Chapter 12

159 5 1
                                    

Chapter 12

Tiara’s POV

Maaga ang uwian namin ngayon kaya may time pa kami ni Dessi mag-usap. Feel ko kasi mas malaki ang problema niya kesa sa akin.

“Ara sa tingin mo ba tama na sundin ko si papa?”

“Uhm Oo naman, tatay mo yun eh”

“Hay nga naman, Kung pwede nga lang tutulan sya kaso hindi eh, Kasi Tatay ko yun”

Mukhang about sa Dad nya ang problema.

“Spill, Tell me your real problem”

“Ok, ganito kasi yun he wants me to married to one of his Bussines partner’s son. Yun gusto nyang pag-isahin ang company namin and because wala naman akong kapatid na lalaki kaya ang sabi nya kailangan daw may magpapatakbo ng company namin, Alam mo ba feel ko wala akong kwenta sa pamilya”

“Dessi, hindi yan totoo”

“yeah right kung mahal nga nila talaga ako, they will let me decide kung anong gusto ko,  and ano pang silbi kong anak kung hindi naman nila kayang ipahawak ang company namin sa akin” sabi nya na-iiyak iyak pa

“ssshhh tahan na, I know everything’s gonna be fine. Hindi man ngayon pero he’ll come to realize. Alam mo ok lang naman kung ikaw muna ang masusunod eh. Buhay mo yan at ikaw ang may karapatan na magdecide especially if youre decision will make you happy. Basta kung ano man ang decision mo, I’ll support you”

“S-salamat” she hugged me tightly. Hayy buti na lang hindi ganon kalala yung problema ko.

“Ay nga pala diba may problem ka rin?”

“uhm hindi naman  ganon kalala, ano ok lang sya”

Ehhh Nahihiya naman akong sabihin sa kanya. Bahala na nga.

“a-ano kasi ano pano ko ba sasabihin to”

“Ihhh ano ba kasi yun?? Malay mo kaya kong solusyonan”

“si ano eh ano ko na kaso nga lang ano----”

“Naman ara, nahiya ka pa, sabihin mo na kasi, huwag na yang ANO na naman ang explanation mo”

“Si riyu kasi eh---“ hindi natuloy ang sasabihin ko ng biglang nag-ring yung phone ni Dessi. Wew save by the ring.

“Aisssshh, storbo teka lang”

Lumayo muna si Dessi sa akin, nandito kasi kami sa may garden ng school.

Nang bumalik na sya nakabusangot ang mukha. Hayyy I think its her dad again.

“hayy ara, I need to go. Nandun na yung sundo ni papa sa gate. Gusto mo sabay ka na??”

“naku hindi na, lakarin ko na lang” gusto ko sana kaso nga lang malalagot ako sa riyu na yun. Kanina ko pa ksi nafi-feel na nag-vivibrate yung cp ko sa bulsa.

“sure ka??”

“Yup” I smile widely for assurance

“Sige, basta tatawagan kita mamayang gabi. Akala mo nakatakas ka na huh?, Cge na den sabay na tayo labas”

“Ok, magkwento ka kung anong itsura nung lalaki ah??”

“ara, para namang interested ako dun? Duh!, pero cge na nga kwentuhan tayo mamayang gabi”

Pagkalabas namin ng school ay nag-aantay na nga yung sasakyan nila dessi sa kanya. Buti wala pa si Riyu ditto.

“Bye Ara, Ingat ka hah”

THE ONE WHO ROCKED MY HEART ( o n g o i n g )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon