WARNING⚠️FOUL WORDS AHEAD⚠️
Chapter 20
"Bitaw!" Sigaw ko sabay alis ng kamay nito sa kamay ko.
Dahilan para huminto ito.
"Don't tell me you want to join them?" Asar nitong tanong sa akin.
"Bakit ako makikigulo sa kanila? Aawatin ko sila! Aawatin" inis kong paliwanag kahit wala naman dapat akong ipaliwanag sa isang to.
"Are you kidding me?! You're going to stop them by yourself? Sa tingin mo makikinig sila sayo?" Lalong nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya.
Minamaliit ba niya ako?
Ang kapal ng mukha nito
"Minamaliit mo ba ang isang tulad ko dahil babae ako? Letse, nasaan ang gender equality don?!" Nanlaki naman ang mata nito sa sinagot ko para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko.
"What!? It never crossed my mind!"
"Huwag mo akong gawing tanga, alam ko ang gusto mong iparating" bakas na ang iritasyon sa mukha ko.
Ang pinaka ayoko sa lahat ay ang maliitin ang isang tulad ko dahil babae lang ako
Hindi ako basta babae lang
Yung inis na naramdaman ko ay tila ba unti unti naglaho nang makita ko ang ekspresyon ng mukha nito.
Para itong batang pinagaakusahan na may ginawang masama
Napasinghap ako nang bigla tumingin ito sa mata ko, basang basa ko ang emosyon sa mga mata nito.
"Look, I didn't mean it that way. I didn't want you to feel belittle or what, you're a great woman and you don't deserve such words like those, I'm sorry"
Hindi ako makapag salita
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko
Para akong na-blangko
Dahil...
Dahil alam ng kabilang parte ng utak ko na walang mali sa sinabi nito
Sa kaniya ko naibuntong ang inis ko
Masyado akong napadala sa emosyon ko
Nakakahiya mang aminin pero mali ako
"S-sorry rin" mula sa nangungusap na mukha muli itong bumalik sa maaliwalas nitong mukha.
Nakangiti ito habang nakalahad ang kamay niya sakin
"Para san yan?" Siya na mismo ang kumuha sa kamay ko at hinawakan ito.
"Alam ko namang kaya mo na but you still need someone on your side and that someone is me. Kaya babalik tayo don at aawatin sila nang tayong dalawa, okay?" nakangiti pa rin nitong sabi. Hindi ba siya napapagod ngumiti?
"Kaya kong bumalik nang hindi humahawak sa kamay mo kaya bitaw."
Pumalatak ito ng tawa bago bitawan ang kamay ko.
"Chill"
Muli ko itong tinitigan bago unahan ito sa paglalakad.
Kailangan ko na palang mag madali
Baka kung ano na ang nangyari sa mga yon.
At tulad ng inaasahan
Nagkakagulo pa rin silang lahat, hindi pa rin sila humihinto
Kung may nabago man ay yun ang itsura nila, puro bangas na ang mukha ng bawat isa. Napakamot nalangako sa ulo ko habang naglalakad palapit sa pwesto nilang lahat.
BINABASA MO ANG
Pricess Charming (ON-HOLD)
Teen FictionHindi siya tulad ng iba Maraming nalilito sa pagkatao niya Mapababae o lalaki ay nagugustuhan siya She will never be your damsel in distress But She can be your PRINCESS CHARMING That will charm your heart in any possible way Do you want to know he...