I Like You As A Friend

10 6 0
                                    

    Tinignan ko siya na ngumingiti while I walked down the aisle. Parang kahapon lang nung nagkita kami tapos naging magkaibigan.

____________________________________

“Miss Luna Skyla Samuels, this is Eriksson Diaz, please be nice to him” sabi ng teacher sa'kin. Napataas ang kilay ko nung tinignan kong nakangiti si Eriksson. “Hello, I'm Eriksson” ngiti niya sa'kin. “Kakasabi nga lang ni Ma'am pangalan mo e, uulitin mo pa,” pagtaray ko sa kanya. “Sungit mo naman Sky” sagot nito sa'kin. “Edi masungit, alam ko naman yon e at wag mo ko tatawaging Sky” I crossed my arms then walked away. “Ingat ka Miss Sungit,” sabi niya sa'kin. “Di ko yan kailangan, hmp” pagsagot ko. “Ayaw mo? Edi wag” nakakairita naman siya. I don't really like people, in fact, I hate people. I hate the fact na they'll leave you all alone as soon as the time's up.

   
     Nagtataka ako kung bakit napakasungit ko nung maliit ako, pero kahit na naging masungit at masama ako, tinulungan parin ako ni Eriksson nung time na umiiyak ako.

“Miss Sungit, bakit ka naiyak?” tanong niya sa'kin. “Bakit ka nandito? Dun ka nga” pinahiran ko mga luha ko. “Ako una nagtanong Miss Sungit” napaiyak lang ako lalo nung naisip ko yung nangyari. “Hoy, bakit ka naiyak?” tanong nito at pinuntahan ako para yakapin. “Si mama at papa kasi” iyak ko lalo. “Tahan na Miss Sungit” sabi niya habang hinahaplos ang buhok ko. “S-sabi ni p-papa na iiwan niya na daw si mama” sabi ko habang naiyak. “Tapos sabi ni-nila di nila ako kukunin kasi ang s-sama ko daw” umiyak ako lalo habang mga luha ko ay napapapunta na sa damit ni Erikkson. “Wag ka ng umiyak Miss Sungit, pwede ka tumira sa bahay ko pag ayaw ka nila” nginitian niya ko habang pinahiran niya mga luha ko.

    Simula ng araw na yon, we were like two peas in a pod, lagi magkasama, lagi naghahati, at lagi pinagtatanggol ang isa't isa.

“Alam mo, ang swerte swerte ko sayo!” sabi ko kay Erikkson. “Ako rin naman e, lagi ka nandiyan para sa'kin at kundi sa lahat, ginagawan mo ko lagi ng sandwich” napatawa ako. “Dahil diyan, magkakaron tayo ng sandwich party!” sigaw ko ng tumatawa

    
     'Di ko namalayan na simula ng araw na naging magkaibigan kami, nahulog na pala ako para sa kanya. Akala ko kung ano lang yung nararamdaman ko, pero yun pala pagibig na. Tumindi lang lalo nung nag-high school kami.

“Sky! May kwento ako sa'yo” tinignan ko si Erik ng nakataas kaliwa kong kilay. “At ano na naman yan? Pag yan kalokohan na naman mababatokan kita” tumawa siya sa'kin. “I feel na may crush na 'ko. Liligawan ko na ba siya o tingin mo wala akong pag-asa?” tanong niya. Bigla akong nalungkot sa sinabi niya, pero tinaas ko lang kilay ko. “Sino ba siya ha?” tanong ko ng mataray. “Ito naman, ba't ka galit?” tanong niya. “Ako una nagtanong Erik” pinatanda ko. “Si Rosabella Noleal sa Section 9,” napatawa ako. “Hala, sa Section 9? E mabababa grades ng nasa section na 'yon ah” bigla nagalit mukha niya. “Yun lang kasi may available na slot. Transferee yon, plus walang bobo sa mundo Sky” sabi niya. “Wala naman ako sinabi na bobo ah, sinabi ko lang na mabababa grades nila” pagsagot ko ng mataray at galit. “Hala, porket transferee galit na galit ka?” tanong niya. “I just don't get the point. Just because she's a new face, you like her already? Tawag diyan karupukan” nirolyo niya mga mata niya. “Di mo pa kasi siya gaano kilala” I sighed, “Well, kilala mo na rin ba siya ng buong buo?” tanong ko. “Di pa buong buo, kaya kikilalanin ko muna siya. Parang ikaw, kinilala muna kita bago kita i-judge. So please, don't judge her agad-agad” napangiti siya sa'kin. “Sige na nga. Pero pag yon masama, 'di kita papayagan ligawan yon” sabi ko. “Opo mama” tumawa siya, napatawa rin ako sa tawa niya.

“Hoy, meron mag-haharana sa quadrangle” sigaw ng aking kaklase na nasa pintuan. “Hala, sino?” tanong ng isa kong kaklase. “Halika, nandon siya sa quadrangle” takbo niya. “Ooh, sino kaya yan?” tanong ni Erik.

I Like You As A FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon