𝓚𝓾𝓷𝓰 𝓹𝓪𝓱𝓲𝓱𝓲𝓷𝓽𝓾𝓵𝓾𝓽𝓪𝓷 𝓷𝓰 𝓽𝓪𝓭𝓱𝓪𝓷𝓪, 𝓶𝓪𝓰𝓴𝓲𝓴𝓲𝓽𝓪 𝓽𝓪𝔂𝓸 𝓶𝓾𝓵𝓲.
Ika'y nababahala
na parang batang
naligaw ng landas
sa dulo ng halaghag.ー・ー
“Sabihin mo, nagbibiro ka lang, 'di ba?”
Nanatiling nakayuko si Aguero habang pinaglalaruan ang hikaw na nakakabit sa kaniyang tenga, at mga matang nakatanaw sa malayo na parang walang pakialam sa mga mangyayari sa paligid niya pagkatapos ng gabing ito.
Nararamdaman at alam niyang hindi nalilito at tila hindi makapaniwala si Ran sa mga salitang lumabas mula sa kaniyang bibig kanina lang, ngunit wala nang kahit sinuman ang makakapigil sa kaniya.
Lalo na't naihanda na ang lahat ng kailangan niya para maisaayos ang kaniyang mga plano.
“Aguero, nababaliw ka na ba talaga?!” sigaw niya. “Dahil lang sa isang babae— para kay Maria, makakaya mong pagtaksilan ang sarili mong pamilya?!”
Hindi kumibo si Aguero, kahit malakas na inihampas ni Ran ang kaniyang mga kamay sa mesa. Napahilamos na lamang si Ran sa kaniyang mukha dahil alam niyang walang kahit ano ang makakapagbago sa mga desisyon ng pinsan niya. Ang hindi niya lang maintindihan ay bakit?
Bakit ngayon pa, kung kailan tanggap na siya bilang tunay na anak ng Khun? Bakit sa lahat ng tao, si Maria pa ang napili niya?
“Paano na ang kapatid mo? Si Kiseia? Si Madame Agnis?” tanong niya muli nang mahimasmasan na siya.
Napangiti nang mapait si Aguero sa sagot. “Alam mo ba kung ano ang kailangan mo kung gusto mong matirang buhay sa teritoryo ng mga Khun?”
Napakunot ng noo si Ran habang pinagmamasdan ang kaniyang pinsan na patuloy sa paglalaro ng kaniyang asul na hikaw. “Kapangyarihan?”
“Kataksilan, Ran,” wika ni Aguero at tiningnan siya nang matalim. “Lahat tayo dito ay nagpapatayan upang maging karapat-dapat na tagapagmana ni Khun Edahn. Hindi tayo pwedeng magpakita ng kahinaan at awa, dahil pare-pareho lang tayong naghihilahan pababa para mabuhay.
Pinili kong tulungan si Maria dahil sa masyado siyang mabuti para mabulok lang dito. Hindi rin naman mapapansin ni Edahn ang mga patapong kagaya namin, kaya pinapadali ko lang ang trabaho niya.”
Napatahimik si Ran, nakakuyom ang kaniyang mga kamao. “Paano ako, Aguero?”
Tumayo si Aguero at nakangiting hinaplos ang buhok ng nakababata niyang pinsan. Isa rin sa mga rason kung bakit niya napiling ngayong gabi maisagawa ang lahat ay dahil kay Ran. Kapag magtatagal pa at malaman ng iba ang ugnayan nilang dalawa, madadamay si Ran sa hidwaang nasa pagitan ng mga Agnis at ibang pamilya. Alam ni Aguero kung gaano kahalaga para sa kaniyang malampasan ang kapatid niyang si Maschenny, at kung matatakwil siya, tila mawawalan na siya ng karapatan bilang Khun.
“Alam mo ba ang alamat ng tore? Sabi nila, sa pag-akyat mo lang makikita ang ninanais mo. Kapangyarihan, kayamanan, kalayaan, paghihiganti— anuman ang hilingin mo ay makukuha mo sa tuktok.”
“Hindi ito ang oras para di—”
“Ran,” madiing tawag ni Aguero. “Hindi sapat para sa akin ang manatili dito at magpaalipin sa mga nakatataas. Aakyat ako sa tore, at kung nanaisin ng tadhana, magkukrus ang mga landas natin muli.”
BINABASA MO ANG
✔ so show me the way 「 khunbam 」
FanfictionKhunBam Week Tribute | Day 4 | Prompt #4: AU/Free Day 𝙄𝙛 𝙛𝙖𝙩𝙚 𝙥𝙚𝙧𝙢𝙞𝙩𝙨 𝙞𝙩, 𝙬𝙚'𝙡𝙡 𝙢𝙚𝙚𝙩 𝙖𝙜𝙖𝙞𝙣. (𝙆𝙪𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙝𝙞𝙝𝙞𝙣𝙩𝙪𝙡𝙪𝙩𝙖𝙣 𝙣𝙜 𝙩𝙖𝙙𝙝𝙖𝙣𝙖, 𝙢𝙖𝙜𝙠𝙞𝙠𝙞𝙩𝙖 𝙩𝙖𝙮𝙤 𝙢𝙪𝙡𝙞.) ••• Any Tower of God-relat...