Textmate

53 0 0
                                    

Ako si April isang business manager. Sabi ng magulang ko nag ka amnesia daw ako noon palang.. pero tina-try kong ma remember ang mga ala-ala ko. :D

 Palabas pa lang ako ngayon sa opisina at papunta na ako sa parking lot kasi nandun ang sasakyan ko.

Ipinaandar ko na ang kotse ko at nag drive na ako pa uwi..

Sa pag uwi ko.. may lalaking naka harang sa daan.. parang mag papakamatay ata? at sa bilis ng drive ko.. nasagasaan ko sya..at ako naman.. nabali yung kaliwang paa ko at dinala ako Hospital.

**HOSPITAL

Bakit ako nandito? anong ng yari sa akin? - Sabi ko sa isipan ko. Habang minumulat ko yung mga mata ko. 

"Good afternoon, miss. Gising na pala kayo." Bati nung nurse na chi-check dektros.

"Nurse? ano ba ang nangyari sa akin? Ang huling na alala ko kay na disgrasya ako." Aray. Parang ang sakit ng mga paa ko ah. Di ko ito maigalaw. Ano ba kasing nangyari sakin.

"Ah. Oo ma'am at bad news, na bali po yung kaliwang paa niyo." 

What the-- hindi pwede to. May business pa akong pupuntahan. No! This can't be. Ba't sa lahat ng araw ito pa? Ano na yung gagawin ko. 

"WHAT?!" Napasigaw ako.

Sa sandaling yung may na alala ako. Yung lalaking nasagasaan ko! Oo. Saan na ba yun? Sana naman ay ok lang siya. Di ko talaga sinasadyang masagasaan siya. Gusto ko siyang makita at hihingi ako ng paumanhin, ako nalang din ang magbabayad ng mga gastusin niya.

"Nurse, yung lalaking nasagasaan ko? kumusta sya? ok lang ba sya?"

"Ah yun pong lalaki? namatay na po sya, miss." Pagkasabi niya parang nanigas yung katawan ko. Ano bang nagawa ko? Kasalanan ko to dahil hindi ako nag ingat. 

"Ganun ba? :( nurse pwede paki on yung tv." 

Baka nasa tv yung nangyari kanina alam mo naman tong mga taong to kung may aksidente agad-agad ina-update yung balita. Kaya humiga nalang ako ulit, pero di parin ako makapagpahinga ng maayos dahil na bali nga yung kaliwang paa ko at nakapatay pa ako ng inosenteng lalake. 

Binuksan ng nurse yung tv at dun ko nakita sa balita.

"May aksidente kanina dito sa **** street at ang anak ng princesa ay nasagasaan. Nandito po ang ina niya." 

A-ano daw? Totoo ba ang narinig ko? Ang anak ng prinsesa yung nasagasaan ko? Hindi pwede to. Namatay nalang sana ako kasama nung lalake para di ako magkakakonsyensa ng ganito. Ano ba yung nagawa ko, binawian ko siya ng buhay.

Habang nagsasalita yung ina nung biktima puno ng luha yung mga mata niya. Kinuha ko yung iisang anak niya.

"Nag tangka pong mag pakamatay yung anak ko.. dahil hiniwalayan sya ng asawa niya, anim na taon ng nakalipas. Ililibing na po namin sya mamaya at ilalagay ko po tong cellphone niya kasi sa paniniwala namin pag ilalagay mo daw yung cellphone sa cuffen pwede mo raw ma tawagan sya." Sabi nung prinsesa.

Tumayo yung mga balhibo ko. 

"Nurse, paki off na po yung tv." Sabi ko sa nurse

"Ok, po. Ngapala heto po yung bag nyo. Nakita po nila sa sasakyan." Tapos binigay niya yung bag ko. Kala ko naman wala nato o kaya ninakaw na.

"Salamat."

"Alis na po ako. Tawagi nyo nalang ako pag may kailangan kayo." 

Text (One-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon