Love lies but Papa will not let you cry

24 1 0
                                    


"Hi Babe."

"Oh, hi babe! Kanina ka pa ba dyan? Pasensya ka na ha. Masyado kasing mahigpit si coach samin ngayon e. Malapit na kasi ang finals. Alam mo naman last year na namin to. Kaya kailangan naming manalo."

"Ah. Okay lang babe. Kadarating ko nga lang din e. Kumain ka na ba?"

"Hindi pa nga babe e. Ikaw ba?"

"Hindi pa rin nga e."

"Oh. Sakto, date naman tayo oh! Miss na kita e."

"Lambing mo ata ngayon, a! May kasalanan ka ba?"

"Malambing naman talaga ko a. OA neto, may kasalanan agad. Di pwedeng love lang kita?"

"Aysus! May kailangan. Hahaha"

"Guys, out muna ko ha. Labas muna kami ng girlfriend ko ha. Miss na miss ko na e."

"Sige pare. Corny mo. Banat mo bulok. Hahaha."

_______

Pumunta sila sa lugar na palagi nilang pinupuntahan sa tuwing gusto nilang makasama ang isa't isa.

"Babe, alam mo miss na miss na kita.  Matagal na rin tayong 'di nagde-date e."

"Ako din babe, miss na kita. Ang hirap e. Busy ako sa school tapos busy ka rin sa laro mo."

"Hayaan mo babe, malapit ng matapos ang lahat ng to. Basketball is life pero being with you is lifer."

"Ang cheesy mo talaga ngayon. Kaya mahal na mahal kita e."

"Mahal na mahal din kita."

"Nood kang game namin ha. Asahan kita don. I need my energy there."

"Sure babe. Always."

"I love you."

"I love you more."

Ang saya rin talaga kapag mahal ka ng taong mahal mo, para bang wala ka ng planong huminto sa kahit saang kanto. Parang gusto mong tuloy tuloy na lang ang takbo. Wala ka ng planong pansinin yung kung sinumang haharang o tatawid na lang bigla basta ang alam mo lang mahal mo, at ayaw mo ng ihinto ang kahit ano.
____

Kinabukasan ay pumunta ako sa laro ng taong mahal na mahal ko, gusto kong iparamdam sa kanya kung gaano kalaki ang suporta ko para lang sa kanya.

"Wooooh!!! Go babe!!! Kaya mo yan."

Syempre konting cheer muna para sa jowa. Mahal e.

"Go Dave! I love you."

Hoy ate! Sino ka? (Pero syempre sa isip ko lang kasi syempre, kailangan kong maintindihan na isa na sa problema ni dave yang ganyan. Pogi Problems)

"Go Dave" (Hay)

"Go fafi, I want you."
Pati bakla ba naman? Ang gwapo mo dave, bwisit ka a. Kailangan ko yata ng konting parinig o pasikat para mawala tong mga palakang 'to. Hahaha. 🤣

"Babe. I-shoot mo yan, or else walang lambing galing sakin!!!"

At nai-shoot nga ni dave ang bola na syang naging dahilan ng pagkapanalo nila.

(Nagkamali yata ako ng ipinusta kong lambing a.)

"Oh! Babe. Nai-shoot ko. Pano ba yan? Kailangan ko yata ng walang sawang lambing galing sayo."

"Ano ba babe? Talagang dito ko agad pumunta? Hahaha. Punta ka muna dun. Shoo! Shoo! Pinta ka muna kina coach."

"Wala babe! Lambing muna. Sabi mo lambing e. Wawa naman dave, di na love ni Glaze"

Hindi kita iiwanWhere stories live. Discover now