Chapter 1 - Start

67 4 3
                                    

Narinig ko na ang tunog ng bell, hudyat na oras na ng pag-uwi. Inayos ko ang mga gamit ko at ilalagay ko na lang sa locker ko. Saktong pag-suot ko ng bag ko ay ang pagsulpot naman ng kaibigan kong si Carley.

"Bessy! Tara samahan mo ako sa Bookstore" ngumiti siya sa akin. Binigyan ko din naman siya ng ngiti din.

Tignan ko yung oras sa relo ko sa right hand ko. May isang oras pa ako para samahan siya. Papasok pa kasi ako sa part time job ko sa Convenience Store malapit lang dito sa school. Nagta-trabaho ako para may pera ako pang-baon. Hindi naman kasi kasya ang pera na binibigay sa akin ng magulang ko.

"Tara!" pagyaya ko sa kanya. Sabay kaming nag-lakad palabas ng Academy. Walking distance lang din yung bookstore kaya malapit lang. Mahilig si Carley sa mga libro katulad ko minsan nga ay sa kanya pa nangga-galing ang mga librong binabasa ko.

Pagdating namin sa bookstore ay nagulat kaming dalawa kasi ngayon lang ulit napuno itong store. Madalang lang kasi may bumisita dito pero iba yung ngayon. Madaming mga tao. Siguro dahil na rin sa may isang Author nanaman ang bumisita dito sa ganon lang dumadaming tao dito. Hindi na lang namin pinansin ni Carley kasi kaylangan namin magmadali. Alam kasi ni Carley ay oras ng pasok ko.

"Siguradong sikat yung Author na iyon oh" turo sa akin ni Carley sa mga nagku-kumpulan na babae. Tumango na lang ako at tumingin-tingin sa mga naka-ayos na libro.

"Pumili ka ng gusto mo ha? bibilhin ko for you" agad ko naman tinignan si Carley

"Kabibili mo lang kahapon sa akin diba? nakaka-hiya naman" totoo naman kasi nakaka-hiya. Hindi sa hindi ko gusto ang akin lang ay baka nabibigatan na siya sa akin.

"It's okay! para na kitang kapatid kaya ayos lang" binigyan niya ako ng isang ngiti. "Please?" tumango na lang ako at pumili ng libro. Hindi ako titigilan ni Carley hangga't di ako nakakapili.

Bago kami lumabas ay nakita namin yung kaninang 'Author na pinagkaka-guluhan nila. Isang matangkad na lalaki. Author ba yun? Hahaha. Wala kasi sa itsura niya ang hilig mag-sulat or mag-basa.

Hinatid ako ni Carley sa kung saan ako magta-trabaho. Gusto pa sana niyang tumambay doon kaso sabi ko umuwi na dahil hindi siya pwedeng gabihin sa labas dahil mahigpit na bilin yun ng magulang niya. Ayoko lang mapahamak siya.

Ilang minuto lang ay nagulat ako noong makita ko yung lalaki kanina sa bookstore na pumasok at pumunta sa Drinks section.

Matapos siyang makapili ay agad siyang pumunta sa pwesto ko para bayaran ang binili niyang inumin. Mukha siyang pamilyar sa akin pero hinayaan ko na lang kasi baka anong sabihin niya at ang tagal kong ayusin yung binili niya.

Hindi siya agad umalis at umupo siya sa isa sa bakanteng upuan. Saktong umupo siya sa makalat na mesa. Ako naman ay agad pumunta doon at tinanggal ang mga kalat sa mesa. Bahagya pa akong nagulat ng makita ko siyang nakatingin sa akin. Ngumiti na lang ako sa kanya at umalis na sa kung nasaan siya. 

10 pm natapos ang shift ko kaya naman agad na akong umuwi. Kailangan kong sumakay ng taxi para makarating ako ng mabilis.

Pagdating ko sa bahay ay agad akong naglinis ng katawan at bago ako matulog ay nilagay ko sa study table ko yung librong binili sa akin ni Carley pagkatapos ay nahiga na ako.

Mag-isa lang ako ngayon sa bahay. Wala sina Mama at Papa dahil may 'MAS importante daw silang lakad kahit hindi nila sabihin ay alam ko naman kung saan sila pupunta. Ayaw lang nila akong makita. Para sa kanila wala lang ako. Laging pinapansin lang nila yung dalawa kong kapatid. Sanay na ako sa ganito.

Ipinikit ko na lang ang mata ko at pinilit na maka-tulog. Umaasa pa din ako na pag-gising ko andyan na sila.

---

Maaga akong umalis sa bahay. Umasa nanaman ako na pag-gising ko andyan na sila pero wala.

"Louise" agad kong tinignan si Carley na kakapasok lang sa classroom sa totoo lang naiingit ako kay Carley dahil kumpleto silang magpa-pamilya, mahal siya ng magulang niya. Lahat ng gusto niya nasasabi niya sa magulang niya. Ako? ni-minsan hindi ko nasabi sa magulang ko ang mga gusto ko. Usually iiwan lang nila yung allowance na ibinibigay nila sa akin. Nagpapasalamat na lang ako kasi binibigyan pa nila ako dahil halos ayaw na nilang magpakita sa akin. Yung attention lang naman nila yung gusto ko.

"Kilala ko na yung kahapon na lalaki" lalaki? ah. Yung kahapon na lalaki sa bookstore at bumili kung saan ako nagta-trabaho. "Senior Student na siya" hindi naman ako interesado sa sinasabi ni Carley pero dahil kwento niya kaya okay na.

Kinuwento pa ni Carley lahat ng nalalaman niya sa lalaki na yun. Ako naman puro tango na lang. Hindi kasi ako pala-salita kaya nasanay na si Carley na tango ang sagot ko.

Pauwi na kami ng maisipan ni Carley na yayain ako sa bahay nila. Wala naman akong pasok sa trabaho ngayon kaya okay lang.

Nilakad na lang namin ang papunta sa bahay nila. Medyo malapit lang naman. Habang naglalakad kami ay panay ang kwento ni Carley. Madaming baon na kwento si Carley kaya hindi ka mabo-bored sa kanya. Sa akin kaya hindi siya nabo-boring?

"Louise? nakikita mo ba yun?" tinignan ko naman yung sinasabi niya. Kabababa lang ng isang lalaki sa kotse at agad ko naman namukhaan dahil siya yung lalaki kahapon.

"Tara daliaan mo. Makipag-close tayo" hinila naman ako ni Carley. Gusto ko sana siyang pigilan ngunit huli na kaya naman wala na akong nagawa kundi ang yumuko.

"Huy! Hello sayo" naka-yuko pa din ako at hinayaang si Carley ang makipag-usap. "Nakita kasi namin ikaw doon sa bookstore. Siguro sikat yung sinulat mo noh?"

Narinig ko naman ang bahagyang pagtawa nung lalaki. No choice ako kundi ang iangat ang ulo ko dahil nahihirapan din pala ako.

Nakita ko naman ang mukha niya. Sa totoo lang gwapo talaga siya. Mukhang seryoso sa buhay ang isang toh! Again. Ngumiti siya sa akin ng makita niya akong naka-tingin sa kanya.

"Hoy koya! Yung tanong ko" nabalik lang ang atensyon niya kay Carley.

"Ah hindi naman. Sakto lang" ngumiti siya.

"Ako nga pala si Carley Tiongson, kapit-bahay mo dito" aba! ako ng nahihiya kay Carley sa ginagawa niya. "Then, this is my best friend Louise." inilahad ni Carley ang kamay niya at agad naman nakipag-kamay ang lalaking nasa harapan namin.

Sinenyasan lang ako ni Carley na ilahad ko yung kamay ko so choice ulit ako.

"Johanson Sanchez, Johan na for short" kinuha niya ang kamay ko at ngumiti ulit....

trip nya sigurong ngumiti sa lagi.

---

authors note: sorry for the late update. hehe

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 11, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Your Attention Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon