Maagang gumising si Cindie upang maipaghanda ng almusal ang kanyang ama.Kumakanta-kanta pa ito habang nagluluto.Ang ama niya ang pangalawa sa pinakamayaman sa kanilang bayan ngunit hindi na ito nag-abala pa para kumuha ng kasambahay o kahit sinong maaaring tumulong sa kanilang pamumuhay.
"Mukhang masarap ang niluluto ng anak ko ah"wika ng kanyang ama na nakaharap na sa hapagkainan.
"Ama,kailan po ba ako ng nagluto ng hindi masarap?"nangingiting tanong ng dalaga
"Naku,walang araw o oras na nagluto ka ng hindi masarap,anak.Laging masarap ang niluluto mo"tugon naman nito.
"Salamat kay ina dahil kahit labing tatlong taon pa lamang ako ay marami na siyang itinuro sa akin"matamlay na sabi pa ni Cindie.
Lumapit ang kanyang ama at tinapik-tapik ang balikat niya."Sigurado akong nakikita ka niya sa langit at sigurado akong natutuwa siya sa iyo dahil nakikita niyang nagagamit mo ang mga itinuro niya"
Ngumiti siya at niyakap ang ama.Tumulo ang kanyang mga luha."Ama,namimiss ko na si ina
"Ako rin,anak.Miss ko na rin siya"hinagod-hagod niya ang likod ng kanyang anak.
Bumitaw na si Cindie sa pagkakayakap sa kanyang ama at inihain ang mga niluto niya.Pagkatapos nilang kumain ay naghanda naman si Cindie sa pagpunta sa kanilang strawberry farm.Nagpaalam ang kanyang ama na hindi siya nito masasamahan dahil may importanteng bagay pa siyang dapat asikasuhin.
Ayos lang naman ito kay Cindie dahil tiyak namang naroon ang kanyang nobyong si Scaven para tulungan at samahan siya sa pamimitas ng strawberry.
Ngunit laking pagtataka niya ng wala siya roong maabutang Scaven.Dapat ay kasabay lamang niya ito sa pagdating sa taniman.
Hindi na lamang niya ito pinansin at sinimulan na ang pamimitas.
"Ayos lang naman ako kahit hindi niya ako samahan.Kaya ko ito ng mag-isa.Hindi lang naman pagluluto ang kaya kong gawin.Kaya ko ring buhatin ang mga naglalakihang basket ng strawberry"wika niya na tila ba nagpaparinig sa hangin.
Walang gana siyang napaupo sa isang malaking bato na nasa gitna ng kanilang taniman.Inaalala niya ang kanyang nobyo.Ang alam niya ay magkikita sila ngayon para mamitas at kumain ngunit tila hindi ito sumipot.
Bumuntong hininga siya at muli ng tumayo.Lalakad na sana siya ng may humarang na palad sa kanyang mga mata.
"Akala ko ay hindi ka na pupunta pa rito"may pagtatampo sa tinig ng dalaga.Alam niyang sa kanyang nobyo ang mga kamay na humaharang sa kanya ngayon.
Tinanggal na nga nito ang kamay sa kanyang mata at hinarap siya."Nagtatampo ka ba,prinsesa ko?"
"Hindi na,pero kanina nagtatampo ako"nakasimangot na sagot ng dalaga."Akala ko ay hindi ka na sisipot"
Hinawakan ng binata ang kamay ng kanyang nobya."Hindi mawawalan ng oras ang prinsipe sa kanyang prinsesa, diba?"
Tumango lamang ang dalaga at yumakap sa kanya."Mahal na mahal kita,prinsipe ko"
"Mahal na mahal rin kita,prinsesa ko"
---------
Natapos na ang dalawa sa pamimitas.Iniwan muna nila saglit ang mga basket sa gitna ng taniman upang magpunta sa kubo at kumain.
Nang naroon na sila sa kubo ay inalabas ng binata ang tsokolate na nasa bote.Nang makita naman ito ni Cindie ay hindi na siya nag-atubili,inalagay niya ito sa isang maliit na platito at isinawsa w niya rito ang mga strawberry na kinuha nila.
"Hmm..Ang sarap talaga"wika niya
"Bagay na bagay talaga ang tsokolate at strawberry.Maging tayo ay bagay na bagay rin,maganda ka at gwapo naman ako"nakangiting pahayag ni Scaven
YOU ARE READING
Cindie Rilla
HorrorCindie is a simple and kind girl but everything changed to her when her stepmother came.