Chapter 2: Kilig Much

67 0 0
                                    

Vincent's POV

Nagising ako ng maaga.

4:30 palang kaya nag exercise muna ako.

Pagkatapos maligo ginising ko agad ang tulog mantika kong kapatid .

"Hoy! Kathleen gising na!"

Sigaw ko. Aba parang walang narinig kaya sinabi ko nalang na... " Bye nandyan na service"

Bigla syang gumising at naligo.

Tawa lang ako ng tawa.

Kumain na ako at nagtoothbrush.Tapos na din si Kathleen kaya lumabas na kami sa bahay.

Dumating na ang service namin...

"Kuya Haime" tawag ko sa kanya.

"Aba! Himala! Ang aga mo Vicente"

Panloloko nya pa, dati kasi lagi akong late gumising.

(Vicente pang-asar sa akin)

Napatawa na lang ako sa sinabi ni kuya Haime.

Umalis na din kami at naka dating sa school ng maaga.

For the first time kuya hindi tayo late"

Pangloloko pa ni Kathleen.

"LOKO!" yun na lang ang nasabi ko.

Pumunta na ako sa classroom at nakita ko na ang mga classmates ko.Hinanap ko agad si Julian pero wala pa sya.

7:00 a.m.

Magsta-start na ang first subject wala padin si Julian.Nagaalala na ako sa kanya.

Bigla namang may narinig akong yapag sa hagdan at biglang dumating si Julian.

"Classmates what will you say?"

Sumagot naman agad ang mga classmates ko syempre kasali ako.

"Good morning Julian, next time don't be late"

Agad agad syang lumapit kay Mam Baby...

"Sorry ma'am I'm late because......"

Inaantay namin ang sagot ni Julian.

"Ma'am sorry po kasi ang bagal ng kuya ko, tuloy po na late ako" sagot nya kay ma'am.

"That's ok but next time don't be late ha" dahil mabait ang teacher namin pinatawad nya si Julian.

May pinapasa agad akong papel sa harap ko papunta  kay Julian.

Hoy! Babae bakit ka naman late ha?

Sabi ko sa papel.Agad naman nyang sinagot ang tanong ko. Ang hirap pala ng palihim na pag-uusap baka kasi mahuli ng teacher.

Diba nga sabi ko sayo ang bagal ni....

Napahinto ako bigla sa pagbabasa ng papel ng bigla kong nakita si ma'am Baby sa harap ko na naka taas ang kilay.

"So-orry po ma'am"

Utal kong sagot kay ma'am.

"Sa susunod ko pang mahuli kita na hindi nakikinig sa lesson natin ipapatawag ko ang magulang mo"

Sabi sa akin sabay buntong hininga.

Kinabahan tuloy ako.

Natapos na ang klase namin nang parang wala akong naintindihan dahil sa kakaisip ng nangyari kanina.

Lunch Time 12:00 p.m.

"Vincent tara kain" anyaya ni Julian sa akin.

Hindi narin ako tumanggi dahil gutom narin naman ako.

"Kawawa ka naman libre na nga kita" panloloko nya pa sa akin.

Sige lokohin mo pa ako halikan kita dyan

Yun na lang ang pumasok sa isip ko.

Napansin ko na parang kinikilig ako.

Shet! Namumula ata ako.

"Bakit ka nagblu-blush" tanong sa akin ni Julian.

Anak ng putek! Ano isasagot ko?

"Wala!" Sagot ko sa kanya pagalit kong sagot sa kanya.

"Anong wala eh kinikilig ka ata eh?

Uuy! Sino sya kilala ko ba?

Buti na lang may dumaan na babae na maganda.

"Kulit mo!, sya yung crush ko" galing ko talaga magpalusot.

"Talag naman oh" pangloloko nya pa.

Buti na lang talaga dumaan si ate kung hindi patay na.

"Tara na nga kumain na tayo" pag-aaya ko sa kanya.

"Isa nga pong menuda at isang rice"

Sabi nya sa nagtitinda.

" Ikaw ano sayo" tanong nya sa akin.

"Ano na lang isang burger , diet ako eh" sabi ko sa kanya.

"Hooo, diet uso ba sayo yun?"

Tanong nya sa akin na may halong pagtawa.

"Orderin mo na lang" yun nalang nasabi ko.

"Demanding , ikaw na nga ililibre"

"Eto na order nyo" sabi ng tindera.

Kumain na kami at umalis na kami.

Bumalik na agad kami sa klase.

Mabilis na tapos ang klase at may biglang dumating na isang bata.

May announcement daw?.....

Itutuloy ...
Ano kaya ang announcement na yon?

Nagustuhan nyo sana ang Chapter 2 ko .
Next update ko sa Wednesday kasi may pasok na.. ^_^

Bestfriend V.S. BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon