A Broken Man’s Love
Hindi ko akalaing sa maikling panahon ay umibig ako sa kanya.
“LOL dude? Seryoso ka ba? Mahal mo na?” sabi ni Dylan. Nasa may likod bahay kami habang nag-iinom.
Hindi ako sumagot. Bagkus ay nilagok ko ang kalahating basong alak bago kumuha ng isang kutsarang sisig.
“Ay grabe pare. Kailan pa yan? Bakit ngayon mo lang sinabi sa amin? Tsaka di ba si Katrina yung date mo lately?” si Kristoff na nilalantakan ang isang pack ng chippy.
Napaisip naman ako sa sinabi niya. Kalian pa nga ba? Kanina lang? noong isang araw? Kahapon?
Hindi ko rin alam.
Hindi ko talaga alam.
Natapos ang inuman namin ng tropa na hindi ko man lang sinasagot ang mga katanungan nila. Eh anong isasagot ko sa kanila? Hindi ko rin naman alam ang mga kasagutan?
Pumasok na ako sa bahay at nasalubong ang aking ina.
“You drink again? What are you doing to your life? You’re still young to be like your father!” singhal niya sa akin.
Yeah my father. My dead father. Hindi pa rin pala nakakalimutan ni Mama na namatay si Papa dahil sa sakit. Komplikasyon sa atay. Na naging sanhi pa ng iba pang komplikasyon na hindi na nakayanan ng kanyang katawan. Mabisyo kasi si Papa. Puro inom at sigarilyo inaatupag nun sa buong araw. Araw-araw.
He died a sick man. And my mother thinks I’m gonna follow his path.
“I’m not going to be like him.” Maikli kong tugon sa kanya bago siya nilampasan at nagtungo paakyat ng hagdan.
Gusto ko na matulog. Hindi pa ako lasing pero parang hinihila na ako ng kama.
Humiga na ako at nilagay ang braso sa may noo. Iniisip ko pa rin ang mga nangyari. Kung paano ako napamahal sa kanya.
Paano nga ba?
Oo maganda siya.
Ang ganda ng mga ngiti niya.
Yung mga mata niyang punung-puno ng pag-asa.
Kumusta na kaya siya? Tulog na kaya? Paano kung nasa labas siya? Baka mahamugan siya. Lalo lang…
*Tok Tok Tok
Wala akong balak pagbuksan ka ng pinto.
Kaya manahimik ka dyan.
------------------------------------------------
Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako kagabi. Naramdaman ko na lamang ang mga sinag ng araw na dumampi sa aking balat.
*insert Iphone message alert tone*
I lazily get my phone to check the new message.
From: Alex
Good morning Mr. Masungit na Manyak!
Napangiti naman ako sa mensaheng yun. Mr. Masungit na Manyak. Yan yung tawag niya sa akin kasi ang sungit-sungit ko daw plus may pervert attitude. Para daw akong babeng may period sa kasungitan.
Nung una medyo irita ako sa kanya. She always wants to annoy me in every way. No I want to annoy her.
****
“Hoy lalaking may period na manyak!” sigaw ng isang babae habang naglalakad ako sa hallway ng school.
Ang lakas ng apog ng babaeng ‘to. Kasama ko pa naman si Katrina.