Chapter 2

2 0 0
                                    

Day's, week's at months ang lumipas at ngayon ang last day namin sa school at bakasyon na makakapag pahinga na din sa wakas.

"Oi, saan tayo last day na natin ngayon pero wla pa din tayong plano ngayong bakasyon, mag out of the country naman kaya tayo" si ally.

Andito kami ngayon sa canteen at inaantay namin ang mga boy's ang tagal nila gutom na ako kaya bumili muna ako nang makakain habang nag aantay.

"Mag bakasyon ata kami sa province nila mama, narinig ko lang pinag uusapan ng mga kapatid ko doon daw kami" ayon kay shine.

"Mukhang wlang plano sila daddy na magbakasyon ngayong summer at ang alam ko din busy si Brandon sa Alcantara Building ngayon" hindi naman sa nagrereklamo ako pero naninibago lang seguro ako dahil nitong mga nakalipas na buwan hindi na nya ako sinusundo kaya ung driver nalang namin ang sumusundo sa akin.

"Sabagay hindi na nga natin nakakasama si Brandon, pero may naririnig ako na lage daw niya kasama si paula ung classmate niya o baka dahil sa group project nila" si ally.

Kaya ba lage nalang syang busy at hindi na nya ako kayang sunduin kasi may iba na siyang sinusundo. Haist bakit ba ako nag iisip ng ganito eh natural lang naman na may magigustuhan si brandon gwapo na matalino pa at mabait na kapatid.

Seguro hindi lang ako sanay na iba ang kasa-kasama nya, masyado na ba akong dependent sakanya.

"Ayan na sila" dinig kong sabi ni shine. Nakita ko si Jasper at Brandon na naunang pumasok ng canteen kaya huminga ako ng malalim at tumayo na hindi rin nag tagal at tumayo na ang mga kasama ko.

"Sa labas nalang tayo kakain nasa parking lot na sina keil at kyle" si Jasper

"Okay" pag sang ayon namin.

Sa sasakyan ni Keil sumakay si Shine at Kyle at kay Jasper naman sumakay si Ally iniisip kong kay Keil nalang din sasakay pero hindi pa man ako nakapag salita naunahan na ako ni Brandon na nakabukas na pala ang pintuan ng passenger seat "Irish" kaya sumakay nalang din ako.

Tahimik lang kami sa loob ng kotse niya habang nasa labas naman ako nakatingin.

Naunang dumating ang sasakyan nila keil kakainan naming restaurant at nandun na din sila Ally at Jasper kaya pag pasok namin umupo na agad ako tumabi naman sakin si Brandon hindi na kami nag abala pang mag order nang kakainin at naka order na naman sila keil nang pagkain di rin nagtagal at dumating na ang pagkain namin.

"Ang dami,mauubos ba natin yan?" tuwang-tuwa sabi ni Ally.

Hindi na ako magtaka kung mauubos namin to e sa mga lalaki ang mga kasama namin.

"Kung hindi kapa tataba niyan ewan ko nalang sayo" pigil na ngiti na sabi ni Kyle kay Ally.

"Ako na naman nakita mo Kyle.." sagot ni Ally.

"Tama na yan, kumain na tayo.." si Jasper.

Naglalagay ako ng shanghai sa plato ko nang kumuha si Brandon ng kanin at nilagay sa plato ko. Hindi naman ako malakas kumain pero ang dami niyang nilagay na kanin sa plato ko kaya hindi na ako nakatiis "Ang dami ng nilagay mo hindi ko yan mauubos Brandon".

"Just eat" un lang sagot niya sakin at nag abot pa ng barbecue at nilagay sa plato ko. Huminga nalang ako ng malalim at nagsimula ng kumain.

Habang kumakain kami sumalo si Brandon sa plato ko nung una nag alangan pa ako pero hinayaan ko nalang isa pa magkapatid naman kami. Pagkatapos namin kumain nagkanya kanya nang alisan ang mga kaibigan ko may kanya kanya na silang lakad seguro uuwi nalang kami ni Brandon.

Bago pa ako makapag salita ay nahila na ako ni Brandon at tinatahak namin ang daan papuntang parking lot at binuksan niya agad ang passenger seat at pinasakay ako at siya na din ang nagkabit ng seatbelt ko. Tahimik lang ako habang nag ddrive siya buong akala ko ay pauwi na kami pero ibang daan ang tinatahak namin gusto ko sanang
magtanung kung saan kami pupunta pero baka hindi na naman ako sagutin kaya nanahimik nalang ako at inaliw ang aking sarili sa mga nadaanan namin.

Dumaan pa kami sa isang drive thru kakain lang namin ah sa isip ko.

Hininto ni Brandon ang sasakyan sa isang medyo mataas na lugar at tanaw namin ang mga ilaw ng buong syudad. "Ang ganda.." hindi ko mapigilang komento maganda naman talaga at ang lamig nang hangin nakakarelak. Habang aliw na aliw ako sa kakatingin sa tanawin sa baba hindi ko napansin na pinapanood pala ako ni Brandon kaya medyo nagulat pa ako nung magsalita siya "nagustuhan mo ba?".

Nilingon ko siya at ningitian nakaupo siya sa hood ng sasakyan at may hawak na beer in can saan galing un hindi ko napansin na meron siyang dala sa loob ng sasakyan niya. Lumapit ako sa kanya at umupo din sa tabi nya.

"Lage kaba dito ngayon lang kasi ako nakapunta dito" tanung ko sakanya.

"Minsan pag gusto ko magrelaks at mag isip pumupunta ako dito" sagot niya sakin.

"Magbabakasyon ba tayo nila daddy?" tanung ko pa.

"Busy si dad ngyon sa JA Building at ipapadala ako ni dad sa states para doon magtraining sa branch natin doon" sagot niya sakin na kinagulat ko ibig sabihin mahihiwalay siya sa amin.

"Pwede kang sumama sakin para magbakasyon at babalik ka dito bago ang pasukan" sabi niya pa na kinatuwa ko naman.

Ningitian ko siya at tumango "magpapaalam ako kila mom".

Nagtagal kami ni Brandon ng halos 2 oras kahit na hindi kami masyadong nag uusap panay lang ang inum niya ng beer at binigay niya naman sakin ung pagkain na binili niya nakaramdam ako ng antok kaya napahikab ako napansin niya un kaya sinandal niya ang ulo ko sa balikat nya at inakbayan niya ako. Sanay naman kami sa ganun dati natutulog pa nga siya sa kwarto ko at tabi kami matulog. Kahit na sinasabihan na siya ni daddy na hindi na siya pwedeng tumabi sakin matulog kasi malalaki na kami pero napuslit padin siya sa kwarto ko at babalik sa kwarto niya ng madaling araw para hindi kami mahuli nina daddy at mommy pero si Byan alam kung alam niya hindi lang nagsasalita at mukhang kasundo pa nga un ni Brandon.

Gabi na nang umalis kami sa lugar na un at dahil sa gabi na medyo maluwag ang kalsada at mabilis naman kami nakauwi naabutan pa namin si Byan sa labas ng bahay kasama ung mga kaibigan niya bago kami pinasok ni Brandon ang sasakyan sa gate tinawag niya muna si Byan at pinaalalahanan na huwag masyado magpakagabi at pumasok na din ng bahay.

Nakahiga na ako sa kama ko para sana matulog na kahit pa wala namang pasok nakinabukasan gusto ko lang matulog ng maaga gaan ang pakiramdam ko masaya din ako sa nangyare kanina kahit kausapin at pansinin lang ako ni Brandon ay masaya na ako baka dahil kuya ko siya at nasanay na din ako. Sa subrang saya ko na ata at hindi man lang ako dalawin ng antok sinilip ko ang oras at maghahating gabi na pala. Maya-maya pa nakarinig ako ng mahinang katok hindi ko un pinansin at baka sa kabilang kuwarto lang pero hindi natigil ang katok kaya tumayo na ako para silipin ang kumatok baka hindi lang narinig ni Bryan na may kumatok sa kuwarto niya.

Pero pagbukas ko ng pinto bumungad sakin si Brandon na mukhang inaantok pa at magulo ang buhok. Pumasok na siya ng kwarto ko at sya na din ang naglock ng pinto kaya bumalik nalang ako sa kama at naupo "dito kaba matutulog?" shit bat ba ako nagtanung pa obvious naman na dito siya matulog.

Humiga na siya sa kama ko at nagkumot habang ako nanatiling nakaupo pa din "hindi ka paba hihiga?" tanung niya na kaya nahiga na ako sa tabi niya.



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 19, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Forbidden loveWhere stories live. Discover now