PROLOGUE

20 1 0
                                    

"Hahahahah ang kupad mo namang tumakbo!" natatawa kong sigaw habang hinahabol nya ako "whahhhhh"

"Huli ka hahahaha"

Sabay kaming tumatawa habanng nakapulopot yung mga bisig nya sa aking bewang

"Kupad pala huh?"

"Heh!, nag pahuli lang ako sayo noh!,,tss!" kapag talaga ganito di ako papatalo hahahaha nek nek nya hahaha kahit mahal ko toh di parin ako papatalo noh!?

"Ahmmmm love?" basag nya sa katahimikang bumabalot samin

"Ahmmm?"

"Nak nak"
Hay nako ito na naman po yung sakit nyang ka-cornehan

"Who's there?"
Patulan na natin baka mag mag tampo pa toh ehhh

"Buhay mo"

"Buhay mo who?"

"Ikaw,,,,hahahahahha" tawa sya ng tawa sa sarili nyang joke habang ako loading....parin.....anong magagawa ko ehhh sa napakalaki kong SLOW,,,

"Ano?"

"Sabi ko ikaw" ulit nya pa

"Anong ako? anong kunek dun?" nag tataka kong sabi

"D mo talaga gets?"tanong naman nya saka ako nag tango tango "Hayy! napakalaki mo ngang SLOW,,,,aray!" atungal nya,,,binatukan ko lang naman ang napakalaking mais,,,Tinitigan nya lang ako ng masama kaya tinitigan ko din sya "Heheheh sorry" nye nye nye bweset sya,, tingin ko palang takot na ehhh

"Tss!"
Sabay tinalikoran ko sya alam ko namang sinusundan nya ako ehh

"Oyyy sorry na" sabi nya pa pero di ko sya nilingon "Ganito kasi yun,, makinig ka huh?" sabi naman nya habang nasa likod ko "Diba sabi ko buhay mo!? tapos tinanong mo ako ng buhay mo who?" pag papaliwanag nya na naman pero di ko parin nililingon ang alam ko kasi tong nilalakaran ko ay pa punta sa labas,,,at alam kong malamig sa labas dahil andito kami sa barko gusto kasi naming mag bakasyon ni Justin "So ibig sabihin tinatanong mo ako kung sino ang buhay ko" di matapos tapos na paliwanag nya,,,nalalanghap ko na din ang malamig na hangin buti nalang at suot ko yung jacket nya

"Ohh tapos?" sabay harap ko sa kanya,,napatingala pa ako kasi subrang lapit nya at ang tangkad nya pa

"Ang sagot ko ikaw,,,ikaw ang buhay ko love"
Ok! gets ko na heheheh pwede na ba ako kiligin ngayun? "Ano? bati na tayo?" sabi nya na sinuklian ko lang ng matamis na ngiti

"Ewan ko sayo" sabi ko habang pinipigilang tumili,,,

"di mo lang na gets ehhh" sabi nya habang yinayakap ako

"Ang corny mo kasi"

"Kinikilig ka naman"

"Di ako kinikilig" sabi ko kahit na nag ha-hyperventelate na ako dito sa kilig pinipigilan ko lang

"Kini----"
di nya na naituloy ang sa sabihin ng parang may nabangga ang barko sa ilalim at seguro napakalaki nito dahil sumobsob kami ni Justin sa sahig at ang mga tao ay nag wawala na ang iba ay sumisigaw na rin

"Are you ok?" tanong nya habang inaalalayan nya akong tumayo

"Y-yes,,,ouch!!"
hindi ko maigalaw yung kanang paa ko mukhang na bundol ata ito kanina sa matigas na parte nitong kinatatayuan namin

"Halimaw!!!"

Dinig na dinig naming sigaw ng mga tao

"Anong nangyayare?" bulong ko sa sarili

"Stay here"

"No!"sigaw ko habang hinahawakan ng mahigpit ang kamay nya

"Chrrrrrttt" tunog yan ng barkong parang napupunit

Npatingin kami dun sa mga taong nag sisigawan na na tumatakbo papunta sa kinatatayuan namin

"Ohh my god" wala sa sarili kong sabi dahilan ng paghigpit ng magkahawak kamay namin,,,"A-ano yan" nanginginig kong tanong sa kanya

"D ko alam"

"Raaaawwwwrrrr" nakakakilabot na sigaw ng halimaw,,isa syang ahas na mukhang dragon na may kahawig sa isda napakalaki nya kaya nya nagawang pulopotan ang barkong sinasaktan namin

"Ahhhhhh" mangiyak ngiyak kong sigaw papalapit naman ng papalapit ang halimaw samin ang iba ay nag si talunan na

"Jump!!"sigaw nya sakin

"No! I won't leave you!" matigas kong sigaw
Bahala na kong mamatay basta kasama ko sya, kahit tumalon pa ako alam kong mamamatay din naman ako kaya masmabuti pang mamatay ako kasama sya

"Raaaawwwwwrrrrr!" napakabilis nyang nakalapit sa amin at alam kong kakainin kami ng gutom na halimaw na ito,,, mahigpit ang pagkakayakap nya ng mga panahon nayun habang sumisigaw kami pariho,,,di ako segirado kung anong klaseng hayop toh, pero segurado akong ito na ang huli

"Ahhhhhhhhhh"

"Raaaaawwwwwrrrrrr"

Just for my Idol (not now but maybe not soon)Where stories live. Discover now