AIA: HAPPY NEW YEAR

25 3 0
                                    

"Patingin ako, Ada!"


I handed Shea my new sketchpad. Recently, I've developed this weird idea of drawing anything. I didn't know I had talent because I'm actually more like my mother than my father who's artistic. Kung hindi pa ako naaabutan ni Ate Celia na gumuguhit sa kwarto kapag walang pasok ay hindi pa niya maiisip na magaling ako sa kahit anong tungkol sa arts.


I didn't knew I had it in me too.


"Ang ganda naman nito!" turo niya sa isang bahay na ini-sketch ko noong nakaraang weekend. After buying a new sketchpad, replacing the old one, iyon agad ang naisipan kong i-guhit. I have no idea why. Maybe I was just fascinated to draw a house, sharing the fragments of my idea for a home that I want to build in the future.


She clasped her hands in front of me, "I-drawing mo rin ako! Gusto ko yung malaki tsaka medyo malawak. May garden, pati yung bubong flat!" she giggled,


"Sure!"


It's already December at sa susunod na linggo na ang final exams namin. Pagkatapos noon ay bakasyon na, mayroon pa atang Christmas Party pero napag-usapan na namin nina Shea at Elon na huwag nang umattend.


For me, it's because I'm not in the mood to attend a party. Para kay Elon at Shea ay dahil may mga plano na ang mga magulang nila para sa Christmas vacation at pagkatapos na pagkatapos ng exam ay ang mga flight nila. Mama and I planned for a Christmas vacation too, I wanted to visit Hongkong so they agreed to spend our Christmas and New Year in Hongkong!


Elon arrived at our table at mabilis na sinabi ni Shea sa kanya ang mga nakita sa loob ng sketchpad ko, halos matawa ako nang makita ang naririnding mukha ni Elon sa ingay ni Shea. I just grabbed the fruit shake he bought for the three of us and sipped it while watching them.


Naupo sa tabi ko si Elon habang busy si Shea sa pagguhit sa sketchpad ko, she asked for a pencil a while ago kaya binigay ko sa kanya ang mechanical pencil na nakuha ko pa sa mga gamit ni Papa. "You're drawing?" Elon asked,


Tumango ako bago ibinaba ang fruit shake sa lamesa, "Bored ako kapag weekends, bihira rin kami umalis eh."


Which is true, kung noon ay madalas lagi kaming may bonding sa mall o ibang lugar ay ibahin iyon nitong mga nakaraan. Sa bahay lang ako palagi, kung hindi manonood ng mga palabas sa telebisyon ay natutulog naman ako. Sina Mama at Papa lang ang madalas na nalabas para mag-asikaso sa negosyo.


I looked at Elon, who's talking to Shea right now, will I get an answer if I asked? Wala namang mawawala kung itatanong ko..


"Elon.." I called him, sumulyap siya sa akin at kita ang pagtatanong ng mga mata. "Do you have news about our company or the business itself?"


Why am I doubting my parents?


He tilted his head like he's not sure with my question, nakita ko pa kung paano siya malito. "What do you mean?"


"Kung may naririnig ka tungkol sa kompanya namin, I'm sure your parents are telling you some of those.."


Lumalim ang tingin niya sa akin bago umiling, "None that I've heard.. ang alam ko lang ay naka-lie low kayo sa pagdidistribute ng mga materyales kaya hindi kayo gaanong konektado sa shipping."


Tumango ako at hindi na nag-abala pang magtanong ulit. Siguro nga dala lang ito ng mga pag-iisip ko. Maybe our company's not having a problem. Huli kong rinig ay matagumpay ang naging deal ni Papa sa bagong bigating investor kaya baka ako lang talaga ang nag-iisip noon. Busy lang siguro talaga sila.


An Idyll Affair [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon