Prologue

5 0 2
                                    

"Nak baba ka dito"

Naririndi na 'ko sa sigaw ni Mama. 'Di ako maka concentrate sa pinapanood kung Korean Series.

"Nak baba kana kasi."

Aishh. Ang kulit ni Mama. Sabado ngayon eh walang pasok. Kaya todo nood ako. Paano ko to matatapos kung may disturbo.

"Oo na po. Ano ba kasing meron Ma" Sigaw ko habang inaayos ang buhok ko.

"Basta. Dali na"

"Wait lang namn po. Atat much? May lakad?" Supladang tugon ko

Pag baba ko. Sumalubong sakin si Kim Soo Hyun ay este yung gwapong lalaki na nakasabay ko sa trycicle. Ano nga bang pangalan niya? Ahh Nathan Paulo Mendez. Yun ang pangalan niya.

Andito naman siya. Bakit na naman kaya? Magtatapat na ba ito nang pag-ibig? O aakyat ng ligaw? Haha nanaginip na naman ako ng gising tsk.   Simula kase nong nag kasabay kami palagi na siyang pumupunta dito. Ano na namn kaya ang kailangan nito? Tss

"Erish Almeyra Dizon" tawag niya habang kumakaway at ngumiti.

Lintek na. Full name talaga? Ano na naman kaya trip nito? Hindi pa pwedeng Almeyra nalang? Tsk.
Tsaka bat ngumingiti yun? Wag niya kong mangiti.ngitian, kinikilig ako eh hihi. Ang talandi ko talaga. E paki ko ba. Crush ko siya eh. At porke' crush ko siya wag niya kong ngiti.ngitian nako sinasabi ko sakanya. Baka maglumpasay ako sa kilig dito.

"Hoy! Gwapong gwapo ka na naman sakin 'no? Sabi ko naman sayo wag mo kung isipin palagi" basag niya sa pagpapantasya ko sakanya.

Ha! Hangkapal nag mukha. Kung di ko lang talaga crush to sinapak ko na to.

"Anong gwapong gwapo sayo? Excuse me? Ang sabihin mo. Umay na umay naku sa pag mumukha mo. Araw-araw ba naman nandito ka? Ano bahay mo?" Supladang tugon ko habang pinaikot ng 360 ang mata ko.

"Sus. Wag kana mag deny. Alam ko na naman na gwapo ako eh" sabay pa pogi pose.

Ang hangin? May bagyo ba? Bagyo nga pala itong kaharap ko. Tsk

"Oh bakit ka na naman nandito? Sinisira mo ang araw ko eh." Tanong ko sakanya.

"Yayayain lang sana kitang gumala. Saturday ngayon kaya pwede ka" tugon niya.

" At ano? Ako na naman ang magbabayad? Kapal mo din eh no? Ikaw nagyaya tapos ako ang pinapababayad mo? " Pinipigilan kong mainis lalo.

Bumuntong hininga. " Promise ako na magbabayad ngayon. Kaya sumama kana"

"May magagawa pa ba ako? Hintayin mo ko. Maliligo lang ako".

Hindi kami friends . Hindi din kami enemy. Ano nga ba kami? Magkakilala. Yun ang tamang description. Apat na buwan na ang nakalipas nung nagkasabay kami sa trycicle. Pero parang fresh parin sa utak ko yun. Yung tipong huminto yung oras nung nakita ko siya. Yung mata ko may heart shape. Yung ganon ba. Inaamin ko crush ko talaga siya. Saka di naman ako suplada eh. Pakitang tao ko lang yun. Nahihiya kase ako sa kanya. Hindi ko siya matingnan sa mata. Kaya nag suplada ako hehe.

Totoo nga ang Love at first ride. Itong nangyari sakin. Kasalanan niya Haha. Joke lang. Kasalanan niya bang ang gwapo niya? Kaya ako nagkagusto sa kanya. Pero di ko inamin ah. Nakakatakot mareject eh. Kaya hangga't maari, itatago ko nalang ang nararamdaman ko sakanya.

I dont care if he dont feel the same way. Its okey with me. As long as his beside me. As long as I see him every now and then. Thats how much I like him. That this like become love. Yes, I love him. But I keep it to him. Im happy that his with me. Im contented with that. And I dont want to ruin what we have now just because of this one sided love.

"Almeyra, matagal ka pa ba?" Sigaw ni Nathan

"Pababa na po" sagot ko naman.

Nagpa-alam lang ako kay Mama tapos umalis na din kami.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanya

"Sa Mall. Kakain muna tayo tapos gagawin natin gusto mo" tugon niya

Hindi nako sumagot sakanya. Nasa kotse na niya kami. Oo may kotse siya. Mayaman to eh.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 11, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love at First Ride ( A Tricycle Love Story)Where stories live. Discover now