng atensiyon niya sa kaniyang selpon sabay kuha ng larawan.
Reneil courted me for 1 year and on November 9 ibinigay ko na sa kaniya ang matamis kong oo.
Reneil was a good boyfriend. Hindi siya pumalya sa pag surprise sa akin sa aming mga monthsary at anniversary. In our intire relationship, hindi pa niya nagawang magcheat, hindi pa niya ako nasigawan at minura. Everytime na magaaway kami ay nagbababa siya palagi ng pride just to make everything okay. I was so thankful na nakilala ko si Reneil.
And now is our 4th anniversary, andito ako sa isang restaurant dahil pinapunta niya ako dito. Hinanap ko ang nasasabing seat na pinareserve ni Reneil para sa amin. No'ng mahanap ko na siya ay agad akong pumunta sa kaniya. Sinalubong niya ako ng isang mahigpit na yakap at tsaka pinaupo. Napaka gentleman niyang lalaki.
"Happy 4th anniversary babe. " Bati niya sa akin na may mga matitingkad na ngite.
Kinilig ako dahil do'n at ngumite na ako pabalik. "Happy 4th anniversary din babe. " Bati ko din sa kaniya sabay hawak sa kaniyang malalamig na palad.
"Oh dali picture tayo, special moments natin 'to." Paanyaya niya sabay kuha sa kaniyang selpon.
Ang saya saya ko sa mga araw na yun, pakiramdam ko siya na talaga ang lalaking papakasalan ko, siya na talaga ang lalaking gusto kong makasama habang buhay. Pero amg hindi ko akalain ay ang masayang mga ngite at ay agad agad mapapalitan ng mga luha at sakit.
Kinaumagahan no'n pagkatapos ng date namin ay sinugod si Reneil sa kalapit na hospital dahil hindi daw ito makahinga. Agad agad kong pinuntahan ang sinasabing hospital na kinaroroonan ni Reneil.
Pagkarating ko sa hospital ay agad kong tinanong kung saan ang kwarto ni Reneil.
"Ma'am alam niyo po ba kung saan ang kwarto ni Reneil Conorado?!" Tarantang tanong ko.
"Room 204 po ma'am, 3rd floor. " Sagot ng nurse sa akin habang tinuturo ang direksyon ng elevator paakyat sa 4rd floor.
Dali dali akong sumakay sa elevator at umakyat sa 3rd floor. Hinihingal na ako sa pagmamadali. Nung makaabot na ako ng 3rd floor ay agad kong hinanap ang room 204.
"Shit na'san na ba ang room 204!!?" iritang pabulong ko sa aking sarili habang hinihingal. No'ng nahanap ko na ang room 204 ay agad agad kong binuksan ang pinto ng kwarto. Pagpasok ko ay nadatnan ko ang kaniyang pamilya na umiiyak.
"Anong nangyari?! " Maluha luha kong tanong.
"Claire wala na siya." Sagot ng kaniyang mama na nagpaiyak sa akin ng todo.
"No! Hindi maari tita. Reneil! Hoy gising!" Mangiyak ngiyak kong sambit habang niyayakap ang malamig na katawan ni Reneil. "Reneil hoy! Babe! Babe naman oh, ba't mo'ko iniwan?!" Humagulgol ako habang yakap yakap pa din ang kaniyang katawan.
"Claire tanggapin na lang natin na wala na siya." Humihikbing pagpigil sa akin ng kaniyang ina.
------------
Ilang buwan na din ang nakaraan simula no'ng namatay si Reneil. Pero hanggang ngayon ang sakit pa din ng kaniyang pagkawala.
Andito ako sa kwarto ngayon tinitignan ang bawat larawan na kuha gamit ang kaniyang selpon, pina'develope ko 'yon bawat isa. Ang sakit lang isipin na yaong mga masasaya at matatamis na alaala ay mananatili na lang na alaala at ang taong aking kasama sa pag'gawa ng mga alaala na 'yon ay sa larawan na lang makikita.
BINABASA MO ANG
LARAWAN
Teen FictionAng tamang pagibig sa tamang panahon. Dalawang taong pinagtitibay ng pagmamahalan. From teen agers hanggang sa tumanda. The true definition of true love. Alamin ang kwento ng dalawang taong nagmahalan ng totoo.