Third Person
"Ikaw!?Adrian?"Halos sumabog ang puso ni Sandy nang makita si Adrian.
Sa loob loob niya namiss niya ang lalaking kaharap subalit nanaig pa rin ang galit nito sa lalaki."Sino paba sa tingin mo Ms.Rodriguez?o Mrs. Dela Fuentes?"mariin at may halong galit na sabi ni Adrian.
"Why are you here?"pag iiwas na sabi ni Sandy.
"Hinahanap ko si Engineer M.."
"Engineer Mendoza"di na naituloy ni Sandy ang sasabihin dahil biglang nagsalita si Gab mula sa likuran nila.
"Ikaw si Engineer Mendoza?"takang takang tanong ni Sandy.
"Yes Ms.Rodriguez,"nakangiting sabi ni Adrian na parang inaasar pa si Sandy na siya naman ikinainis ng dalaga.
"Mabuti naman po nagkita na kayo ni Mam Sandy.Sige po mauna na po ako.Bukas nalang po ulit."paalam ni Gab.
Pareho naman tinanguan lang ng dalawa si Gab at umalis na ito.Halos sumabog naman ang puso ni Sandy dahil sa bilis ng tibok nito ng malamang si Adrian ang Engineer Mendoza at makikita niya ito araw araw.
"Hindi maaari to!Sasabihin ko kay tito na iba nalang kunin!"galit na sabi ni Sandy.
"You know what?E si tito Alfonso pa nga ang kumimbinsi sakin na ako ang ihired dito dahil may tiwala daw siya sakin.So its up to you,kausapin mo siya.If makukumbinsi mo siya."Nakangiti pang sabi ng binata.
"A-a-ah!Basta kakausapin ko si tito,"sigaw ng dalaga.
Mabilis naman naglakad si Sandy papalayo sa kinaroroonan ni Adrian dahil talagang pakiramdam niya inaasar na siya nito at di na rin kayang makita pa ang lalaki.
Malapit na siya sa labasan ng bigla ulit may humila sa kanya at niyakap siya.si Adrian.
"I miss you so much Sandy,"sabi ni Adrian.
"Bitawan mo ako!"pagpupumiglas ng dalaga.
"Don't touch me!How dare you!"sabay sampal ng dalaga kay Adrian.
"Bakit dahil may mahal ka ng iba!?si Nathan diba?Kasingyaman na rin niya ako Sandy!"galit na sabi ng binata.
"I don't care kung mayaman ka man o hindi Adrian.Layuan mo na ako!"galit na galit rin sabi ni Sandy.
"Mahal mo ba siya?"
"Wala ka ng pakialam dun!"sabi ni Sandy.
"Bakit mo ako iniwan?Dahil ba hindi ko kayang ibigay sayo dati yung mga kayang ibigay ni Nathan?"mahinahon na sabi ni Adrian pero ramdam mo pa rin ang galit.
"Pak!"malakas na sampal ulit ang umalingawngaw sa building.
"Kung yan ang gusto mong isipin!Bahala ka!Wala akong pakialam at hindi ko kailangan magpaliwanag sayo!"galit na galit pa rin wika ng dalaga.
"Itanong mo sa sarili mo kung bakit kita iniwan,"pagpapatuloy ni Sandy.
Halos sumabog na si Sandy sa sobrang galit dahil sa mga pinagsasabi sa kanya ni Adrian."Alam mo bang halos patayin ko na sarili ko nung mawala ka.Ni hindi ko alam ko kung bakit mo ako iniwan.Umasa ako na babalikan mo pa rin ako.Dahil baka lang gusto mong mapag isa pero nung nalaman kung kasama mo yung taksil kong kaibigan halos madurog ang puso ko.Pinagpalit mo ako sa kanya!"umiiyak na sabi ni Adrian.
Natigilan si Sandy sa sinabi ni Adrian lalo na ng makita niya itong lumuluha.Gusto niya itong lapitan pero pinilit pa rin niyang pinigilan ang sarili.Aminado siya na sobra ang galit niya dito ngunit di niya maitatanggi na kahit papano ay may puwang pa rin si Adrian sa puso niya.
"Tumigil kana Adrian!Kalimutan na muna kung ano man meron satin noon.Matagal na yun,"sabi ni Sandy na pigil na pigil pa rin sa sarili na lumapit kay Adrian dahil pakiramdam niya parang may humihila sa kanya papalapit kay Adrian.
"Sandy!bakit nangyari satin to?Bakit mo ako niloko?"pasigaw ba sabi ng lalaki ngunit may luha pa rin sa mga mata nito.
Hindi na makayanan ni Sandy ang mga pinagsasabi ni Adrian at hindi niya na rin makaya na lumuluha ang lalaki.
Dapat galit siya yun ang naiisip ni Sandy.Pero mula ng makita niya ulit kanina ang binata parang bumalik ang pagmamahal niya dito na hindi naman dapat.Dahil sinaktan at niloko siya nito.
Kaya naman naglakad na siya papalayo sa lalaki kahit na nasasaktan siya.Gusto niyang umiyak pero kailangan niyang maging malakas.Dahil yun ang sinumpa niya bago pa man siya makauwe ng Pilipinas.Nagsalita ulit ang lalaki ng medyo malayo layo na siya.Kaya natigilan ulit si Sandy sa paglalakad.
"Gusto kong malaman kung bakit?"pangungulit ng lalaki.Lalapit sana ulit ang lalaki para yakapin ang dalaga ng biglang may magsalita mula sa likuran nila.
"Sandy,"si Nathan
Lumapit naman agad si Sandy kay Nathan nang makita niya ito.
Bakas na bakas naman sa mukha ng dalawang binata ang galit at parehong nakatingin sa isa't isa na parang nagsusukatan ng tingin.
Si Adrian ang unang bumawi ng tingin."So welcome back bestfriend!"may diin na sabi ni Adrian.
"Thank you bestfriend!"madiin din sabi ni Nathan.
"So what are you doing here bestfriend?"tanong ni Nathan.
"Im Engineer Mendoza,"sabi ni Adrian na kung kanina umiiyak ngayon naman e parang nang aasar ng makita si Nathan.
"What?"
Unedited!!
Hope you like it guys!!!
®2015
©simplegirl_002💞💋
BINABASA MO ANG
I Still Love You (Slow Update)
Romance"I hate to think of the Fact.. That after all the things.. You've put me through.." *I Still Love You *>3 Book Cover by: searchandrescue