The thin line between Exes

383 7 2
                                    

"It's a romcom . Bakit kailangan ng carcrash?" tanong ni Dylan sa akin mag-kasalubong ang kanyang kilay at tinignan ako ng parang sinasabing ang weirdo ko. Hawak-hawak niya parin sa kanyang mga kamay ang sinulatan kong notebook na puno ng mga kwento ko sa draft. Sa kanya ako nag pakunsulta. He knows something about writing at nag-publish na siya ng book niya. Hindi ko nga alam kung paano naging author itong lalaking ito eh. Nung boyfriend ko ito sa pagkakaalam ko di naman siya pala sulat ni hindi ko nga siya nag-bigay ng isang tula para sa akin. Nagulat nalang ako na he writes books. Wala talaga sa itsura niya, and buhok niya ay nakahawi parang katulad ng sa actor na si Jensen Ackles pananamit niya rin hindi halata.

"Plot..." pag-rarason ko habang humithit siya uli sa sigarilyo niya at nagpaalam sa mga kabarkada niya. "It's also art..." Habang naglakad kami sa sunset paalis ng campus. "You know when the guy or the girl's love team comes worried that person will say this isn't a romantic film that I'll die then says I'm okay. Or a funny dialogue something like that" He rolled his eyes dahil sa pagrarason ko napatingin nalang ako sa sarili kong sapatos na marami nang pinag-daanan kagaya ni Dylan pero unlike ng sapatos ko he still looks gorgeous.

"You're unbelievable, Lisa" He chuckles at tumingin ako sa kanya. He still have the same dimples underneath his chiseled face. Ang tagal ko narin hindi nakikita sa kanyang mukha. Adorable naman ni si Dylan kahit kailan. Tinanggal ko sa isipan ko ang mga salitang iyon at nag-focus sa pakikipag-usap tungkol sa story ko.

"Not gonna Nicolas Sparks this thing in here." he laughs, again. Again. Nagbukas muli siya ng isa pang pahina at nag-basa. His brown eyes staring at my writing.

"Hey. Why don't we stop here muna?" sabay tingin sa arcade place na malapit lang sa school namin. Pinatay niya ang nakasinding sigarilyo nya at tinapon iyon sa malapit na basurahan

"Really? Eh di mo na mababasa lahat ng yan! Paano yung comment mo sa works ko. Tsaka diba sa computer games ka magaling?"

"Nabasa ko na lahat." pinakita niya ang blankong papel sa notebook ko. Kung gayon natapos nga niya! "hindi lang ako sa pc game magaling, sa mobile phone, sports..." Binuksan niya yung pinto at naunang pumasok. "at magaling din ako sa ibang bagay..." tinignan ako na parang may laman ang sinabi niya na something stupid kaya napafrown ako sa sinabi niyang iyon at pumasok ako sa loob. "Mag-paikot ng tao?"He shrugs my comment off his shoulders and he continued walking. Maririnig ang maiingay na tunog ng arcade games na nasa paligid namin. Pumunta kaagad siya sa counter at nagload ng card niyang pang-arcade.

"Ikaw yung card mo?"

"Di ako nag-aarcade remember."Muli kong paalala sa kanya. It's been a while nang lumabas kaming dalawa as mag-kakilala or in his view that he says, friends.

"Well, you're now going with me. Maglalaro tayo." Binilhan niya ako ng card at nilagyan ng points para makapag-laro.

"Hoy-"

"Wag ka nang maangal. Pan laro lang to di naman credit card." nakaalis na kami sa counter at nag-smirk siya sa akin dahil sa pag-aangal ko. "Besides mukha kang stressed diyan sa pinag-susulat mo."

"Okay, mister ilulugar lang kita sa posisyon mo bilang kakilala ko-"

"-correction kaibigan"

"Okay. fine. Kaibigan."

"-Ex na kaibigan."

"ok, ex na kaibigan" huminga ako ng malalim dahil yung pasensya na meron ako kaunti nalang.

"-correction ex na kaibigan na kilalang kilala kita"

"Fck it! You do not need to pay for that na hindi ko naman magagamit!"

Bakit Hindi Naging TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon