Chapter 2:Nathan Cervantes

112 3 2
                                    

Leira's Point Of View

Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na kami ni Xavier sa may radio station kaya nagpasalamat naman ako sa kanya nginitian niya naman ako at hinalikan sa pisngi kaya namula naman ang mukha ko agad naman akong napayuko at umiwas ng tingin sa kanya.

Napansin ko namang bumaba siya ng sasakyan niya at pinagbuksan ako ng pinto at inalalayan bumaba kaya agad naman akong humawak sa kamay niya naramdaman ko namang parang may kuryenteng dumaloy sa katawan ko nung mahawakan ko ang kamay niya.

"Thank you nga pala sa paghatid sakin Xavier,bye"pagpapasalamat ko ulit sa kanya ngumiti naman siya sa akin at nagsalita "No problem sunduin na rin kita mamaya anong oras ba ang out mo?"nakangiting sabi niya sa akin "Nako wag na nakakahiya naman"nahihiyang sagot ko naman sa kanya
"No,I insist baka mapahamak ka pa sa daan"Sabi naman niya "Ok sige 10pm out ko"Sabi ko na lang dahil mapilit siya eh.

Pagkatapos naming mag-usap ni Xavier ay nagpaalam na ako sa kanya at pumasok na sa loob ng radio station, napansin ko namang sinundan niya ako ng tingin bago siya umalis pagpasok ko naman sa radio station ay binati naman ako ni kuya guard kaya ngumiti na lang ako sa kanya.

Habang nasa hallway ako ay binabati naman ako ng mga nakakasalubong kong katrabaho kaya nginingitian ko na lang sila makalipas ang ilang minuto ay nakarating na ako sa may booth nakita ko namang nandito na rin pala ang co-dj ko na si dj gio isang taon lang ang tanda niya sa akin singkit ang mga mata nito at matangkad atsaka maputi rin ito kaya hindi na ako nagtataka kung bakit maraming naghahabol sa kanyang babae pero mas gwapo pa rin si Xavier back to reality na nga nilapitan ko naman siya.

Nang makalapit naman ako sa kanya ay ngumiti naman siya sa akin "Himala ang aga mo yata ngayon"natatawang sabi niya ng makalapit ako sa kanya "Oo nga eh maaga kasi kami pinalabas kanina"Sabi ko naman kaya napatango naman siya at tumingin sa akin ng nang-aasar ano kaya nasa isip nito?

"Sino nga pala yung naghatid sayo kanina? Ikaw ha di ka nagkukwento"nang-aasar niyang sabi kaya agad namang namula ang mukha ko "Ah-eh Yun ba professor ko yun"utal kong sagot napansin ko namang lalong naningkit ang mata ni gio "Ikaw ha Leira wag mo sabihing pumapatol ka sa professor mo? Alam mong bawal yun diba pano na lang yung pag-aaral mo kapag nalaman ng Dean niyo yung relasyon niyo edi mae-expell ka niyan tapos siya mawawalan ng lisensya at trabaho"sermon naman sa akin ni gio at medyo napalakas ang boses.

kaya naman nilapitan kami ni ate Kimberly ang program producer namin "Anong meron bat ka sumisigaw gio?"nagtatakang tanong ni Ate Kimberly"Eh pano kasi ate Kimberly si Leira may naghatid sa kanya dito kanina sa radio station"seryosong sabi ni gio "Omg! Don't tell me na may boyfriend ka na Leira I'm so happy for you"Kinikilig na sabi ni ate Kimberly.

"Tsk! yun nga ate eh mukhang may boyfriend na si Leira and guess what professor niya pa"biglang sabi ni gio kaya nanlaki naman ang Mata ni ate Kimberly at napatingin sa akin "Magpaliwanag ka Leira"seryosong sabi ni ate Kimberly huminga muna ako ng malalim bago nagsalita.

"Bumalik na siya ate"panimula ko agad naman yun naintindihan ni Gio at Ate Kimberly at parehas na gulat na gulat "Kelan pa siya bumalik?"tanong ni ate Kimberly habang si gio naman ay tahimik na nakikinig sa amin ni ate Kimberly "Hindi ko alam ate pero kanina bigla na lang siyang pumasok sa room namin at nagpakilala na bago naming professor"sagot ko naman at napatango naman si Ate Kimberly at nagsalita.

"By the way guys 6pm to 8pm na ang air ng segment niyo starting today"Pag-iiba naman ni Ate Kimberly sa topic kaya napatango naman ako at napatingin sa orasan 1 hour na lang pala magsisimula na kami nagpaalam muna ako sa kanila na pupunta lang sa c.r kinuha ko muna sa bag ko ang pouch ko lagayan ng mga make-up atsaka pumunta sa c.r para mag-retouch.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 16, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MY PROFESSOR IS MY EX-BOYFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon