Kabanata 10

3.5K 196 19
                                        

"You really like the Library, Cee?" Tanong ni Lander habang pinaghila ako ng upuan para makaupo ako. 

"Thank you. I just like the peace and quiet here. It's comforting para sa akin. Para akong nasa sarili kong mundo pag nandito ako. Its like a sanctuary for me." Ngumiti ako sa kanya saka naupo.

Nilabas ko yung sketchpad mula sa bag ko. Naisipan ko kasing mag sketch at kagabi pa ako binabagabag ng idea na naisip ko. Ganito na yung naging usual routine ko tuwing andito ako sa library. Kung hindi ako nagdadrawing ay nagbabasa naman ako.

"That's actually nice. Sana ako rin may sanctuary. Yung sanctuary ko kasi nawala. More like, taken away from me" Aniya saka umupo sa katabi kong chair

Napaisip naman ako sa sinabi niya. What does he mean taken away? Can a sanctuary be taken away from you? Inisip ko na lang na baka ang ibig niyang sabihin ay giniba o dinemolish ang lugar na madalas niyang tambayan.

"That's sad. I hope you find your sanctuary or a new one. Gusto mo share na lang tayo sa library?" pagbibiro ko.

Tumawa lang siya saka umiling sa akin. 

"Thank you for the offer. Alam ko namang malapit ko ng mahanap at makasama yung sanctuary ko"

Kumunot ang noo ko, "Makasama?" sabi ko

"Oo makasama. Wait, akala mo ba I was referring to a place." suminghap siya

"Not all sanctuaries are places, Cee. Pwede ring tao. Kasi diba, sanctuary means a safe place or place that gives you peace, or somewhere you can be yourself? So yung sanctuary ko, tao. Hindi lugar."

Tumango ako ng maintindihan yung sinabi niya. 

"Ikaw ba? May human sanctuary ka?" mausisang tanong niya.

Saglit akong nag isip. Isasagot ko sana si Daddy, pero may kung anong pumigil sa akin kaya umiling ako kay Lander. Umikot yung isip ko don sa sinabi niya. I love dad and kuya, pero alam ko sa sarili ko na I have been keeping a lot of things from them. Honestly, I have been keeping to myself more. Hindi ko alam kung bakit laging pumapasok sa isip ko na walang makakaintindi sa akin.

"Nga pala. How did you know that Liam is my cousin?"

Naalala ko kasi yung sinabi niya nung nagkita kami sa mall. I didn't have the chance to ask him about it then kasi may importante raw siyang pupuntahan.

"Oh that? Narinig ko kayo nung breaktime." sagot niya. 

Kumunot ang noo ko. Breaktime? Naalala ko bigla yung nagpakilala sa akin si Kuya Levi at Liam. Baka iyon iyong tinutukoy niyang narinig niya. Kung narinig niya iyon, baka may iba ring nakarinig? Lagot ako nito kay Kuya.

"U-uhm. Ano... Lander... Can you do me a favor? Please don't tell anyone about me and Liam being cousins." 

"Oo naman. No problem. Your secret safe with me" sabi niya at waring ziniper ang bibig.

"You're secret is safe with me too" natatawang sagot ko. 

"Huh? You know my secret?" Gulat na napalingon si Lander sa akin. 

Tumango tango naman ako. Naalala ko kasi yung pinagusapan namin noon sa library. Yung tungkol sa taong namimiss niya pero di raw niya masabihang miss niya ito.

"Oo naman. Diba, may namimiss ka na di mo masabihan na miss mo siya?"

"Aah. Yun pala tinutukoy mo?" His expression softened. He gave me a soft smile and a nod.

"You know, I kinda relate to that feeling" 

Namimiss ko rin kasi si Mommy. And like Lander, I can no longer tell her how much I miss her. Kasi wala na siya. If only I can, sasabihin ko sa kanya kung gaano ko siya namimiss. At kung gaano ko ka gustong lumaki na katabi siya. How I wish I could share and talk about girl problems with her.

Whispers under the Lost StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon