Prologue

21 0 0
                                    


MADILIM AT MAINGAY, tanging iyak ko lamang ang aking naririnig. Gusto kong tumakbo pero hindi ko na kaya.. masyado na 'kong pagod katatakbo mula pa kanina. Kung sino ang humahabol sa akin ay hindi ko alam, wala na akong maalala magmula nang ako'y magising.

My mind is clouded of fear and I can only think of running and escaping because I can't trust anybody. The street is unbelievably empty even though I can hear loud voices that seems to be hunting me.

Humakbang ako paatras at napakamalas ko na yata para mahulog pa sa isang kanal na walang tubig pero ubod ng dumi.

Nasaan ako?

Paulit-ulit na tanong sa kaloob-looban ng isip ko.

Tumingin ako sa aking paligid.. mahirap paniwalaang madilim lang sa kalyeng aking kinaroroonan pero sa pakiramdam ko ay nasusunog ang kapaligiran. Tila nakatatak sa aking isipan na tumakas, tumakas sa mga humahabol sa akin, tumakas sa mga nagtatangkang pumatay sa akin, tumakas para mabuhay. Napakadilim.. humahalo lamang iyon sa takot na nararamdaman ko. Gusto kong tumakbo pero hindi ko alam kung saan ako tutungo, at 'di na rin kaya ng aking mga tuhod.

Habol ang hiningang sumandal ako sa poste na pinakamalpit sa 'kin.. napahawak ako sa ulo ko na parang mabibiyak sa sobrang sakit. Tagaktak din ang pawis na namumuo sa aking noo pero ang tanging nakatatak sa isip ko ay tumakas at tumakbo, ngunit hindi ko rin alam kung sinong humahabol sa akin o kung may humahabol nga ba?

Mababaliw na ako sa kaiisip pero bigla akong nanigas sa aking kinatatayuan nang may humawak sa aking braso.

Unti-unti akong lumingon at ang aking nakita ay halos nagpatigil sa aking paghinga. Nanlaki ang aking mga mata.

Ramdam na ramdam ko ang lamig ng dulo ng baril na nakatutok sa aking sentido.

Nanatili akong nakatayo at pilit na kinakalma ang sarili pero sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

"Kanina ka pa namin hinahanap.." sambit ng lalaki na hindi ko makilalanan ang boses ngunit natitiyak ko na ito na ang tatapos sa buhay ko.

Hinablot ng lalaking iyon ang aking braso at itinutok sa aking noo ang baril na noo'y nakatutok sa aking sentido.

Nakarinig ako ng malakas na putok ng baril at nagdilim ang aking paningin.. wala na 'kong maalala pagkatpos dahil unti-unti na akong nawawalan ng malay.

Hanggang sa...

"Vrelle!"

Napabalikwas ako ng bangon at tumingin sa paligid.

Nasa school clinic ako.

Napakabilis ng tibok ng puso ko at tagaktak din ang pawis, sobrang sakit din ng ulo ko at tila namamanhid ang tuhod ko.

Panaginip lang naman iyon ngunit bakit parang totoo? Ramdam na ramdam ko lahat ng sakit na naramdaman ko sa aking panaginip.

Muli kong inilibot ang aking tingin at kinumpirmang nasa school clinic nga ako. Sa aking kanan ay nakaupo si Hermit na bakas ang pag-alala sa mukha, napayuko naman ako.

Sa aking kaliwa ay ang school nurse. "You passed out earlier at the field, your classmates brought you here at kararating pa lang ni Hermit."

Naalala ko namang P.E. nga pala namin dahil naka-P.E. uniform pa ako.

Napatingin naman ako sa direksyon ni Hermit.

"Sana 'di ka na nag-abala." Nakangiting tugon ko ngunit bakas ang hiya sa aking tono. "Maaari ka naman ng bumalik sa clasaroom n'yo. Nakaaabala siguro ako dahil baka may klase ka pa.. pero salamat pa rin."

"Para namang magagawa ko 'yon." Masungit nyang tugon.

Alam kong nag-aalala siya kaya siya nagkakaganyan. Pero hindi ko magawang ituon doon ang aking atensyon..

Muli kong naalala ang napanaginipan ko. Bakit kailangang mapanaginipan ko 'yon parati?

Gayon pa man ay isinawalang bahala ko na lamang at tumayo na.

"Tara na, ihahatid na kita sa room mo. Kailangan ko na rin bumalik sa room, ayaw kong may ma-miss na subject." Pangyayaya ko kay Hermit.

"I can't believe na hanggang sa school ay binabangungot ka.. sana ay nagpahinga ka muna sa school clinic." Aniya.

"I'm okay." Ngumiti ako sa kaniya. " It's just a nightmare."

Nanlamig muli ang katawan ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 28, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Darkest NightmareWhere stories live. Discover now