Assume

12 3 0
                                    

A/N: Helloooo! And I'm back again with another one-shot! As you can see, the title is assume. This one-shot is dedicated to the ones who assumed but, gave up. Ito'y para malakasan kayo ng loob na umamin habang hindi pa huli ang lahat. Malay nyo? Crush din pala kayo ng crush nyo. So, yeahhh!

Assume (One-Shot Story)

"Uy, besh! Andiyan si Cleo." Kinikilig na sambit ng bestfriend kong si Rianne. Agad ko siyang binatukan. "Shit ka! Paano kung narinig niya." Galit na bulong ko. Nasa canteen kami ngayon. Break time kasi namin.

"Tss. As if naman na hindi niya alam. Kalat kaya sa buong school!" Sabi niya at inismiran ako. Aba! Gaga talaga 'tong babaitang to!

Tumingin ako sa gawi ni Cleo. Medyo malapit siya saamin eh. And what the pakening tape... ANG GWAPO NIYA! LALO NA NGAYON! Kaya kahit suplado 'to, crush na crush ko 'to no!

Sino ba naman hindi magkakagusto sa kanya? He has a deep set of black eyes na pag tinignan mo, malulula ka talaga. It was piercing through your soul. And he has a pointed nose, And kissable lips. Minsan, napapaginipan ko na nagkikiss kami. Hahaha! Ang landi ko diba?

"Huy, tulala ka nanaman. Lapitan mo na para makuntento ka na." Epal na asar ni Rianne. Binatukan ko siya ulit. "Aray! Kanina ka pa ah!" Reklamo niya. " Bleeh! Buti nga sayo! You deserved it!" Asar ko at bumelat. Tinarayan niya ako.

Nang muli ako sumulyap kay Cleo—- shit! Nakatingin siya saakin! Oh my gosshhh!

Agad ako umiwas ng tingin. I felt my cheeks burning. Are you damn insane, Alynna? Paano kung nahalata niya? Damn this life!

"Uy, besh! Pulang-pula ka na. Bakit? Ano meron?" Nagtatakang tanong niya. 'Di ko siya sumagot.

Tumingin siya sa gawi nila Cleo at nag ngiting-aso siya. Hala. Eto naa!

"Ah, kaya pala. Nakatingin sayo si—-," tinakpan ko ang bunganga niya at umalis kami sa canteen.

—————

Nasa room na kami at wala pa din ang Science teacher namin. "Hay... Gusto ko lumipat sa 10-A. Kaso 'di ako ganoon katalino." Malungkot na sabi ko kay Rianne habang paupo na kami sa aming mga upuan.

"Tch. Ako nga, Gusto ko sa 10-C." Sagot niya. Ang klase kasi namin ay 10-D. Ang pinaka mababang section sa buong Grade 10. At alam nyo ba kung ano ang masama? Magugulo kami. Dahil kung may hindi nakikinig, may nagsusuntukan habang nagdidiscuss. Kung may nagsisigawan, may nagkekwentuhan.

Kaya kaunting teacher lang nagtuturo saamin kasi ganun nga. "Hmp! Para lang yun kay Anton." Nagtatampong sabi ko. "Eto naman. Siyempre sasama kita. Walang iwanan." Sabi niya at niyakap ako. Hay... kahit kailan 'di ko magawang magalit dito sa babaitang 'to. Hinug ko din siya.

"Pero gusto ko sa section A." Sabi ko sa pagitan ng yakapan namin. She pulled out. "Ano ba yan? Akala ko ba walang iwanan?" Naiinis na sabi niya. "Edi, sa section B tayo para pantay." At naghug-blues kami.

Nagbukas ang pintuan at nagsiayos kami ng upo. Baka pagalitan kami ni sir. "Guys! Absent si Mr. Monterror!" Sabi ng class president namin na si Elisha. Tawag namin sa Science teacher namin is 'Monterror' kasi terror teacher namin yun. Hindi yun nagaabsent pero isa yatang himala ang nangyari ngayon. I felt relieved but, bakit kaya siya absent? "Huh? Ba't absent si sir?" Tanong ko. "Naaksidente daw si sir. Nahulog sa hagdan." Sagot ni Elisha.

"'Yan kasi. Antanga." Sabi ni Holland. At nagtawanan ang buong klase except for me And Rianne. I felt a little pity for sir. Matanda na siya eh. Baka nabalian siya ng buto.

"Speaking of sir, sino pala ang magtuturo saatin sa Science?" Tanong ni Maddie. "It's either section A or C." Sagot ni Elisha.

Lumingon kami parehas ni Rianne sa mga gawi naamin. "Head!" Sabi niya. Naunahan pa ako. Badtrip. "Okay, fine. Tails." Sabi ko. At binato na niya ang piso. Naghati sa lapag ang piso. Nagkatitigan kami at hinabol ang punyetang pisong papuntang pintuan. Nang makarating kami sa pintuan, bigla itong bumukas. Pumasok ang dalawang lalaki and—— what the fudgeee! It was Cleo And Anton! Ang mga crush namin!

Assume (One-Shot Story)Where stories live. Discover now