Fast Forward
Sabrina’s POV
Intramurals na namin at hindi pa rin kami nagkabati ni Princess. Kapag naaalala ko ang pangyayaring yun, bigla na lang akong may luha na tutulo sa pisngi ko. Iniisip niya kasi na manggugulo ako at aagawin ko sa kanya si Stephen kahit na hindi ko naman yun gagawin sa kanya. Nakipagpalit rin ako ng upuan kay Stephen nung may klase pa kami. So bale siya ang nasa gitna namin. Napapansin rin niyang di na kami nag-uusap ni Princess kaya tinanong niya naman ako.
“Sab, nag-away ba kayo ni Princess?” Stephen
Hindi naman ako sumagot. Silence means yes right? But not all the time nga pala! Wahaha.. pero di lang talaga ako sumagot.
“Anong problema niyo?” Stephen
Still, hindi ako sumasagot.
“Nice talking Sab!” sabi niya sakin
“Nagka-away lang kami pero hindi naman big deal yun.” Sagot ko sa kanya
“Hindi big deal? Eh ang tagal niyo ng hindi naguusap eh. Yun ba ang hindi big deal?” Stephen
Nanahimik na lang ako.
Bigla naman siyang nagsalita.
“Alam mo Sab, hindi maaayos yan kapag may pride kayong dalawa. Gusto niyo ba na habang buhay kayong magkagalit? Pano yung pinagsamahan niyo? Kakalimutan niyo lang ba yun? Bawasan niyo ang pride niyo Sab! Sige alis na ako. Fix your friendship! ^_^”
Tahimik pa rin ako at iniisip ang mga sinabi ni Stephen sa akin. Tama naman siya eh! Silang lahat tama, mommy at daddy ko, ibang classmates ko at si Stephen. Pride namin ang ayaw magpabati samin ni Princess. Kakausapin ko na si Princess sa last day of intramurals. Ayokong mag-away kami nang dahil lang sa isang lalaki. Before I forgot, nawala na ang pagkacrush ko kay Stephen. Okay na rin yun, atleast nalaman kong he is not for me talaga.
Stephen’s POV
Alam ko na may problema silang dalawa ni Sabrina at Princess and as their friend, I should help them para di masayang ang pinagsamahan nila.
Kinausap ko silang dalawa at silang dalawa eh nagulat sa mga sinabi ko. Pride ang meron sila kaya hindi sila makapagbati.
Gusto ko na silang magbati kasi sasabihin ko na sa kanila ang tungkol sa gf ko. Sana nga magkabati na silang dalawa.
To be continued...

BINABASA MO ANG
Power of True Friendship
ChickLitFriendship is important to every person and they will treasure it.