Sayaw Sisa!
Sayaw Sisa!
Sayaw!Hayan na si Sisa-
hindi ang baliw bale
ang dinustang babae
ng isang intsik, isang kano't isang prayle
pinagpasapasahan animo'y puta sa kalye
matapos lawayan ay iniwan ang pobre.Hayan na si Sisa-
tumatangis, nananaghoy, umiiyak
Sa kanyang sinapit sa kamay ng kabiyak
na napakatamad at sugapa sa alak
at panabong pa ang laging hawak
sa t'wing uuwi at humihingi ng pilak.At napakasakit-
ang kanyang mga supling,
si Basilio't Crispin
ay nilamon ng pag-iisip kanluranin
para may maiuwing kusing
nagsunod -sunuran sa mga haring
siya rin namang sa ina'y umalipin.Sayaw Sisa!
Sayaw Sisa!
Sayaw!Hayan nga Sisa-
Ngunit si Sisa nga ba iyan?
pakanta-kanta, pagiling-giling
Hindi mo na bakas ang pagkagupiling
mukhang banderitas, makinang ang suotin
kahit hatak hatak ay lata't mga kalansing.Hindi na alintana
arawan man o ulanin
tatangis at mananalangin
kapagdaka'y hahalakhak rin
sa huli'y mananaghoy hahanapin ang supling
ang sasagip sa kaniya'y kailan kaya darating?Sayaw Sisa!
Sayaw Sisa!
Sayaw!Ang kaawa-awang si Sisa'y
sa huli'y nabaliw rin-
tinakasan ng bait at isinayaw ng hangin.
BINABASA MO ANG
Sisa
PoetryHayan na si Sisa- hindi ang baliw bale ang dinustang babae ng isang intsik, isang kano't isang prayle pinagpasapasahan animo'y puta sa kalye matapos lawayan ay iniwan ang pobre.