R.
Ilang minuto na akong nakatitig lang sa litrato naming dalawa na nakadikit mula sa loob ng locker ko. Kasama nito ang iba pang litrato naming magkakaibigan. Lahat nagsusumigaw sa saya at magagandang memories ang mga litratong ito.
Bumalik ang tingin ko sa litrato naming dalawa sa isang sikat na kainan na napuntahan namin.
Magkatabi kaming dalawa habang kumakain ng Inasal. Mukha kaming masaya dito. Si Adele ang kumuha ng litrato na ito habang na kay Star naman ang video. Chinallenge kasi nila kami na paunahan makaubos ng three cups of rice at two chicken inasal.
Walang premyo pero for the sake of fun ay game na game kaming nagchallenge accepted. Masaya lang kami yun ang importante.
Napabuntong hininga ako sa pag alala sa mga alaala namin.
Inilagay ko na ang gamit ko sa loob ng locker at inayos ito. Pagkatapos ay sinara ko na ang locker and to my surprise nakatayo si Divine sa dulong locker. Habang nakaharap sa akin at nakataas ang isang kilay.
Tumalikod na ako at agad nagsimulang humakbang paalis.
“Ruiz Yohanne Corpuz!” pasigaw na tawag nya sa akin.
Nahinto ako sa paghakbang ngunit nanatiling nakatalikod sa kanya.
Nilapitan nya ako at pwersahang pinihit paharap sa kanya. Kaya naman ngayon ay magkaharap na kami. I saw sadness in her eyes together with anger. Hindi ko kayang tignan sya ng matagal sa ganoong sitwasyon kaya naman nag iwas na agad ako ng tingin.
“Iniiwasan mo ba ako?” deretsahang pagkompronta nito sa akin.
“No—” sagot ko ngunit agad ding naputol dahil nagsalita sya.
“Anong no? You've been ignoring me for the past two weeks.”
May bakas ng pagkairita sa boses nya. I can't blame her though, because what she's saying is quite true.
But the reason is that I was just busy for the past two weeks that I can't even answer her phonecalls plus the fact that I need to distance myself to her for the sake of their relationship.
She really loves him and I can vividly see that she is happy from him. I can't ruin or take away that happiness kaya naman medyo dumidistansya lang ako ng kaunti pero hindi ko naman sya totally iniiwasan.
I think I can't do that kahit sino pang humiling nyan sa akin.
“Hey it's not like that...I'm just busy these days.” sagot ko sa kanya.
“Busy from what?” pukol nya naman ng tanong sa akin.
She seem to be unconvinced.
“Many things.” sagot ko naman which is true because I really am busy these past few days.
“Wag mo nga ako bigyan ng ganyang dahilan. Dati naman kahit busy ka nasasamahan mo pa rin ako ah?”
“Hey stop being selfish—” sagot ko sa kanya pero pinutol nanaman nya.
“What? Selfish?... ako selfish?” she asked, sound upset.
And that's when I realized my wrong choice of word.
“No, that's not what I mean....ahm. I just wanna say that you can't expect me to be with you all the time...I also have my own life Divina.” I explained.