The Wishful

5 0 0
                                    

I've always been that little girl who waits every night for a wishing star. I've always been the one who believes that a falling star will grant your wish. I patiently waited, but no matter how I did, the wishing star never fall, at least not on my sight.

But one night, I was shook. The wishing star is falling, and it's coming my way.

"Thank you Mam, Sir. Come again!" bati ko sa huling customer ng cafe na pinagtatrabahuhan ko.

Nagliligpit na ako nun ng mga lamesa dahil closing hours na, nang bigla na lang may pumasok na lalaki.

Magsasalita sana ako para sabihing closing na pero natigilan ako.

I think I've seen the most innocent eyes in my life.

Ewan ko ba, napakaamo naman ng mukha ng lalaking ito. Mas maganda pa siguro sa akin kung naging babae.

I waved all those silly thoughts.

"Sorry, Sir. Closed na po kami", sabi ko na nakakuha ng atensyon nya.

Ngumiti sya at umiling, "Don't worry, I'm not here to order. Nandito ba si Stanley?"

Ah, hinahanap nya manager ko.

"May appointment po ba kayo sa kanya, Sir?"

Ngumiti lang ulit sya sa akin. Bigla namang lumabas ang manager namin.

"Partner! Napadaan ka?" bati sa kanya ng manager namin.

Partner? S&R Cafe...

Stanley and..

Omo!

Sya si Sir Raven?

Binatukan ko ang sarili ko sa isip ko. Nakakahiya ang mga sinabi ko kanina! Hindi naman pala sya customer, manager din namin sya!

Napatingin ako sa counter kung saan nandoon si Ivy na nakatingin din pala sa akin. Kumibit balikat sya, hindi rin siguro nya kilala dahil pareho kaming bago dito sa cafe.

"Sila nga pala yung bago nating part timers dito sa cafe, si Ivy tsaka si Sheena." pakilala ni Sir Stanley.

"Sorry Sir kanina napagkamalan ko kayong customer", hingi ko ng paumanhin

Ngumiti sya. Bat ba ang hilig mong ngumiti, Sir? Kukuritin na talaga kita!

"It's okay. Madalang naman kasi talaga akong pumunta dito eh."

"Tapos na ba kayong mag pack up? Sabay-sabay na tayong lumabas", sabi ni Sir Stanley kaya naman tumango kaming pareho ni Ivy.

Mabilis kong hinubad ang apron na suot ko pati na rin ang hairnet at inilugay ang buhok bago nilagay ito sa locker namin. Kinuha ko na rin ang mga gamit ko bago lumabas.

Habang inila-lock ni Sir Stanley ang pinto at rollers ng cafe, na palagi nyang ginagawa, nagsalita bigla si Sir Raven.

"Saan ba kayo umuuwi? Hatid na namin kayo?", tanong nya sa amin.

Nagkatinginan naman kami ni Ivy at sabay na umiling, "Naku, Sir, hindi na po. Baka po ma-out of way kayo tsaka hindi nyo naman po responsibilidad yun."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 02, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

WishWhere stories live. Discover now