Chapter 16: BOREDOM

46 0 0
                                    

Chapter 16

Pagdating namin ng Iloilo airport,sinundo ako ni manang inday grabe kakahiya yung scene sa airport ikwento ba naman yung childhood ko saka nagdrama pa nahihiya tuloy ako pati yung di dapat ikwento sa public ay nakwento niya. Gosh at yung boses ang lakas parang may mic lang..pero dahil Ilongga nga ay ang sweet magsalita. Mahal ko tong si yaya Inday siya kasi nag-alaga sa akin mula pagkabata hanggang sa pumunta kami ng states.

"Ang tagal na ng huling bisita ko dito a" patingin tingin ako sa mga bahay.

"Hay nako hija maya na lang yan magmeryenda ka muna dito"

"Wow suman latik at bukayo"(don't know how to describe pero ilonggo dishes yan)

"At saka ang paborito mong buko juice" at binuhusan ni yaya inday ang baso ko ng buko juice.

"Namiss ko to!" Chibugan na!

"At saka na pala nakausap ko ang daddy mo dun ka daw matulog sa dating kwarto nila ng mommy mo,at saka..... Hija wag ka nalang malungkot nandito lang kami para sayo" hinawakan ni yaya ang kamay ko at tinap.

"Ayos lang ako ya, kakalungkot man pero ganun talaga e at alam kong kung magmumukmok ako di matutuwa si mommy"

Naglilibot libot ako sa sea shore malapit lang kasi ang house namin dito at alam ko naman yung mga places dito. Marami na din palang nakatira dito noon ay mukhang kabihasnan pa dito. Gumagabi na din kaya bumalik na ako sa bahay.

"Adrian?" Luuh! Si Adrian nga nakatalikod nga lang siya.

"No, don't come near me..."

"Huh? Why?"

"I might hurt you..."

"What are you talking about?"Hinawakan ko siya sa shoulders niya ng humarap siya biglang naging leon ang mukha niya "AAAAAAAAAHHHHHHHH!" Just a dream , hangang sa panaginip ba naman inaalala ko siya? Kinabahan ako dun a!

"Ya, wala na po bang pwedeng pasyalan dito?"

"Ay nako hija sa plaza pwede kang pumasyal doon meron daw doong bayle mamaya" oo sa iloilo mahilig mag bayle or disco ang mga taga bario.

"Lagaw ta to ya(pasyal tayo dun ya)" aya ko kay yaya

"Oo naman, mabuti at gumagana pa tong de oso ko"

"Marunong po ba kayong magdrive ya?"

"Oo naman di ko lang nagamit nung sinundo kita tinatamad akong magdrive e"

"Sige anong oras po ba iyon ya?"

"Mamayang 6 hala maghanda ka na at maghuhugas pa ako dito"

Makakalabas na din ako nyahahahahaah. Okay lang naman yung disco nila dito modern din yung mga music, open nga lang para sa lahat nakipagkwentuhan si yaya sa mga kakilala niya ako naman ay nandito at nakaupo lang. Tinignan ko ang paligid wala namang weird...

Nabored na talaga ako dito ilang days pa ngalang e.

"Ya,tingnan nyo oh, fullmoon ngayon" nakaupo kami ngayon sa sofa si yaya umiinom ng kape at ako nakatingin sa buwan at tinitrace ito sa ere.

"Alam mo ba hija na maraming kwento tungkol jan sa buwan?"

"Po,alamat ho ba?"

"Oo merong sariling version ang bayan na to sa alamat ng buwan"

"Sige ya kwentuhan nyo naman ako" nag-indian seat ako sa harap ni yaya

"Noong panahon daw ng mga katutubo merong isang maharlika na ang pangalan ay asolan anak siya ng datu sa kanilang tribo,umibig siya kay nawub anak ng alipin,ang kanilang pag-ibig ay ipinagbabawal dahil sa dukha lang ang babae sadyang napakarikit ni nawub kahit anak ng mga maharlika walang tatalo sa kaniyang kagandahan."

"Oh tapos anong nangyari ya? Dali ikwento nyo na!"

"Oo na, inilihim nila ang namamagitan sa kanilang dalawa, palihim silang nagkikita sa bangin na malapit sa dagat paglubog ng araw, ngunit isang araw inihayag ng datu na itinakdang ikakasal si asolan sa isang anak ng kabilang tribu, nalungkot si nawub ,kaya ng magkita sila ni asolan plano sana nilang lisanin ang tribu. Ngunit nahuli sila ng isang babaylan. Tumakbo sila ng tumakbo at napadpad sa kanilang tagpuan nadapa si nawub at sumakit ang tiyan niya at may tumutulong duga mula sa kaniya, napag-alamang siya ay nagdadalang tao dahil sa sinuway nila ang tradisyun ng tribu sila ay isinumpa ng babaylan si nawub ay kailangang tumira sa madilim na parte ng mundo at magsilbing liwanag siya ay naging buwan... At sabi nila ang mga bituin daw ang naging mga anak nila at si asolan naman ay naging isang lobo, kaya tumatahol daw ang lobo ay dahil tinatawag nito ang kaniyang mahal na kahit kailan ma'y hindi na niya makakasama...."

"Awwww, that made me cry" nakakalungkot e, walang happy ending"

"Pero sabi ng mga matatanda sila daw ay magkakasama ulit dahil mahal sila ng bathala, kapag daw ang dalawa ay magkikita at bumalik sa piling ng isa't isa lahat daw ng rosas dito ay mamumulaklak"

"Kaya pala lahat ng rosas dito hindi tumutubo"

"Oo hija,ay maggagabi na matulog kana"

"Opo boss!"

My monster hubbyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon