Maebelle's Note: Mas maganda po kung babasahin nyo ito habang pinapakinggang ang kanta LOVING ARMS by James Reid o kaya kahit anong pang heartbroken song. Para feel. :) hihi.
PoV: Nathan Perez
It's been a long time since I've told you to stay away from me. Pinalabas ko at sinabi kong layuan mo na ko at wag kanang magpapakita sakin kahit na kailan. Pero hindi dahil ayoko na sayo. Hindi dahil ayaw ka nila para sakin. Hindi dahil sawa na ko sayo. Hindi dahil panget ka na sa paningin ko. At lalong hindi dahil hindi na kita mahal.
Ng dahil sa ginawa ko, heto ako ngayon, nag iisa nalang sa mundong kinatatayuan ko kung saan dati ay lagi kitang kasama habang.....
Pinaparamdam na mahal natin ang isa't isa.
Pinapasaya natin ang isang malungkot sa ating dalawa.
Tinutulungan natin ang isa't isa na malagpasan ang bawat pagsubok at problema na dinaranas nating dalawa.
Kung saan din tayo dati ay nagaaway ng dahil sa mga maliliit o walang kwentang bagay.
Kung saan lagi mo akong binabato ng sapatos mo pagnagbibiruan tayong dalawa.
Kung saan hinahalikan mo ang pisngi ko pag napapakilig at napapangiti kita.
MAHAL KITA....
Pero pinalayo kita na'ng hindi ko man lang sinabi sayo ang dahilan. Pinagtabuyan pa rin kita kahit umiiyak kana at nasasaktan na kita. Tinulak kita palayo habang nakaluhod ka sa harap ko at nagmamakaawang wag ko'ng gawin yun sayo.
Kung masakit para sayo yung ginawa ko, mas... pinakamasakit para sakin yun. Pero tama lang naman yung ginawa ko. Tama lang talaga. Kesa masaktan ka pag nalaman mo na ang katotohan. Sana wag mong kakalimutan na minahal kita ng sobra pa sa lahat ng bagay sa mundong ito at ng higit pa sa sarili ko. Mahal na mahal kita, Anna. Hinding hindi magbabago yan. Kaya pinalaya kita kahit labag sa puso mo at sa puso ko.
I been too long in the wind, too long in the rain taking any comfort that I can. Looking back and longing for the freedom of my chance lying in your loving arms again.
PoV: Anna Marie Reyes
It's been a long time since you've told me to stay away from you. Sobrang sakit para sakin nung ginawa mo yun. Alam kong mahal mo ko. Nangako kang hindi magbabago yun. Alam mong may tiwala ako sayo. At kahit nangyare na ang pagtaboy mo sakin, alam kong mahal mo parin ako.
Nagmakaawa ako sayo na wag mong gawin sakin yun, umiyak at lumuhod ako sa harap mo habang tinutulak mo ko palayo sayo. Parang dinudurog ang puso ko nung gabing iyon. Sobrang sakit na sa kauna-unahan at kaisa-isang taong minahal ko ng higit pa sa sarili ang gumawa sakin nun.
Pero gaya nga ng sabi ko, nangyare ang nangyare. Pero hindi mawawala at masisira ang tiwala at pagmamahal ko sayo. Iba ka sa lahat Nathan. Mapagmahal, mapag alaga, mahaba ang pasensya, marunong magdown ng pride, mapag intindi, may respeto... lahat ng magandang katangian ng isang lalake, nasa'iyo na.
Nangako din ako sayo na mamahalin kita at hindi magbabago yun. Naaalala ko yung araw na sabay tayong nagsumpaan sa harap ng altar tapos nilagyan natin ang daliri natin ng sinulid bilang singsing at tanda ng sumpaan nating dalawa. Sobrang saya nating dalawa kaya naman binigyan natin ang isa't isa ng pinakamatamis nating halik.
BINABASA MO ANG
Loving Arms (One Shot)
FanfictionJames Reid as Nathan Perez Nadine Lustre as Anna Marie Reyes