Para Lang Po Jan Sa Tabi!

660 26 33
                                    

"Para lang po jan sa tabii!!!!", halos kanina ko pa isinisigaw ang mga katagang yan sa manong drvier na nasakyan ko ngayong umaga. Eh paano ba naman kasi,malapit na akong lumagpas sa talagang bababaan ko. Sabi ko,recto lang ako. Pero ang hinayupak na manong driver na ito,balak pa yata akong ibaba sa mendiola. tss >___<

"Manong,bababa na po ako!!!",naiinis na talaga ako. Hinila ko na ang 'pull strip to stop' niya pero nonsense parin. Pinagtitinginan na ako ng ibang mga pasahero,pero ang manong na dapat makapansin sa akin ay nagmistula paring patay-malisya at patuloy na pinaandar ang sabog na jeep niya ,nasa bandang lepanto na nga kami. Sabog talaga ang term ko dahil nagmistulang disco bar na ang jeep niya sa lakas at dagundong ng monster speakers niya sa loob. Tapos ung mga tugtog niya,err!!! Ang sasakit sa tenga!!! Ung tipong kapanahunan pa nila Victor Wood at Imelda Papin ang mga pinapatugtog niya.  Kahit yata gamitin ko na ang pinagsasama-samang powers nila superman,spiderman,batman,wonderwoman,at kung sinu-sino pang ibang action heroes na may 'man' sa dulo para lang maisigaw sa binging manong driver na ito na sobrang lagpas na ako,wala ring kwenta. Matatalo talaga kami sa mga kaboom speakers ni manong,at siyempre sa sobrang mahina niyang pandinig.  Aish >>___<< 

Ako nga pala si Abigail,18 yrs.old,3rd year college na at....(wala na akong time mag-introduce ng sarili ko!!! sorry guys TT___TT) Kasi naman eh,LATE NA LATE NA LATE NA TALAGA AKO SA SCHOOL!!!!!! Ako pa naman ung first reporter ngayon. hayy :'(( Aabot pa sana ako eh,may 15 mins.grace period naman kasi ang professor namin. Ang kaso,inubos nang lahat ng letsugas na manong driver na ito ang oras ko kakasigaw sa kanya na pababain na ako nito. Whatta life!!!!

Hindi na ako nakapagpigil,umangat ako ng kaunti sa kinauupuan ko para lapitan na si manong sa dulo at kalabitin na. Mga mahadera din kasi ung ibang pasahero,wala din pakialam. TT____TT

Gagawin ko na sana ang plano ko nang bigla akong inunahan ng lalaking nakaupo sa harapan ko. Malakas niyang kinalabog ang bubungan ng jeepney sabay sumigaw na parang galit. "Anak ng tupa't kabayong baka naman manong!!! Kanina pa may bababa eh hindi manlang kayo makaramdam!!!", uminit ang ulo nito. Tinginan naman ang lahat ng pasahero,sabay preno ng binging driver. Hininaan niya ang sound system niyang ubod ng ingay,nakaramdam na rin siya after 48 yrs.!! hahahaha XD

Agad akong napalingon sa harapan ko. 'Anak ng tupa't kabayong bakla ka din..',di ko napigilang ibulalas sa bibig ko. This guy is really devastatingly handsome!!! As in uber duber super to the max handsome. Ung tipong head turner talaga. Sa simpleng uniform niyang suot, litaw na litaw ang pagiging prim and proper niya. Ang neat niyang tignan,mukha pang mabango sa gupit niya at kulay gatas na kulay ng balat..

My  world stopped spinning for a while, bakit ngayon ko lang kasi siya napansin? Eh kanina pa naman kami dito sa jeep na ito. :II

"Are you saying something miss? Wag mo ng gayahin ang litanya ko! Bumaba ka na,your'e gonna be late for school",mahinahon niyang sabi sa akin. Nataranta naman ako bigla,narinig niya yata ung sinabi ko. Nakakahiya naman ako!! At wow ahh,alam niya talagang malalate na ako? What a common instinct we've got kuya. ^___^

"Bumaba kna miss! Kanina atat na atat kang bumaba tapos ngayon ayaw mo naman na?", singit naman ng ibang pasahero. Automatiko na tuloy akong kumilos.I just nod to that super handsome guy who helped me at dali-daling bumaba na ng jeep. Agad namang pinaharurot muli ni manong driver ang mala-disco bar niyang jeepney habang ako'y naiwang nakatulala parin sa gilid ng kalsada sa mendiola. Ung mala-bulkang galit ko na nagbaabdya ng sumabog kanina eh biglang napalitan ng super cloud 9 feeling gawa ng lalaking un na kaharap ko sa jeep.

 "Hindi manlang ako nakapagthank you sa gwapong lalaking un!",napapitik pa ako sa hangin. Ang bilis kasi ng mga pangyayari eh,wala naman siya sa eksena ko kanina tapos bigla namang nakieksena rin. hayayay..I didn't even manage to get his name. :(( Makapasok na nga lang!!!!

Para Lang Po Jan Sa Tabi!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon