Chapter 1:I've Meet the Primate!

1 1 0
                                    

Naglalakad ako ngayon habang nakatingin sa mga batang naglalaro.

Nakakatuwa silang pagmasdan,ang saya-saya nila at halatang wala silang pinoproblemang makamundohang bagay.

Nakakamiss rin noh?Dati ganyan din ako pero ngayon hindi na ko pwede pang maglaro dahil dalaga na ako.

Natatandaan ko pa dati nung bata ako na iyak ako ng iyak dahil ayaw akong bilhan ni nanay ng chocolate.

Yun yung pinoproblema ko dati pero ngayon sobrang dami ng pinoproblema ko.

Isa na doon ang financial provision namin.Mahirap lang kami at nakikitira lang kami sa kamag-anak namin dito sa Hacobo Island o ang tinatawag nilang H.I.

Masayang tumira sa islang ito pero di parin mawawala ang paghihirap,lungkot at pasakit.

Lumaki akong walang amang kumakalinga sakin at tanging Ina ko lang ang nakakasama ko.Mahirap ang walang ama pero kinakaya ko para sa nanay ko na may sakit ngayon.

Lagi lang syang nasa loob ng bahay,nakahiga dahil hindi na sya nakakalakad pa.Inborn iyong sakit ni nanay kaya wala syang nagagawang trabaho pero may likas na kagandahan si nanay kaya nabihag nya si tatay.

Kaso iniwan rin sya,kami.

BTW,ako nga po pala si Keitleen Cruz 15 years old at isang 4th Year High School.Nag-aaral ako sa Saint Jacob Academy.

Isa akong scholar sa paaralang iyon.Kahit na isla ito marami paring mayayaman na tumitira dito na nag-aaral sa paaralang pinapasukan ko.

Malapit na ang pasukan kaya kailangan kong mag-ipon para sa pambili ng mga gamit ko at gamot ni nanay sa pang-araw-araw.

Ang pinagkaka-abalahan ko ay ang pagiging labandera.Iyon lang ang pwede kong magagawa sa ngayon dahil minorde edad pa lang ako.

Ang batas kasi sa lugar na ito ay pag di ka pa nakakaabot sa edad na 18 hindi ka pa pwedeng mag-trabaho sa mga opisina,restaurant,mga coffee shop at iba pa.

Maaari kang mag-trabaho pero yung mga mild job lang.

Papunta ako ngayon sa isang pamilya sa lugar na ito.Hindi ako pamilyar sa mga apelyedong Melendez dahil di ko pa naman sila nakikita.

Pupunta ako dun para maglaba at hindi para lumandi.

Sa susunod na yang landi.HAHAHA!

Base dito sa guide ko ang Melendez's Mansion ay nabibilang sa Sampaguita Street.

Mansion?So it means mayaman ang mga Melendez Family?

Ohmayghaddd!Excited na ako!Sa tanang buhay ko di pa ako nakakakita ng isang mansion.Pero sabi nila malaki daw iyon.

#EXCITEDMUCH!!!

Habang tumatawid ako sa daan ay bigla nalang may humarurot na isang pulang sasakyan.Malapit na akong mabunggo buti nalang nga ay naprenuhan nya at napa-atras  naman ako dahil sa gulat.

Dahil sa di inaasahang pangyayare ay nabitawan ko ang papel na nagsisilbing guide ko sa daanang to.

Bigla namang lumakas ang hangin kaya ang mahaba kong buhok ay napunta sa mukha ko.

KYAAAAAH!Kainis baka mawala yung guide ko.

Inalis ko ang mga buhok na nakatabon sa mukha ko at nagsimula na akong hanapin iyon.

Paikot-ikot ako sa pini-pwestuhan ko pero wala akong nakikitang papel.

Patay talaga ako nito!Huhu.Yung guide ko.Ayokong mawala ako sa lugar na to di ko pa naman saulo ang mga pasikot-sikot dito.

Someone You LovedWhere stories live. Discover now