OLD HOUSE

30 3 1
                                    

WARNING:

It's based on true story of life. Nangyari ito somewhere in Tondo, Manila.

Don't forget to vote and comment! Enjoy!

Don't forget to vote and comment! Enjoy!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


NIKA MAYELL PAMIN

Narito ako ngayon sa labas ng isang lumang bahay. 23 years old ako ng magsimula akong magtrabaho para sa sarili ko.

Isang matandang babae ang magiging amo ko. At sya ang may-ari ng lumang bahay na ngayon ay nasa harap ko.

Dahil matanda na sya, pabalik-balik sya sa hospital kaya hindi na nababantayan ang bahay. So, may clue na ako kung ano ang gagawin dito.

Magbabantay ako ng bahay.. isang lumang bahay.

Aaminin ko na, ibang awra agad ang naramdaman ko mula nang matapatan ko itong bahay.

Ghad! I feel like there was a man staring at me inside the house! Madilim ang isang malaking bintana kaya animo'y parang may nakatitig sa akin.

Nag-door bell na lamang ako at hinintay ang magbubukas ng gate. Maya-maya ay lumabas na ang magiging amo ko. Mayroong nakaalalay sa kanya na isang dalagitang babae.

Kaunting kumustahan lang ang naganap.

Nagpaalam na ang amo kong babae na baka magtagal sya sa hospital kaya ako raw muna ang bahala sa bahay. Napalunok na lang ako at tumango habang tinatanaw sila papalayo nang kasama nyang isang dalagitang umaalalay sa kanya.

Dalawang palapag ang bahay at ang kwarto ko ay nasa itaas, habang ang kwarto ng amo ko ay nasa baba.

Dahil kadarating ko lamang ay umakyat muna ako sa kwarto upang makapag-pahinga pero natigilan ako sa mga nakita ko.

Maraming bakas ng kamay sa bawat pader ng kwarto. Maayos naman ang mga gamit, talagang iyong mga bakas lamang ng kamay ang inaayawan ko.

Aaminin ko ulit, hindi ako natatakot sa mga multo. Matatakot lang siguro ako kapag ako mismo ang nakakita sa mga ito.

Dahil pagod ay hindi ko na magawang intindihin ang mga naramdaman ko sa loob ng kwarto.

Hapon na nang magsimula ako sa paglilinis ng bahay. Binuksan ko din ang lahat ng ilaw para sure na wala akong makikitang 'multo' sa kalagitnaan ng dilim.

Ang una kong nilinis ay ang kwarto ng amo ko. Sa loob ng kwarto nya ay nakita ko ang mga picture frame. Sa tingin ko ay isa iyon sa mga picture nila nang pamilya nya. Halos isang bahay na ang kwarto ng amo ko dahil may kusina, dining area, banyo sa kwarto nya.

Habang sa akin naman ay simpleng kama lang sa gitna at ang banyo naman nasa tabi ng hagdan bago umakyat.

Pagkatapos kong linisin ang kwarto ng amo ko ay sa sala naman ako naglinis.

Kakaiba lang dahil mayroon akong naririnig na agos ng tubig. Tila ba ay may naliligo sa banyo. Imposible naman 'yon dahil ako lang ang mag-isang tao rito sa bahay.

Umiling na lamang ako at inisip na galing sa kapit-bahay ang tunog na iyon.

Nang mag-gabi na ay naisipan kong magbukas ng radyo sa sala upang maaliw ako at hindi malungkot sa gitna ng katahimikan.

Pero maya-maya ay may narinig akong mga yabag na nagmumula sa itaas. Tila ba hinihigitan nito ang tunog ng radyo dahil sa lakas ng pagyapak nito sa sahig.

Pagod ako kaya hindi na ako nag-isip pa na akyatin ang nagdadabog na 'yon sa itaas. Sa halip ay nilakasan ko pa ang radyo at sinabayan ng sayaw ang tugtog.

Pero tila ba ay may saltik ang kung sinong man ang nasa itaas at talagang mas nilakasan nya ang pagyapak at parang tumatalon na.

Naubos ang pasensya ko at agad na inakyat ang kung sino mang sumira sa gabi ko. Inaasahan kong wala akong makikita at mas inaasahan kong titigil ito sa pagdabog pero.. nagkamali ako.

Nang matapat ako sa pinto ng aking kwarto ay parang nasa gilid ko lamang ang sino mang tumatalon-talon. Hindi ito natigil kaya naisipan kong bumaba muli at patayin ang radyo.

Nagtagumpay akong patahimikin sya kaya umakyat na ulit ako para matulog na dahil lumalalim na ang gabi.

Naglinis ako ng katawan at agad nang nahiga sa kama. Pakiramdam ko ay pinasan ko ang buong mundo dahil sa pansamantalang pagod ko.

Nakatitig ako sa kisame habang pinapakiramdaman ang paligid. Nang wala na akong ibang naramdaman ay pumikit na ako't pinilit matulog.

Sa tingin ko ay wala pang 2 oras mula nang makatulog ako at ngayon ay nagising na ako dahil sa katok na nagmumula sa pinto.

Bumuntong-hininga ako at muling pumikit pero makulit ang kung sino mang may saltik na kumakatok sa pinto ko. Palakas ng palakas ang katok at pabilis ng pabilis.

Dumilat akong muli at nawala ang katok. Awtomatikong tumitigil ito sa tuwing dumidilat ako. Sinubukan ko ulit na pumikit at tama ako, naroon na naman ang katok na nakaka-gambala.

Hindi ko maiwasang mainis kaya tamad akong tumayo at binuksan ang pinto.

"Sino yan?" Tanong ko kahit alam ko na ang sagot. Papikit-pikit pa ako kaya kumakatok syang muli.

Napalunok ako at isasara na sana ang pinto nang marinig ko ang mga yabag na tila tumatakbo.

Nanlaki ang mata ko sa narinig at naestatwa, lalo na nang marinig ko ang papalapit na yabag nito sa kinatatayuan ko at nagtaasan ang balahibo ko dahil binangga pa nito ang bewang ko kaya na-out of balance ako't natumba.

Sa loob ng isang buwan na ganoon ang nangyayari sa akin ay nasasanay na ako. Gusto kong magtagal dahil kailangan ko ng pera, pero hindi ko na kinaya ang huling ginawa noong multong 'de saltik na iyon.

Nagpakita sya sa akin. Babae na may kasama na batang lalaki. Sa tingin ko ay anak nya iyon.

Iyon ang dahilan kung bakit umayaw ako sa trabaho. Ayaw ng amo ko na umalis ako pero nagmakaawa ako't halos lumuhod na para lang makaalis na ako.

Sa huling sandali, sumulyap ako sa bahay at muli kong nakita sa bintana ang mag-ina na kumakaway pa sa akin.

Ang mas ikinabahala ko, iyong babaeng nagpaparamdam sa akin ay 'yun iyong babaeng umaalalay sa amo ko noong unang araw ko rito.

+++++

-Jellenjen, harthart <3

Salamat sa mga nagbasa kung mayroon man! Sa ngayon nasa maayos na trabaho na ang may-ari ng kwento na ito.

Naroon na sya sa anak ng amo nya noon nagta-trabaho. Mas madali. Walang anumang pagkakatulad sa naranasan nya doon sa bahay ng kanyang amo 'noon'.

Again, salamat sa mga nagbasa!

<3

ONE-SHOT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon