"Deans! May sagot kana dito?" Tanong ni bea sakin,nandito kami ngayon sa tabi ng puno kung saan kami lagi tumatambay tuwing may free time
"Wala" simpleng sagot ko ang pumikit para sana umidlip kahit konte
"Wala daw pero mamaya may ipapasa yan" reklamo nya
"Kung ginagawa mo na kase yan! Alam mo namang ngayon na ang pasahan nyan tapos ngayon mo lang gagawin" sagot ko
"Eh naka tulog kasi ako kagabi pagdating sa bahay e hehe, dali na kasi pakopya nalang" aba siraulong 'to kokopya pa nga "pleaseee boss deansss" pagmamakaawa nya pa
"Bat ba kasi hindi mo ginawa kahapon yan o kahit kagabi sana! Maaga naman tayo umuwi ah"
"Pumunta kasi ako kila jho eh, tapos gabi nako nakauwi kaya ayun hehe"
"Yan! Inuuna pa kase harot"
"Eto porket wala kang jowa e" nakasimangot na sagot nya
"Ah ganon" pagbabanta ko sakanya
"Eto naman di mabiro, joke lang! Pakopya na kasi wanya e maya-maya papasok na tayo"
Napabuntong hininga nalang ako at bumangon para kunin ang notebook kong may sagot sa activity namin na ipapasa mamaya
"Oh bilisan mo" sabay abot sakanya ng notebook
"Yown!" Naka ngising sagot nya at kumopya na
"Eto na lods, salamat master!" Sabi ni bea ng binalik na sakin ang notebook pagkatapos kumopya
"Last nayan ah, sa susunod bahala kana kahit wala kang sagot"
"Aye aye captain" sabay kunwari saludo ng kamay
"Ano nga pala gagawin mo mamaya pagkatapos ng klase?" Tanong ni bea sakin. Langya naman to,di ako makatulog amp.
"Uuwi malamang"sagot ko habang naka pikit parin
"Hindii kasi! Ang ibig kong sabihin kung may gagawin kaba mamaya pag uwi mo!!" Paliwanag nya
"Wala, bakit nanaman? Ano nanamang balak mo" alam ko nato eh, pag ganito mga tanungan neto may plano nanaman 'to na gumala o may katarantaduhang gagawin tapos idadamay ako
"Yun sakto! Tara tambay tayo kila mafe mamaya, nagyaya yun eh. Magpapa meryenda daw" sabi na eh
"Si mafe?! Magpapa-meryenda? Wews bago yan ah" di makapaniwalang sagot ko
"Kaya nga punta na tayo e!Tsaka ayaw mo nun? Makaka simoy ka sa bebe mo yieh hahaha" siraulong sabi ni bea
Napamulat naman ako at kunot noong tumingin sakanya "huh?! Anong bebe naman pinagsasabi mo dyan hayp ka?!"
"Sus! Kunwari kapa, di mo ba namimiss makita si bebe jessica mo? Ilang araw mo nang hindi nakikita yun eh" ha ano daw?! Parang timang amp
"Bat ko mamimiss? Close ba kami?!"
"Hindi, crush mo lang hehe" tapos ngumiti ng nakakaloko
"Muka kang tukmol ngumiti hoy" singhal ko sakanya at napa simangot naman sya agad
"Ang sama mo! Parang di tayo magtropa ah" kunwaring nagtatampo pa
"Di naman talaga eh, pinaplastik lang naman kita" pang aasar ko pa
Tinignan nya naman ako na parang di makapaniwala sa sinabi ko"Luh gagu bhie bad" sabay tawanan nalang.
"De pero tara na mamaya ah! G na yan" pamimilit nya pa
"Oo na, kala mo namang may magagawa pako" pagsuko ko. Bigla namang lumiwanag muka nya at pumalakpak pa "yowwnn!! Libre lamon mamaya yiheee!!"
Yung totoo cyst? First time kumain?! Pag dating talaga sa lamon parang baboy 'tong bakulaw nato e