Chapter 3: All alone

12.4K 459 34
                                    

After ng confrontation, never na ulit akong kinausap ni Tasha. I keep on apologizing to her pero hindi niya na ako pinapansin. Kapag nga naman ang tao sarado ang puso, mas lalong sarado ang utak.

Anong klaseng buhay to? Pangit na nga, loner pa. Buti na lang matalino ako.

"Rayford Sandoval you're exempted. You are not required to take the exam." Sabi sakin nung teacher namin. Tumayo ako at handa na para lumabas ng classroom ng bigla akong pinatid ni Calvin.

"Aray!" Sigaw ko sa pagkabigla. Tang-inis talaga tong unggoy na to. Kung hindi ka ba naman malas, eh di hindi ko sana natulak yung desk ni maam. Edi sana hindi masusubo ni maam yung marker na hawak niya. Hay. Ang malas naman.

"Mr. Sandovaaaaal!!! Get out of this room, NOW!"

Ay, nakakatakot nga naman talaga kapag ginalit mo si Maam Barbara. Lalabas naman na talaga ako e, pinadrama lang yung eksena.

"Hoy panget. Pumasok ka na daw." Tawag nung class president namin. Tapos na siguro silang mag-exam.

Binigay ni Maam yung assignment namin para bukas. Ayos, kakatapos lang ng exam pero assignment agad. Ganado.

Napansin kong paalis na si Tasha.

"Tasha, gusto mo ako na gumawa ng assignments mo? Just like the old times." Natatawa ako everytime na maaalala ko yung paggawa ko ng mga assignments niya. Tapos siya naman bahala sa mag-isip ng trip namin after ng uwian. Minsan, aabutin kami ng gabi sa paggala. Hindi siya nagaalala sa assignments kasi tiwala siyang ako na yung bahala.

Nakita ko siyang napangiti sa sinabi ko. Naaalala rin niya siguro. Iba na talaga pag nagpakita si Kumareng Memories. Haha!

"Ay Natasha, hindi ikaw yung gumagawa ng homeworks mo? Mygosh." Biglang sumingit yung friend niyang babae.

"O-Ofcourse, not! Tara na nga." Padabog niyang sinuot yung bag niya at umalis. Pambihira. Throwback na, naging walk-out pa.

Simula ng naging kaibigan niya yang mga babaeng yan doon nagsimulang magbago si Tasha e. Idagdag mo pa tong si Calvin.

Palabas na ako ng classroom kasi nga uwian na. Mas lalo tuloy naging boring yung buhay ko simula nang lumayo sakin si Tasha.

"Hoy nerd na panget!" Napatigil ako nung may tumawag sakin sa likod. Paglingon ko, nakita ko yung mga kaibigan ni Tasha.

"Bakit nanaman?" Medyo nauumay na rin kasi ako sa pambubully nila sakin. Oo na, kayo na pinili ni Tasha kesa sakin. Kailangan pa bang ipamukha sa pangit kong mukha?

"We already told you to stay away from her! Hindi ka ba nadadala ha?" Sigaw sakin nung isa.

"Ano pa bang gusto niyo ha? Mukha bang may natitira pa sakin dito? Ayaw na sakin ni Natasha, kulang pa ba yun?" Tumalikod na ako sa kanila dahil ayoko na talaga. Tama na, nakakasawa na.

Sa isang iglap, may lumipad na sapatos sa ulo ko. Masakit. Yan ang naramdaman ko nung tumama yung takong ng sapatos sa ulo ko.

"Bastos kang nerd ka ah. Ang lakas ng loob mong talikuran kami!" Sigaw nila.

"Sino ka ba sa tingin mo? Isa ka lang namang kalyo sa campus na to!"

"Nakakainis talaga, ang kapal ng mukha."

"Hindi ka bagay kay Natasha. Ang pangit pangit mo! Bat hindi ka pa mamatay!"

Bawat hakbang, pinipilit kong wag masaktan sa mga sinasabi nila. Konting tiis na lang naman, lilipat na ko ng school or rather titira na ko sa ibang bansa. Balang araw, kakainin niyo rin lahat ng masasakit na bagay na sinabi niyo sakin. Magiging matagumpay na tao ako, ipapamukha ko sa inyo lahat ng ginawa niyo sakin.

Napatigil ako sa paglalakad nang biglang dumating si Tasha sa harap ko. Halata sa mukha niya yung awa ng makita yung itsura ko. Mukhang narinig niya rin lahat ng sinabi ng mga kaibigan niya sakin. Wala nang mas bababa pa ng tingin sakin kundi ang sarili ko.

"R-Ray..." Sabi niya habang tinitignan ako. Para siyang maiiyak. Babalikan mo na ba yung bestfriend mo?

"Tasha---" Gusto kong lumuhod. Ayokong umalis nang hindi nakakapagpaalam ng maayos sa kanya. Siguro naman babalik na sakin yung bestfriend ko ngayong nakita na niya yung tunay na ugali ng mga kaibigan niya.

"Ray... Tama na..." Nakikita kong nahihirapan din siya. "Wag ka nang umasa na babalik pa yung dati kasi...hindi na. Tapos na."

Hindi ko siya matignan sa mukha. Yumuko na lang ako sa sobrang hiya. Masyado ko nang nababa yung pagkatao ko. Pinaniwala ko yung sarili ko sa bagay na hindi na mangyayari kasi nga, tapos na. Ayaw na niya sakin. Kasi mahina ako, nerd ako, boring ako at higit sa lahat pangit ako.

"Kalimutan mo na yung pagkakaibigan natin.  Wag ka na ulit magtitiwala sakin. Itrato mo akong ibang tao. Tsaka Ray, kung pwede patawarin mo ako."

Nagulat ako sa huli niyang sinabi. Pagkatapos ng lahat hihingi siya ng tawad? Tasha, hindi na nga kita kilala. Ibang-iba ka na talaga.

Imbis na sumagot sa mga sinabi niya. Nilagpasan ko na lang siya.

"R-ray! Mas sugat ka sa ulo mo!" Narinig kong sigaw niya.

"Alam ko. Pero mas masakit pa rin yung ginawa mo." Sabi ko sakanya habang nakalikod.

A/N: It's the end of the flashbacks. Next chapter will be the present time. After 5 years. :)

The Nerd Turns into a HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon