One Shot

40 5 0
                                    

Jeuny says: Dedicated po 'to sa isang best friend ko. Hindi ko din alam kung may wattpad account ba siya o wala. To Odyssa Gone, wala, I miss you lang.

_____💭_____

My Basketball Player Crush

"Gonzales hawak ang bola. Ipinasa kay Saavedra, idinribol. Ipinasa ulit kay Gonzales, tumira ng tres..." Halos lahat kami ay nakasunod lamang ang tingin sa lumilipad na bola. "Pasok!"

Dumagundong sa loob ng covered court ang hiyawan ng mga tao. Pero mas nangingibabaw yata ang tilian ng mga babae na hayok sa mga gwapo at magagaling na basketbolista.

Ano pa nga ba ang bago do'n?

Napatakip ako sa tainga ko dahil sa rindi. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Kaya ayaw ko sanang manuod ng liga, e. Masisira eardrums ko. Kamalas-malasan nga lang at nagkaroon ako ng pinsan na hindi titigil hangga't hindi ka napapa-'oo'. Mapilit. Wala akong magagawa dahil manlalaro din naman sila ng basketbol.

Supportive pinsan daw kumbaga.

"Uy, Odyssa. Baka malusaw 'yang si Christopher sa titig mo. Crush mo 'no?" tudyo ng isang pinsan ko. Si Apple.

"Hindi ko crush 'yan," pagtanggi ko at umiwas ng tingin sa kaniya.

Hindi ako mahilig sa mga lalakeng basketbolista. Bukod sa madaming nagkakagusto, babaero. Pero heto ako ngayon, nagiging ipokrita. Nahipnotismo sa lalakeng naka-jersey number eleven, three-point shooter Gonzales.

Nakuha niya talaga ang atensyon ko. Ang pulido niyang tumira ng three-points. Walang mintis. Atsaka, bukod sa magaling ito sa basketbol, gwapo din ito. Halos nga sa kababaihan dito ay apelyido niya ang sinisigaw. Pala-kaibigan ang kaniyang mukha. Hindi mayabang kapag nakakapuntos, 'di tulad ng iba.

"Asus, deny pa, Odyssa." Marahan niyang binangga ang balikat sa 'kin. Nang-aasar.

"Okay fine. Ang galing niya kasi mag-shoot ng bola."

"Sa sobrang galing niya, naka-shoot na din siya diyan sa puso mo." Tumili ito sabay sundot sa tagiliran ko. Blanko ko lamang siyang tinignan. "Ay, hindi nakiliti. Hindi ka na virgin 'no?"

Nanlalaki ang mata kong napatingin sa kaniya. "Kaloka ka Apple! Hindi lang nakiliti, hindi na agad birhen?"

"Iyan 'yung sinasabi nila, e." Nagkibit-balikat.

"Ngayon ko pa nalaman na nasa tagiliran na pala ang pekpek." Umirap ako. Sinong nagpakalat nun? Fake news.

Namula ang pisngi niya at hinampas ako sa braso. "Bibig mo talaga, Odyssa! Sana naman ay gumamit ka ng ibang term. Like, 'kabebe' gano'n!"

"Huh? 'Term' 'term' ka pa diyan. Pwede naman na diretsuhin." Mahina akong napatawa. "Atsaka Apple, makapal ang taba ko dahil sa bilbil. Hindi agad ako makikiliti."

Napalingon ulit ako sa gitna ng court. Tapos na pala ang game. Panalo ang barangay namin -- I mean, barangay ng pinsan ko. Dayo lamang ako dito. Nagbabakasyon. Dumako ang tingin ko kay Gonzales na kasalukuyan na pinapalibutan na ng mga nagagandahan at sexy na babae.

Hindi ko mapigilan na hindi makaramdam ng pagka-inggit sa mga ito. Ang gaganda naman kasi ng mga katawan. Halata ang kurbada dahil sa sexy na suot. Pasado bilang modelo.

Ako? Pasado din naman na maging modelo. Pig endorsement nga lang. Alam kong hard. Magkaroon ba naman ng kaibigan na pranka. Sampal na sampal na sa matatambok kong pisngi ang katotohanan.

My Basketball Player Crush [Completed✔️]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon