-CHAPTER TWO-
-POV ni Louise-
So yun nga napublish ACCIDENTALY yung isang part ng diary ko! Malala pa nyan yung confession ko pa! Pero pano nga ba napublish yung part na yun? Ganto yun,
-FLASHBACK-
Gahd! Naalala ko na! Nung natamaan ako ng bola!
-FLASHBACK NG FLASHBACK XD-
"MISS ILAG!" Napatigil ako sa pagsusulat at napatingin dun sa sumigaw pero imbis na tao ang makita ko, bola ng soccer ball ang nakita ko at huli na para makailag ako at tumama sa ilong ko tumama yung bola.
-END OF FLASHBACK NG FLASHBACK-
Tapos iyon! Hindi ko napansin na kung ano-ano na yung napindot sa cellphone ko! Nako! Bakit kasi ang shunga shunga kooooo! T_T
-END OF FLASHBACK-
Iyun ang dahilan. Napagana ko na naman ang kashungahan ko. Hay. Handa nako. Lagi nako may baong bandaid sa bulsa ko. Alam niyo na, para ready.
"Ma'am bat ngayon lang po kayo nakauwi? Nandyan po sina sir Luigi." Sabi nung guard.
"Sorry po manong. Kumain lang po ako sa labas." Sabi ko tsaka ako pumasok sa loob.
Pagpasok ko sa loob nandun sila Kuya Luigi sa salas kasama yung iba ko pang mga pinsan. Trip nila? Cousin reunion?
"Louise! Bat ngayon ka lang?" Tanong ni Kuya Larry. Puro kuya yan. Ako lang ang nagiisang babae saming magpipinsan kaya protektadong protektado ako.
"Oo nga! Tatawagan ka na sana namin kasi nagaalala na kami sayo!" Sabi naman ni Kuya Luise. Ang kuya ko.
"Wala bang hug diyan? Sermon agad?" Sabi ko kaya nagtakbuhan sila sakin at naggroup hug kami. Close kami sa isa't-isa. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit ayaw ko makibagay sa mga babaeng sosyal at kikay sa school kasi puro lalaki ang pinsan ko.
"Namiss ka namin insan!" Sabi ni Kuya Luigi kaya sinapok ko siya.
"Kung sakalin ko kaya kayo? Araw-araw tayong nagkikita sa school noh!" Yeah. Silang 7 ay tropa din ni Louie. Idagdag mo yung 4, 11 silang magtotropa dami nila noh?
"Kahit na! Eh hindi ka naman namin malapitan o makausap sa school! Tapos hindi naman tayo nakatira sa iisang bahay! Buti pa tong kuya mo!" Maktol ni kuya Lance.
"Bakit kasi hindi pa natin sabihin sa school na anak ka nila Tito at pinsan ka namin! Kinakahiya mo ang mga pinsan mong pogi?" Sabi naman ni kuya Luke tapos sabay-sabay silang nagpogi pose.
"Para kayong mga sira! Alam niyo naman yung dahilan kung bakit ayoko eh!" Sabi ko at pumunta sa salas para umupo dahil nangangawit nako.
"Kasi nga ayaw mong sumikat at magkaroon ng kaibigan dahil sa pera." Sabi ni Kuya Liam.
"Edi wag mo silang kaibiganin at wag mong pansinin yung kasikatan mo!" Reklamo ni Kuya Larry. Oo nga noh. Pero ayoko pa rin! Kasi basta!"Eh basta ayoko!" Sabi ko.
"Baka naman kasi ako ang kinakahiya niya?" Napatingin kaming lahat kay papa. Agad akong lumapit kay papa at nagmano.
"Si papa naman! Bakit ko naman ikakahiya ang the best papa in the world! Pogi pogi pa!" Sabi ko.
"Awww! Sweet naman ni insan!" Hiyaw ni Kuya Leigh.
"Hahahaha! Sige na magpalit ka na ng damit mo tapos bumababa ka na rin para makapagdinner na tayo at kanina ka pa hinihintay ng mga pinsan mo." Sabi ni papa kaya umakyat nako at nagpalit.