04-Sleep over

0 1 0
                                    

🌼🌼🌼 WARNING ERRORS AHEAD 🌼🌼🌼🌼🌼🌼🌼🌼🌼🌼

Mayo's POV

   
     Kapag takot ka, nakakalimutan mo na yung ibang pangyayari sa paligid mo at nakatuon lang ang atensyon mo sa kinatatakutan mo.

Gaya ngayon.

Nakalabas na kami ng gate na MAGKAHAWAK-KAMAY. Wala pang nakahawak sa kamay ko ever since namuhay akong mag-isa at ang higpit pa nang pagkakahawak niya. Parang pag hinigpitan niya pa lalo, mababalian na talaga ako.


"Johann yung kamay ko, mababali na" binitawan naman niya ang kamay ko at huminga ng malalim.

"Sorry, tsaka ikaw ang unang humawak sakin ah?" Nag-iwas ako ng tingin nang sabihin niya yun.

Oo nga pala. Ako nga pala ang humawak sa kamay niya. Ngayon ko lang naalala.

"Natakot ako eh!" Natawa naman siya ng mahina na para bang hindi rin napatakbo sa takot.

"Ang Tiyo Lito kong maligno na demonyo pa." Napahawak ulit ako sa kamay niya ng maalala yun . Malinaw parin sakin ang mga nangyari kanina and heck! Parang tatalon ang puso ko sa kaba at takot.

"Oh? May balak kang gumanti?" Aniya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Syet ka! Hindi pwedeng natakot lang?" Ani ko at binitawan siya.

Ngumisi lang siya. Hinawakan niya ang kamay ko and surprisingly hinayaan ko lang siya. At nagsimula na  kaming  maglakad. As if wala kaming nakakatakot na experience kanina.

"Sa tingin mo..."  He stop and looked at our building.  "Sino yung tinutukoy niyang Tiyo Lito niya? Si Sir Lito Guan kaya?" Tanong niya sakin and then realization hit me.

"Come to think of it, kapag binabanggit ko yung maligno chuchuchu saka siya nagpapakita..." I paused and then look at the building and then Johann.  "What if... Konektado sila?" Tanong ko,

"Let's try." Ani niya at tumingin tingin sa paligid.
Nagets ko naman siya agad kaya tumango ako bilang sagot.

"Coast is clear."



"Si Sir Litong maligno na, demonyo pa kung magturo parang nags-story telling." Ani ko


"Lagot ka tala---"

Napasigaw kami ng biglang sumulpot  sa harapan namin ang isang babaeng nakaputi at mahaba ang buhok may patango-tango pa ito na para bang sinasang-ayuan ang sinabi namin.

Napahawak ulit ako sa kamay ni Johann at hinila siya para tumakbo dahil parang napako na siya sa kinanatayuan niya habang nanlalaki ang mata.

"Hehehe si Tiyo na maligno na demonyo pa hehehe" Narinig pa naming sambit nito.






"Syet totoo nga." Ani pa nito. Mas hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay niya dahil narin said takot at kaba.

"Tumakbo ka nalang Johann" ani ko, di na naman siya umimik pa at nagfocus sa pagtakbo.






"Ay put*" sambit ko nang madapa ako, muntik pa akong humalik sa semento kung hindi ko lang naitukod ang kamay ko. Tinulungan naman ako ni Johann at nagtatakbo kami ulit. Pareho na kaming hinihingal pero patuloy parin sa pagtakbo.




"Sh*t-ing " siya na naman ang nadapa. Una ang mukha, nakahalikan niya ang semento buti pa ako kanina. Tinulungan ko siya at nagpatuloy sa pagtakbo. Gusto kong matawa pero hindi ko ata kaya dahil narin sa takot at kabang nararamdaman ko.

Mamaya nalang siguro.









Narating namin ang bahay ko sa pagtakbo lang. Iniwan namin ang kotse niya sa school pati mga gamit namin.
Sa takot ko ay hindi ko namalayang naitanong ko sa kanya ang tanong na hindi ko inakalang maitatanong ko pala sa kaniya.




"J-Johann may kasama ka ba sa inyo?"

"W-Wala, gaya mo nag-iisa rin lang ako sa bahay..." Huminga siya ng malalim, tsaka ngumiti pero nauwi rin sa ngiwi. "Sh*t-ing ang sakit ng mukha ko" parang maiiyak na sabi niya.

"Kukuha lang ako ng gamot at pwedeng bang dumito ka muna?" Ani ko dahil parang hindi ako makakatulog kung mag-isa  lang ako dito.

"May damit naman ang Papa ko dito baka kasya yun sayo. Saglit lang ha?" Dugtong ko at tumayo nang tumango siya bilang sagot.
















Matapos kong gamutin yung sugat ko sa tuhod at kamay dahil sa pagkakadapa ko kanina. Si Johann ang gumamot sa sarili niya, alangan namang ako? Ano siya sinuswerte? Tsaka kumikirot ang kamay ko. At ayaw ko namang siya ang gumamot ng sugat ko kaya tiniis ko lang.

Naupo kami sa sofa dito sa sala namin. Dalawa ang kwarto dito sa bahay, yung isa sa mga magulang ko,  and obviously yung isa sakin.

"Johann pwedeng dun ka sa k-kwarto ko matulog" nakayuko kong sabi. Nakakahiya! Paksyet!


"H-Ha?" Ani niya. Nanlaki ang mga mata niya sa tanong ko.

"Ano.... ahmm... Natatakot ako mag-isa, mukhang hindi ako makakatulog nito kung mag-isa ako sa kwarto... Kahit sa lapag ka nalang p-please?" Napakamot ako sa ulo ko ng sabihin ko yun.. wala akong alaga sa ulo ha! Nahihiya lang. Leche! Para akong lalaki nito eh!

"Okay, parang hindi rin ako makatulog pag ako lang mag-isa eh." ani niya








































"Guys! Wala daw uli si Sir Lito!" Naghiyawan naman ang mga kaklase kong mga  tukmol.



"Oh, Jan Arry may nasagap ka bang bagong chismis? Share naman oh!" Si Jessie.

Nagtawanan naman ang mga tukmol pero nagsilapit rin Kay Jan Arry.


Nagkatinginan kami nang Presidente. Tumango ako sa kanya. Tumango rin siya pabalik.




"Jan Arry pahiram ng phone mo. Titignan ko lang ulit yung picture kahapon." Johann

Jan Arry arched a brow but still gave his phone to the President







Tumango-tango naman siya tsaka binalik ang phone ni Jan Arry. Sa tingin ko nakuha niya na YUN.





"A-Ah ano..." He paused. His forehead curled. And then continued. " Wala akong maiishare..."


"Aww akala ko pa naman... Tss. Tss" one of our classmate said.







After that kanya kanya kami ng pinagkakaabalahan.


I'm playing mobile games when Johann the President sent me a message.

President Johann:
      Game ka parin later?


Bigla kong naalala ang mukha nung multo. Pero imbis na matakot ay parang na-excite pa ako.
Ewan.... Di ko maintindihan ang sarili ko, para bang may part sa akin na gustong makita yung multo ulit.

Bigla naman akong may naalala na dapat kong sabihin kay Johann.

I replied 'Yup. btw I have something to tell you pero gusto ko sana personal kaya mamaya nalang. And also, do you have an extra notebook? We need one later.'


Wala pang Isang minuto ng mag-reply siya.

President Johann:
        I don't have one, but don't worry maghahanap ako. (^_^)

I just simply replied with 'K' then namalayan ko nalang na tumayo siya. I don't know where he is going why do I care anyway?















    

Auntie's Spirit WandersWhere stories live. Discover now