Simula

16 2 0
                                    

Simula



"Mami-miss ka namin nang sobra, Ma'am Ana!"

"Oo, Ma'am! Dala ka ng pasalubong!"

Ngumiwi ako sa sinabi ng aking mga kasamahan sa trabaho. "Hindi ba parang baliktad? Sa probinsya ako pupunta, hindi sa ibang bansa..."

"Hindi 'no, Ma'am! Tama lang dahil miss na rin namin ang aming mga probinsya!"

Binalingan ko ang isa at tumango naman siya sa sinabi nito.

"Ganoon? Sige, ilista n'yo na lang at baka makalimutan ko," sabay ngiti ko sa kanila.

Ginawa nila ang sinabi ko habang iniaayos ko ang mga gamit ko. Gabi pa ang flight ko pero ngayon na ako uuwi nang makapagpahinga ako nang kaunti at maicheck nang mabuti ang mga inimpake.

Isang linggo ang leave ko. Birthday kasi ng kababata ko. Siya ang nagsuggest na gawin kong isang linggo ang leave sa trabaho para makapagbonding daw kami nang mas mahaba. Sumang-ayon na lang ako dahil iyon din naman ang gusto ko. We've been too far away from each other for too long.

The last time I saw her was five years ago. Noong nagbakasyon sila rito ng pamilya niya. Pero isang araw lang iyon. May mga kumustahan naman kami kaya updated pa rin kami sa isa't isa, pero iba pa rin talaga iyong nakakasama siya.

Especially since before that day, the last time I bonded with her was twelve years ago. The day before we moved here.

"Ingat, Ma'am Ana!"

Nginitian ko lang ang guard na bumati at dali-daling nagpunta sa kotse.

I looked at my watch and felt relieved. Tama lang ang alis ko para masabi nilang maaga ako.

I played some music and immediately relaxed as I drove my way to my parents' house.

Twenty minutes later, I arrived. Ngumiti ako at bumuntong-hininga habang inaayos ang damit pagkalabas ng kotse. I'm sure they'll understand why I'm still in my work clothes.

"Did you wait for me?" I asked my older brother, grinning, when I spotted him alone on our porch.

Agad niya akong tinalikuran at naglakad papasok sa bahay.

"Don't assume things, Maiah," malakas na sabi niya.

"Anastasia," I heard Mama correct my brother.

Nakangiti akong pumasok at nakita agad ang mga kapatid ko na nanonood ng TV. Si Mama naman ay nahanap ko sa kusina nang igala ko ang paningin ko.

She smiled too as she spotted me.

"Ikaw lang ang naghahanda, Ma?"

"Yup, Ana. Day off sila..." she explained, pertaining to our house helpers.

"Oh," tumatango-tangong sabi ko.

Aziel, my older brother, sighed heavily before standing up. Dumiretso siya kay Mama at tinulungan itong ilipat ang mga inihanda sa aming dining area.

"Kenji, you brat..." I whispered to myself while walking towards my younger brother.

Masungit niya akong binalingan. "You're here?"

I mocked him in my mind. Nang hindi ako kumibo ay kinuha niya ang hand bag ko at inilapag iyon sa tabi niya na uupuan ko.

Ngumiwi ako. "Thanks."

"That's all?"

"Ano ba dapat ang sabihin ko?" sabay baling ko sa TV.

"I don't know, hug me?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 27, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Greater than MaybesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon