Kasalukuyang nagdadalang tao ang Prinsesa ng Spark at dahil sa takot ay inilihim nya ang pagdadalang tao nya dahil ayaw nyang malagay sa kapahamakan ang kanyang magiging anak kaya pumuta siya sa mundo ng mortal at doon manirahan. Ang ama ng batang dinadala ng Prinsesa ay isang makapangyarihang nilalang sa buong Domino ang ama ng bata ay isang ancient dragon. May batas sa buong Domino na bawal kang magmahal ng isang dragon dahil kasumpa sumpa ito. Ang ama ng bata na dinadala ng Prinsesa ay ang minakamalakas na dragon sa buong Domino na si Draku.
Sa kabilang banda ang Prinsesa ay nasa mundo na ng mortal at nakapanganak na ito ng isang lalaki at dahil sa mahina na ang Prinsesa ay itinapat nya ang kanyang kamay sa kanayang sanggol at ipinasa sa sanggol ang lahat ng kanyang powers na elementals bago nawalan ng buhay. Samantala sa mundo ng Domino naman ay bumukas ang book of propecy at nangangamba naman ang buong mga taga Righteous Dominians dahil baka atakihin sila ng mga Dark Dominians dahil gusto nilang makuha ang sanggol na nagtataglay ng lahat na kapangyarihan.
Mortal World
"Ashton's POV"
"Ashton gumising kana baka malate kana sa first day of school mo dalian mo na" sabi sakin ni Tita Amanda siya na kasi ang tumayo bilang magulang ko simula nung namatay si Mama Victoriana kahit na ampon lang ako ni Tita Amanda ay tinuring nya parin akong tunay na anak. Si Tita Amanda ay walang asawa at anak kaya siguro malapit kami sa isa't isa.
"Opo Tita babangon na po ako" sabi ko kay tita at bumangon na ako at nag ayos na ako para pumasok na sa school ko ang bilis talaga ng panahon dahil Grade 12 student na ako malapit na akong mag gradute ng Senior High.
Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako sa kwarto ko at nakita ko si Tita Amanda na naghahanda na para sa pagpasok ko sa school.
"Kumain kana dyan at pagkatapos mo dyan ay idaan mo ito kay Aling Koring sa kabilang bahay"sabi sa akin ni Tita at sabay abot sa akin ang isang supot na may laman na ulam.
"Opo, sa School nalang po ako kakain" paalam ko kay Tita
"Kumain ka muna baka magkasakit ka nyan kahit tatlong subo lang atleast may laman yang tiyan mo"paalala sa akin ni tita kumain nalang ako at pagkatapos ay nagpaalam na ako papunta sa school.
Hello nga pala sa inyo My name is Ashton Crissy Tyler 17 years old maputi po yung buhok ko at sabi naman nila ay mukha daw akong babae dahil sobrang kutis ko daw.
Pagkalabas ko sa bahay ay pumunta na ako sa bahay ni Aling Koring si Aling Koring kasi sya yung nakakita sakin sa may kalsada at pinulot nya ako at ibinigay nya ako kay Tita Amanda.
"Aling Koring nandyan po ba kayo?"sigaw ko sa labas ng bahay nya
"Ohhh, ikaw pala Ash pasok ka" sabi naman nya kaya agad naman akong pumasok sa bahay nya pero pagpasok ko palang sa bahay nya ay sumakit yung buo kung katawan kaya napasigaw ako ng walang sa oras
"Ahhhhhhhhh!!!!" sigaw ko kaya inalalayan ako ni Aling Koring
"Anong nangyari sayo?"tanong ni Aling Koring sa akin at agad akong nawalan na ng malay.
"Third Person's POV"
Nang nawalan ng malay si Ash ay agad naman siyang tinulungan ni Aling Koring ng walang ka hirap hirap at inihiga niya si Ash sa higaan at nang biglang umilaw ang buong katawan ni Ash at napalingon siya rito at nakita nyang nagbago ang itsura ng bata at ang suot nya naging kaaya aya at agad naman na bulag si Aling Koring.
.
.
.
.
.
.
A/N: Please kindly vote and comments my story.
-Thanks...
YOU ARE READING
The Long Lost Prince of Spark
FantasyIsang Mundo kung saan ay tinatawag ng Domino ay nahahati sa dalawang lahi ito ang Dark Dominians at ang Righteous Dominians. Dark Dominians sila ay masasama ginagamit nila ang kapangyarihan ng itim o tinatawag na Black Magic. Righteous Dominians sil...