Kabanata 1

18 1 0
                                    



[FRED]

LUMAKI AKONG walang kasama sa buhay. Mahirap, mag-isa, kaawa-awa— ‘yan ang tingin sa ‘kin ng lahat. Akala nila malungkot at mahirap maging mag-isa pero sa totoo lang, mas masaya. Wala akong mga magulang— napatay ko sila noong labing-apat na taong gulang ako.

Nakakagulat, oo. Ni hindi nga rin ako makapaniwala na kaya kong gawin ‘yung gano’ng bagay kasi pinalaki ako ng mga magulang ko na laging nagsisimba at may respeto pero siguro, tama nga sila. Wala ‘yan sa kung paano ka pinalaki, nasa sa iyo ‘yan kung paano mo tatanggapin ‘yung pagpapalaki at paghubog na ginagawa sa ‘yo.

Nalaman nila na nakabuntis ako pero ang mas malala pa, pinalaglag pa nila ‘yung bata kay Annie— babaeng nabuntis ko na kaklase ko rin. Nagkaroon ng inuman noon kaming magkakaklase dahil nga birthday ng president namin. Pumayag naman si mama kaya sumama na ‘ko. Shot dito, shot doon. Hanggang sa nagkanda-lasingan na lahat at doon na nagsimula.

Sa huli, nalaman na buntis si Annie at ako ang ama.

Galit na galit si Mama lalo na si Papa, umabot pa sa punto na pinagbu-bugbog niya ko’t ‘di pinakain kaya noong nalaman ko na pinalaglag nila ‘yung magiging anak ko sana, sa sobrang galit ko, napatay ko sila.

Dahil wala namang nakaalam, tumakas ako. Sampung taon na ang nakalilipas magmula nang mangyari ang krimen na ‘yon. Sa murang edad na kinse anyos, naghanap ako ng trabaho sa lugar na malayo sa dati kong tinitirhan. Kinuha ko lahat ng perang pwedeng makuha bago ako tumakas para mabuhay kahit papaano.

“Boss, mani?” tanong sa ‘kin ng lalaking nagtitinda ng mani, tubig at iba pa. Nakalagay ang mga tinda niya sa basket na natatakpan ng plastic na medyo mamasa-masa dahil na rin siguro mula sa inilalabas na init ng mga tinda niya.

Umiling ako saka siya lumipat sa ibang pasahero habang bitbit pa rin ang tinda niya. Sakto lang ang pera ko ngayong araw dahil ‘di ko naman dinala lahat. ‘Di ako mayaman, may kaya lang kaya nagtitipid pa rin ako.

Huminto ang bus sa isang terminal saka nagbababaan ang ibang pasahero dala ang mga gamit nila. Dito na siguro ‘yun. Sa pagkakatanda ko, dito ang sinabi sa ‘kin ni Aling Simang na lugar na pagsusunduan niya sa ‘kin.

Hinintay ko munang makababa ang halos lahat ng pasahero para iwas siksikan pag bumaba na ‘ko. Nang tatatlo o dadalawa nalang kaming nga pasahero na natira sa bus, tumayo na ‘ko mula sa kinauupuan ko dala ang mga gamit ko saka ako bumaba.

Inikot ko ang mata ko, umaaasang makikita ko sila Aling Simang na naghihintay pero wala. Nagulat nalang ako nang may lumapit sa ‘king takatak boy saka niya tinuro ang tricycle na nasa gilid ng terminal.

“Boss! Sakay ka na do’n oh!” saad ng takatak boy saka niya tinuro ang tricycle na bakante pa at walang laman. Ngumiti naman ako sa kan’ya saka ko siya inabutan ng bente pesos bilang pasasalamat.

Lumapit ako sa tricycle kahit nagsisiksikan at nagkakanda-banggaan na kaming lahat na nandito sa loob ng terminal. Nang marating ko ang tricycle, ngumisi ang tricycle driver saka niya tinapon ang sigarilyong hinihithit niya kanina lang.

“Saan tayo, pre?” tanong sa ‘kin ng tricycle driver. Lumingon ako sa paligid dahil baka makita ko si Aling Simang pero nang ‘di ko siya makita ay bumuntong-hininga ako saka ako bumalik ng tingin sa tricycle driver, “Kaya ba nito sa Baryo Sevilla?” tanong ko nang nakakunot ang noo saka ko pinunasan ang pawis mula sa mukha ko gamit ang panyo na dala ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 25, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Baby Cemetery (hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon