"Lia, anak" boses ni mommy yon.
"Mommy"
"Where are you?"
"Its okay anak"
"Everything will be okay"
"Wait mommy! Don't leave."
"I never left anak"
Nagising na lang ako ng maramdaman ang luha ko sa pisngi. Basa na yung unan ko ng luha. How long have I been crying? Its been a long time since I had those type of dreams. Dahil ba nasa pinas na ako kaya bumabalik muli? Bumangon ako sa pagkakahiga at dumerecho na sa banyo. Paglabas ko, tinignan ko yung clock sa bedside table ko.
8:30AM
Medyo late na pala. Bumaba na ako ng hagdan at dederecho na sana sa kusina nang parang may mahagip ang mata kong kakaiba.
Nilingon ko yon...
"Good morning!" Sabay sabay na bati nila.
Bumungad sa akin ang pinsan kong kanya kanyang upo sa living room. Muntik na akong mapatalon sa gulat.
"Aba late na gumising yung prinsesa namin ah. Napasarap ata ang tulog natin?" mapanlokong ani Rhys
"Prinsesa niyo talaga? Wow hah. Ano pala kami nyan?" maarteng sabi ni Elara
"Evil stepsisters." Walang ganang sagot ni Mateo.
Napanganga yung mga babae kong pinsan, habang humagalpak naman sa tawa yung mga lalake.
"What did you say? Elara! Pagsabihan mo nga yang kapatid mo. Ano raw? Evil step sisters tayo. Hindi na nakakatuwa" mataray na sabi ni Ate Hana
Binatukan ni Elara si Mateo pero nakailag ito. Babatukan sana siya muli pero nahawakan niya yung braso ni Elara kaya sinamaan niya na lang ng tingin si Mateo.
"Evil step sisters pala kayo." natatawang lumapit si Reid sa akin.
"Good morning sa'yo. Hope you don't mind us barging in." Ginulo ni Reid yung buhok ko
Magrereact na sana ako ng makaramdam ako ng kamay na sumuklay sa buhok ko. Si Mateo iyon na inayos ang nagulo kong buhok. Sinamaan niya pa ng tingin si Reid na ngumisi lang sa amin.
"Ayan na naman yung dalawa. Inaagaw niyo na naman sa akin si Lianne. Kaya hindi na nagkakaoras sa akin! Mga mangaagaw" madramang sabi ni Rhys na hinila ako palayo kina Mateo.
Kasama ko siya lagi noon, habang nag aaral ako ng gymnastics. Siya rin ang nagturo sa akin sumayaw. Ilap kasi sa akin noon sina Reid at Mateo, tahimik silang pareho noon. Tapos laging sila lang yung magkasama sa tuwing may get together.
Magkapatid nga pala sila ni Rhys, Mateo, at Elara. Rhys is three years older than me, tapos si Elara naman ay a year younger than him. Habang si Mateo at Reid naman ay isang taon lang ang agwat sa amin ni Liam.
"Walang sayo Rhys. Amin lang si Lianne. Dun ka sa far away." pagbibiro ni Reid na pabiro akong hinila.
"Kayo ang doon sa far away. Narinig ko kay Rell na dinalaw niyo na raw si Lianne nung araw. Ibig sabihin nagbonding na kayo. Kaya sa akin siya ngayon. Alis" hila sa akin ni Rhys.
Hinila naman ako pabalik ng dalawa. Naghilaan pa sila bago sila sinaway ni Ate Hana. Namiss ko yung ganitong ingay sa bahay. I love my life in London–before that incident– but life here hits different.
"Oh. Good morning Lianne." Bati ng naka apron na si Kuya Levi na kakalabas lang mula sa kusina kasunod niyang lumabas si Kuya Julius na nakaapron rin.

BINABASA MO ANG
Whispers under the Lost Star
RomanceIf you like stories with romance, school affairs, family issues and drama-this might be for you. Lianne thought she knew who she was. For years, she lived a quiet life, believing she was just another girl with a loving family. Lianne's return to the...